Ikalawang Digmaang Pandaigdig

digmaang pandaigdig noong 1939 hanggang 1945 sa pagitan ng mga kapangyarihang Alyado at Aksis

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pansandatahang-lakas upang lupigin ang bawat kalaban. Isang linggo bago magsimula ang digmaan, ang Kasunduang Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Polonya. Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran, hilaga, at timog ng Polonya noong Setyembre 1, 1939 habang ang USSR ay nagsimulang lumusob sa bansa noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng Polonya. Nang sumuko ang Polonya, sila'y pinalipat sa Romania. Ang hukbong Nazi ay aktibo sa digmaan mula 1939 hanggang 1940 at halos nakontrol ang maraming bansa sa Europa. Pumasok ang Italya sa digmaan noong June 10, 1940 upang tulungan ang mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika, Olanda, Austria, Tsekoslobakya, Polonya, Yugoslavia, Ukraina, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya sa panahong iyon.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Zweiter Weltkrieg (Aleman)
  • Seconda guerra mondiale (Italyano)
  • 第二次世界大戦 (Hapones)
  • Вторая мировая война (Ruso)
  • Second World War (Ingles)
  • 第二次世界大战 (Tsino)
  • Seconde Guerre mondiale (Pranses)

Paikot mula sa kaliwang taas: mga sundalong Tsino sa Labanan sa Wuhan, mga kanyon ng mga Briton at Awstralyano sa panahon ng Unang Labanan sa Al-Alamayn sa Ehipto 1943, mga eroplanong pambomba ng Alemanya sa Silangang Teatro (taglamig 1943–1944), hukbong pandagat ng Estados Unidos sa Golpo ng Lingayen, paglalagda ni Wilhelm Keitel sa Kasulatan ng Pagsuko ng Alemanya, mga sundalong Sobyet sa Labanan sa Stalingrad
PetsaIka-1 ng Setyembre 1939 - Ika-2 ng Setyembre 1945 (6 na taon at 1 araw)
Lookasyon
Resulta

Pangwakas na tagumpay ng mga Alyadong Bansa

Mga nakipagdigma

Kapangyarihang Aksis


Alemanyang Nazi
Imperyo ng Hapon
Kaharian ng Italya

Unggarya
Rumanya
Bulgarya
Pinlandiya
Taylandya
Irak
Pilipinas
Croatia
Burma
Slobakya
Manchukuo
Mengjiang
Bagong Tsina
Azad Hind
Albanya

Kapangyarihang Alyados


Unyong Sobyetiko
Reyno Unido
Estados Unidos
Tsina

Pransya
Polonya
Canada
Australia
Yugoslabya
Pilipinas
Gresya
Olanda
Belhika
Timog Aprika
New Zealand
Noruwega
Tsekoslobakya
Etiyopiya
Brasil
Luksemburgo
Cuba
Mehiko
Indiya
Mongolia
Mga kumander at pinuno
Joseph Stalin
Georgy Zhukov
Vasily Chuikov
Winston Churchill
George VI
Bernard Montgomery
Hugh Dowding
Franklin Roosevelt
Dwight D. Eisenhower
Douglas MacArthur
Omar Bradley
George Patton
Chester W. Nimitz
Husband E. Kimmel
Chiang Kai-shek
He Yingqin
Chen Cheng
Mao Zedong
Maurice Gamelin (hanggang 1940)
Maxime Weygand (hanggang 1940)
Charles De Gaulle
Manuel L. Quezon (1941-1942)
Sergio Osmeña (1944-1945)
Ioannis Mataxas
Alexander Papagos
Milorad Petrović
Netherlands Henri Winkelman
Belhika Leopold III
Norway Otto Ruge
,at iba pang mga kasapi
Adolf Hitler
Hermann Göring
Wilhelm Keitel
Walther von Brauchitsch
Erwin Rommel
Gerd von Runstedt
Franz Halder
Fedor von Bock
Erich von Manstein
Friedrich Paulus
Wilhelm Ritter von Leeb
Wilhelm List
Hugo Sperrle
Albert Kesselring
Heinz Guderian
Hirohito (Emperador Showa)
Hideki Tōjō
Hajime Sugiyama
Tomoyuki Yamashita
Isoroku Yamamoto
Chuichi Nagumo
Osami Nagano
Masaharu Homma
Yoshijirō Umezu
Korechika Anami
Benito Mussolini
Victor Emmanuel III
Umberto II ng Italya
Pietro Badoglio (1940-1943)
Rodolfo Graziani
Ugo Cavallero
Ion Antonescu
Constantin Constantinescu
Ioan Dumitrache
Miklós Horthy
Gusztáv Vitéz Jány
Carl Gustaf Emil Mannerheim
Marko Mesić
Viktor Pavičić
Ferdinand Čatloš
Augustín Malár
Ananda Mahidol
Plaek Pibulsonggram
,at iba pang mga kasapi
Lakas

~100,000,000


35,000,000
16,000,000
12,000,000
5,000,000
4,700,000
1,000,000
900,000
800,000+
680,000, at marami pang iba

~40,000,000
22,000,000
10,000,000
4,500,000
1,300,000
1,200,000
1,200,000


500,000, at marami pang iba
Mga nasawi at pinsala
80,000,000; 60% ay mula sa Unyong Sobyet 12,000,000

Pumasok ang Asia sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii sa umaga. Nagbibigay-daan din ito sa pagpasok ng bansang Estados Unidos sa digmaan. Habang nangyari ang pag-atake sa Pearl Harbor, ang walong barkong U.S. Navy ships ay binagsak ng mga Hapon. Inilarawan itong bilang ''a date which will live in infamy'' dahil nangyari ang pag-atake ng walang anunsyo o deklarasyon. Pagkatapos ng pitong oras, nagsimulang umatake ang Hapon sa mga bansang nasa timog-silangang Asya tulad ng Pilipinas, Hong Kong, at Singapore. Halos nakontrol ng mga Hapon ang mga bansa sa timog-silangang Asia at ang mga taong nakatira sa mga ito ay pinahirapan at pinatay.

Noong 1943, sinalakay ng mga Alyado ang Sicily, ang isla sa timog ng Italya hanggang sa sumuko ang Italya sa pamamagitan ng paglagda ng kasunduang Cassibile noong Setyembre 3 at dineklara sa Setyembre 8. Noong Abril 16, 1945, nangyari ang labanan sa Berlin at ito'y pinakahuling labanan ng hukbong Alemnya at Hukbong Pula. Habang nangyari ang labanan na ito, noong Abril 30, si Adolf Hitler ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa ulo at kasabay niya rito ang asawa niyang si Eva Braun na nagpakamatay din sa pamamagitan ng paggamit ng cyanide. Sa pagkamatay ni Hitler, humina ang Nazi Germany at marami sa kanila ang namamatay sa daan. Sumuko ang mga Alemanya noong Mayo 7, 1945 at bunga nito, nanalo ang USSR. Pagkatapos nito, nagkaroon ng selebrasyon sa Europa. Mula Moscow hanggang Los Angeles, nagkaroon sila ng malaking selebrasyon. Ang hukbong USSR ay nabigyan ng award sa kanilang tagumpay, ''Heroes of the Soviet Union''.

Noong Agosto 6 at 9, nagsimulang magbomba ang mga hukbong Amerikano sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki. Ang bombang Little Boy ay ginamit sa Hiroshima at ang bombang Fat Man sa Nagasaki. Maraming namatay sa mga Hapon hanggang sila'y sumuko noong Agosto 15, 1945. Upang mabigyang opisyal na katapusan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dokumentong pagsuko ay nilagdaan ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Sa pagtapos ng digmaan, 60 milyon tao ang nasawi.

Mga dahilan

baguhin

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagtapos sa pagkatalo ng Alemanya at ng kaniyang mga kaalyado noong 1918. Nagbago ang mapa ng Europa, at bílang resulta nito, nagsipagsulutan ang mga bagong bansa, kasama na ang bagong nabuong Republika ng Weimar na kumakatawan sa nasabing bansa, dulot nito. Naniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan; sila ay ginamit bílang pambayad ng pera sa Britanya at Pransiya na nagwagi sa digmaan. Binigyan ang naunang nasabing bansa ng mga pagbabawal at sangksiyon, kabílang na rito ang Kasunduan sa Versailles na nagbabawal sa bansa na magsanay ng hukbong katihan na umabot sa mahigit sa sandaanlibong kawal, para maiwas ang karagdagang gulo sa Europa at upang hindi na maulit ang pagkawasak at kapighatiang dulot ng nasabing digmaan. Isa sa mga dahilan kaya nagkaroon ng digmaan ay dahil sa ambisyon ng ibat ibang bansa na mapalawak ang teritoryo.

Mga pangyayari bago ang digmaan

baguhin

Mga pagbabago sa mga bansa

baguhin

Naglunsad si Adolf Hitler ng isang himagsikan noong 1923 sa lungsod ng Munich sa Alemanya kasama ng kaniyang mga kapartidong Nazi upang tangkaing ipalawak ang kanilang kapangyarihan. Pero ang himagsikang ito ay pumalpak, at marami sa kaniyang mga kasamahan ay nabihag ng mga awtoridad. Aabutin ang partido ng sampung taon bago sila ang magiging pinúnò ng bansa.

Pagkatapos ng mga tagumpay laban sa iba't ibang imperyo kamakailan bago at pagkatapos ng digmaan, naramdaman ng mga Hapón ang ginigiit nilang karapatang magpalawak ng kanilang kapangyarihan sa Asya. Sinimulan nila ito, noong taóng 1931, sa pamamagitan ng paglusob ng Manchuria na sakop ng Tsina noon. Sapagkat nasa digmaang sibil ang bansa roon, mga nasyunalistang Kuomintang na lumalaban sa mga Komunista na dati nilang kapanalig, lubos na mahina ang Tsina upang ipagtanggol nito ang mga teritoryong sakop nito; ang kinalabasan ay ang mabilisang pagkaagaw ng mga territoryo sa kamay ng mga Hapón. Nang maláman ito ng League of Nations at kinondena pagkatapos, umalis ang Hapón sa samahán at pinalawak nito ang imperyo sa iba't ibang ibayo ng Tsina.

Pagsikat ng mga diktador

baguhin
 
Adolf Hitler, ang Führer, o pinuno, ng Alemanya mula 1933 hanggang 1945.

Ganap na naitatag ang Unyong Sobyet noong 1922 mula sa mga lupaing dáting sakop ng mga Ruso at nawala nila pagkatapos ng mga himagsikan sa bansa noong taóng 1917. Humalili si Joseph Stalin bílang pinúnò ng bagong bansa pagkatapos ang pagpanaw ni Vladimir Lenin noong 1924. Sinimulan niya ang malawakang industriyalisasyon at pagpapalakas ng pambansang hukbong katihan, tinawag na "Hukbong Pula ng mga Manggagawa at Magsasaká" o kilalá lámang bílang Hukbong Pula, habang kumikitil ng búhay ng mga pinagkakamalang mga traydor at rebisyonista sa Partido at ng bansa.

Sa Italya naman, naglunsad ng kudeta si Benito Mussolini kasáma ang mga kaniyang mga kapartidong pasista sa Roma. Bílang resulta, ibinigay ng haring si Vittorio Emanuele III ang mga ehekutibo at mga pangmilitar na kapangyarihan kay Mussolini. Ganap na siyang naging diktador ng bansa.

Samantala, sa Alemanya, napasakamay na rin ng Partidong Nazi sa pamumuno ni Adolf Hitler sa wakas ang pamumúnò ng bansa noong 1933. Sinisi niya ang mga suliranin ng Alemanya sa mga Hudyo. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa, partikular na ang bansang Italya na naging unang bansang yumayakap sa ideolohiyang pasismo.

Sanhi ng Masidhing Panlulumo na nagsimula noong 1929 na sumira sa mga ekonomiya ng iba't ibang bansang industriyalisado sa daigdig, ipinangatwiran ng mga ibang diktador na kailangan nilang palakasin at palawakin ang kani-kanilang mga bansa. Lumusob ang mga Italyano sa Etiyopiya na matagal na nilang balak gawing kolonya nila noong 1936, at naging matagumpay sila.

Bílang paghihiganti sa pakikipagdigma laban sa Tsina, tinigilan ng Estados Unidos ang pagsusuplay ng langis sa mga Hapón. Dahil dito, nalilimita ang mga militar na kapabilidad ng mga Hapón, at ito rin ang dahilan kung bakit pagulat na inatake nila ang base-militar ng Pearl Harbor noong 1941.

Digmaan sa Europa

baguhin
 
Watawat ng Alemanyang Nazi

Simula ng pananakop

baguhin

Idinagdag ni Adolf Hitler sa Alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland, isang lugar na pinamumugaran ng mga Tseka. Nakipagsunduan rin siya sa pinúnò ng Unyong Sobyet na si Joseph Stalin para magtulungan at 'di magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madalíng sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong 1 Setyembre 1939, dahilan upang magdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransiya sa unang nabanggit; dalawang araw ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang digmaan. Gumagamit ang mga heneral ng Alemanya ng taktikang blitzkrieg o digmaang kidlat na malugod na ginagamitan ng bilis ng paglusob ng mga iba't ibang yunit ng Wehrmacht, ang hukbong katihan ng Alemanya noong panahong iyon. Ang Dinamarka, Noruwega, Belhika, Olanda, at Pransiya ay mabilis na napabagsak ng blitzkrieg, habang dumadanas ng mga maliliit na mga kawalan sa tauhan at materyales.

Sa kabila ng pagkawala ng Pransiya sa kamay ng mga Aleman, tanging ang bansang Britanya na lang ang nanatiling malaya at kung saan ay nasa digmaan pa laban sa kanila. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa. Noong 12 Agosto 1940, binomba ng Alemanya ang katimugang baybáyin ng Inglatera. Pinagsama-sama ni Punong Ministro Winston Churchill ang kaniyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensiyon, ang radar, na ginamit para maláman kung may hukbong panghimpapawid papunta sa bansa, at sa tulong nito natablahan ng mga eroplanong panlaban ng bansa ang mga napakaraming eroplanong pambomba at panlaban ng Alemanya. Ipinatigil ni Hitler ang panghimpapawid na pananakop sa Britanya sanhi ng malaking kawalan sa mga eroplano, at hindi nasakop ng Alemanya ang pulo bílang kinalabasan.

Paglawak ng digmaan

baguhin

Ang paglawak ng digmaan noong Hunyo 1941 ay sinimulan na ni Hitler at ng kaniyang mga heneral ang pananakop sa Unyong Sobyet, ang pinakamalaking bansa sa mundo. Ayon sa mga mananaysay at iskolar, ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler. Gusto niya ng bakanteng lugar para sa kaniyang lahi at makontrol ang kayamanan ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang pinakamakapangyarihang karibal niya na si Joseph Stalin. Umaabot sa apat na milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. Dahil dito, nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Germany. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga Aleman, pero sa kabila nito, walang balak na sumuko ang mga Ruso sa pagtatanggol ng kanilang bansa. Muntikan nang naagaw ng Wehrmacht ang Moscow na nagsisilbing kabisera ng bansa, ngunit sa pagsapit ng taglamigang Ruso, naglunsad ang mga Sobyet ng isang malawakang pag-atake laban sa kanila, at lubos na napaatras ang kanilang mga kawal mula sa mga tarangkahan ng lungsod.

Pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga Alyado

baguhin

Sa unang bahagi ng taong 1942, naging matagumpay ang mga hukbong Axis sa Europa sa iba't ibang larangan sa digmaan. Napasakamay ng mga Aleman at Italyano ang kutà ng mga Briton sa Tobruk sa Libya, at pagkatapos ng pagpapangkatang-muli ng mga Aleman mula sa pagkatalo nila sa Moscow mga ilang linggo ang lumipas ay bumalik sila sa paglulusob. Naagaw nila ang tangway ng Kerch at ang lungsod ng Kharkov, at ipinagpatuloy nila ang pangunahing misyon nila—ang maagaw ang mga masaganang kalangisan sa Caucasus at ang lungsod ng Stalingrad. Dito nagsimula ang madugong Labanan sa Stalingrad. Isang malaking insulto at kawalan para kay Stalin ang pagkawala ng lungsod lalo na't pangalan niya ang nakaukit sa lungsod, kayâ ang utos niya sa kaniyang mga kasundaluhan na tumatanggol sa lungsod ay bawal umatras nang walang utos sa kataas-taasan o kundi'y sila ay patayin. Habang nahihirapan ang hukbong Axis sa pag-agaw sa lungsod dahil sa mga mamamaril na nakatago sa mga gusaling nasira ng mga kanyon at eroplano at kagitingan ng mga lokal nitong mamamayan, lumusob naman ang mga Sobyet sa mga giliran ng hanay ng hukbo at napakaraming yunit ng hukbo, kabílang na iyong mga Rumaniyano, Italiyano, Unggaryano at iba pang kaalyado ng Alemanya, ang nawasak; napaligiran ang mahigit 300,000 Aleman sa lungsod. Pebrero 1943, sanhi ng pagkaubos ng kanilang tauhan, materyales at pagkain kasáma na ang napakamapinsalang taglamigang Ruso, napilitan siláng sumuko sa mga Sobyet; ito ang hudyat ng simula ng pagbagsak ng hukbong Axis sa digmaan. Bagaman may kalakasan pa ang Wehrmacht sa labanan, hindi na nito naibawing muli ang dati nitong sigla; pagkatapos ng Labanan sa Kursk na siyang pinakamalaking labanán ng mga tangke sa kasaysayan na napagwagian ng mga Sobyet, napatunayan nang wala nang kakayahan ang Alemanya na magsagawa pa ng mga panlulusob sa mga teritoryo ng Rusya.

Pagkawagi ng mga Alyado

baguhin
 
Sina Joseph Stalin ng Unyong Sobyet, Franklin Roosevelt ng Estados Unidos, at Winston Churchill ng Britanya, sa pagpupulong sa Tehran, Iran, taong 1943.

Noong ika-6 ng Hunyo 1944, naglunsad ang mga sundalong Amerikano, Briton at Kanadyano ng pagsakalay sa mga baybaying-dagat ng Normandy, Pransiya na sakop noon ng mga sundalong Aleman. Ito ay bahagi ng operasyong itinawag na D-Day o Operasyong Overlord na siyang pinakamalaking paglusob mula dagat sa kasaysayan; mahigit 175,000 Alyadong sundalo ang lumapag sa mga baybaying-dagat ng Normandy sa mga unang araw nito, at lumagpas sa mahigit sa isang milyon pagkatapos ng ilang araw. Makalipas ang mga ilang buwan, sa tulong ng mga Pranses, matagumpay na napalaya ng hukbong Alyado ang Pransya. Makalipas ang ilang buwan, nagsagawa ang mga Aleman ng isang paglusob laban sa mga hukbong Alyado sa mga kagubatan ng Ardennes, subalit pumalya ito at dahil nito ay halos matalo na ang bansa sa digmaan.

Noong 16 Abril 1945, pumasok ang Hukbong Pula ng Unyong Sobyet sa lungsod ng Berlin, ang kabisera ng Nasyunalistang Alemanya, at nilabanan nito ang mga kahuli-hulihang mga yunit ng mga sundalong Aleman. Nawasak ang kabiserang lungsod at may hihigit sa 700,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay, nasugatan at nabihag sa kamay ng mga Sobyet. Noong 8 Mayo 1945, sumuko ang Alemanya at nagwagi ang mga puwersang Alyado at ang Unyong Sobyet sa digmaan.

Rochus Misch : Ang Pinakahuling Saksi sa Pagkamatay ni Hitler

baguhin

Si Rochus Misch ay naging guwardiya ni Hitler sa panahon ng digmaan. Noong Agosto 30, 1945, siya ang unang taong nakakita sa patay na katawan ni Hitler at ng kanyang asawa. Ipinahayag niya ang kanyang mga nakita bago at pagkatapos ng kamatayan ni Hitler. Si Misch ay namatay noong 2013 sa taong 96.

Digmaan sa Asya-Pasipiko

baguhin

Simula ng pananakop

baguhin

Taóng 1937 nang sumiklab ang Digmaang Tsino-Hapones, at 1940 nang napasakamay na ng mga Hapón ang 40% ng lupain ng Tsina. Subalit, nahirapan silang igapi ang mga sundalong Intsik na labis na napakarami sa bílang at ang mga kutà ng mga Komunista na patagong lumalaban sa gerilyang paraan. Ang nakapagpalala pa ay tinigil ng Estados Unidos ang pagsusuplay ng langis na labis na kinakailangan sa mga makineryang pandigma, at nagsanhi ito ng mas malala pang sitwasyon sa mga Hapón na humahanap ng mabilis at pangwakas na tagumpay sa digmaan at hindi pa handa sa pinatagal na digmaang atrisyon o pampaminsala.

Sinubukan ring lusubin ng mga Hapones ang Mongolya, pero halos nawasak ang kanilang hukbo sa kamay ng mga sundalong Sobyet at Mongol sa labanán sa Khalkin Gol noong Setyembre 1939. Dahil dito, nagkaroon ng usapang pangkapayapaan ang Unyong Sobyet at Imperyong Hapón, at mananatili ang kapayapaan hanggang Agusto 1945.

Paglawak ng digmaan

baguhin

Upang makahanap ng mga bagong mapagkukunan ng langis para sa digmaan, pinaplano ng mga Hapón ang pagsakop sa mga bansa sa timog-silangang Asya. Sinimulan nila ito sa pagsakop sa Indotsinang Pranses noong 1940 na nagawa nag walang hirap at wala gaanong pandadanak ng dugo. Ginamit nila ang lugar na ito upang lumikha ng mga baseng panghimpapawid na sa hinaharap ay gagamitin sa paglusob sa Malaya at sa iba't iba pang mga lugar sa timog-silangang Asya.

Mas lalo pang lumala ang pakikipagtungo sa pagitan ng Imperyong Hapones at ng Estados Unidos sa paglipas ng mga panahon. Sinubukan ng mga diplomatikong Hapones na maibsan ang masamáng pakikitungo ng dalawang bansa, ngunit noong ika-7 ng Disyembre 1941 ay nilusob at binomba nila ang kutang pandagat at mga barkong pandigma ng mga Amerikano sa Pearl Harbor sa Hawaii, na nagsisimula sa digmaan sa pagitan ng dalawang bansa. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng digmaan sa bansang Hapón, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng digmaan laban sa Estados Unidos. Sa kaparehong petsa ay nilusob din nila ang Pilipinas. Pagkalipas ng ilang araw ay nilusob din nila ang Indonesyang Olandes, Malaya at Singapore.

Huling araw ng Enero 1942 nang tuluyang nawasak ng 36,000 sundalong Hapones ang hukbo ng Imperyong Briton na may 150,000 katao ang lakas sa Malaya at Singapore. Kaparehong buwan din nang idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at itinuloy pa rin nila ang pag-atake. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P. Laurel at Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na umatake ang mga Hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang puwersang USAFFE at tuluyang isinuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. Wainwright. Bago pa man nito ay naagaw na din ng mga Hapón ang Indonesya.

Kahit saan ay malakas ang mga hukbô ng mga Hapón sa mga panahong ito. Patuloy sila sa panlulusob sa Tsina, Burma at sa mga maliliit na kapuluan ng Pasipiko na tila walang pumipigil sa kanila.

Pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga Alyado

baguhin

Digmaan sa Pasipiko

baguhin
 
Labanan sa Midway, ang kauna-unahang dakilang tagumpay ng mga Amerikano laban sa mga Hapones.

Ika-4 ng Mayo 1942, noong tinangkang lusubin ng mga Hapones ang Australia, nagkaroon ng isang mapaminsalang labanán sa mga karagatan ng Coral Sea na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ay hindi lumaban nang magkaharapan ang mga barkong pandigma kundi ang mga eroplano na mula sa mga barkong tagadala ng eroplano o mga aircraft carrier ang lumalaban sa labanán. Mas mapaminsala man ang labanán sa mga Amerikano, nagawa nila ang pagtigil sa mga Hapones sa paglusob sa Australia at sa daungan ng Port Moresby sa isla ng New Guinea.

Sa sumunod na buwan na Hunyo, pagkatapos ng labanán sa Coral Sea ay tinangkâ namang lusubin ng mga Hapones ang mga kapuluan ng Hawaii gámit ang kanilang 200 samo't saring barkong pandigma. Ngunit sa pamamagitan ng paggamit sa mga codebreaker, nalaman ng mga Amerikano ang mga layunin ng mga Hapones. Matapos ang ilang araw ay sumiklab ang labanán sa Midway, kung saan 4 aircraft carrier ng mga Hapones ay napalubog ng mga Amerikanong eroplanong pandigma. Nagwagi ang mga Amerikano sa labanán at umatras ang mga Hapones patungo sa kanilang sariling kapuluan.

Buwan ng Agusto nang nagsimulang maglusob ang mga Amerikano sa pulo ng Guadalcanal, at Pebrero nang sumunod na taon umatras ang hukbong Hapones mula sa pulo. Dito nagsimula ang walang humpay na paglusob ng mga Alyado sa pamumuno ni heneral Douglas MacArthur sa Pasipiko.

Noong 20 Oktubre 1944, Bumalik si heneral MacArthur at mga kasamahan ni dáting pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabílang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang 3 Marso 1945 ay nilusob ng magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong Hapones. Noong 2 Setyembre 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945.

Digmaan sa Asya

baguhin

Taong 1943 nang sinubukan ng mga Briton at Tsino na muling lusubin ang Myanmar mula sa mga Hapones, pero pumalya sila. Nilusob din ng mga Hapones ang India, pero halos walang natirá sa kanilang hukbo sanhi ng pagkawasak ng iyon sa kamay ng mga Indiyano at Briton sa labanan sa Kohima at Imphal noong 1944. Mula nito, nagsiatrasan na ang mga hukbong Hapones mula sa kanlurang Myanmar hanggang sa Ilog Irrawaddy sa gitnang Myanmar.

Sa Tsina naman, bagaman nagtagumpay ang mga Hapones sa Operasyong Ten-Go laban sa mga Intsik noong 1944, patuloy silang nababawasan sa mga bílang.

Pagkatapos ng digmaan

baguhin

Nilusob ng mga Amerikano ang mga pulo ng Iwo Jima at Okinawa noong 1945, ngunit nakaranas sila ng napakatinding kawalan sa tauhan sanhi ng mga labanang ito. Dahil dito, para sa mga heneral ng mga Alyado, nagpasya sila na lubhang napakahirap lusubin ang mismong kapuluan ng Hapon. Nagpasya ang Amerikanong pangulong si Harry Truman na gamitin ang bomba atomika sa Hiroshima noong ika-6 ng Agusto 1945. Dalawang araw matapos ang pambobomba, nilusob ng mga hukbong Sobyet ang Manchuria, katimugang bahagi ng isla ng Sakhalin at mga kapuluan ng Kuril at Shumshu. Binomba na naman ang Nagasaki noong ika-9 ng Agosto 1945. Matapos nito ay nagpasya na sumuko ang pamahalaang Hapones sa mga Alyado, noong ika-2 ng Setyembre 1945.