Labanan sa Stalingrado

Pangunahing labanan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
(Idinirekta mula sa Labanan sa Stalingrad)

Ang Labanan sa Stalingrado (Agosto 23, 1942Pebrero 2, 1943) ay pangunahing sagupaang militar sa Silangang Hanay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan kinalaban ng Alemanyang Nazi ang Unyong Sobyetiko para sa kontrol sa lungsod ng Stalingrado sa Timog Russia. Ang labanan ay nailalarawan sa pamamagitan ng mabangis na malapit na labanan at direktang pag-atake sa mga sibilyan sa mga pagsalakay sa himpapawid, na ang labanan ay nagpapakita ng digmang kalunsuran, at ito ay malawak na itinuturing bilang ang nag-iisang pinakamalaking labanan sa lungsod sa kasaysayan.

Labanan ng Stalingrado
Schlacht von Stalingrad (Aleman)
Сталинградская битва (Ruso)
Stalingradskaya bitva
Bahagi ng Silangang Teatro ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Petsa23 Agosto 1942 – 2 Pebrero 1943
(5 buwan, 1 linggo at 3 araw)
Lookasyon
Resulta Pangwakas na tagumpay ng mga Sobyet
Mga nakipagdigma
Unyong Sobyetiko
Mga kumander at pinuno
Lakas

Hukbong Grupo B:

  • Nazi Germany Ika-6 na Hukbo
  • Nazi Germany Ika-4 na Hukbong Panzer
  • Kaharian ng Rumanya Ika-3 Hukbo
  • Kaharian ng Rumanya Ika-4 na Hukbo
  • Ika-8 Hukbo
  • Ika-2 Hukbo
  • Lehiyong Kroata

Hukbong Grupo Don:

  • Nazi Germany Ika-6 na Hukbo
  • Nazi Germany Ika-4 na Hukbong Panzer
  • Nazi Germany Ika-1 Hukbong Panzer
  • Kaharian ng Rumanya Ika-3 Hukbo

Unyong Sobyet Hanay Stalingrado:

  • Ika-28 Hukbo
  • Ika-51 Hukbo
  • Ika-57 Hukbo
  • Ika-62 Hukbo
  • Ika-64 na Hukbo

Unyong Sobyet Hanay Don:

  • Ika-24 Hukbo
  • Ika-65 Hukbo
  • Ika-66 na Hukbo

Unyong Sobyet Timog-Kanlurang Hanay:

  • Ika-1 Hukbong Guwardiya
  • Ika-5 Hukbong Tangke
  • Ika-21 Hukbo
Mga nasawi at pinsala
1,130,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala
4,000 tangkeng nawasak
15,000 kanyon at mga mortar na nawasak
2,700 eroplanong nawasak
mahigit ~1,000,000 sundalong namatay, nasugatan, nagkasakit at nawawala
100,000 nabihag
2,000 tangkeng nawasak
6,000 kanyon at mga mortar na nawasak
1,000 eroplanong nawasak
Pagkawasak ng buong Ika-6 Hukbo ng Alemanya

Nangyari ang labanan sa Stalingrad noong ika-23 ng Agusto hanggang ika-2 ng Pebrero, 1943, sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan nagsagupaan ang mga hukbo ng Alemanya at mga kaalyado laban sa mga hukbo ng mga Sobyet para sa kontrol ng Lungsod ng Stalingrad (Volgograd sa kasulukuyan) sa timog-silangang Rusya. Tumagal ang labanan sa 5 buwan, isang linggo at 3 araw.

Kilala ang labanan sa hindi kailanmang matutumbansang bangis ng labanan sa loob ng lungsod, walang humpay na pandadanak ng dugo sa bawat isa, at ang pagwawalang-bahala sa mga biktima sa labanan, mapa-militar man o mapa-sibilyan. Isa ang labanan sa mga pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng daigdig. Napakalaki ang pinaghalong bilang ng mga biktima sa labanan na aabot ng hindi bababa sa dalawang milyon ang namatay, nasugatan at nagkasakit. Naging balakid ang labanan para sa mga Aleman kung saan ito na ang pangwakas na katapusan ng kanilang mga tagumpay sanhi ng dami ng nawalang tauhan at mga kagamitang pandigma para isagawa pa ang pakikidigma sa mga lupain ng Unyong Sobyet, bagkus nawalan ng pagkakaisa para muling magtagumpay sa mga labanan sa Silangang Teatro ng pakikipaglaban sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinagmulan at Kadalihanan

baguhin

Sa impluwensya ng heopolitikong si Karl Haushofer, ninais ni Adolf Hitler na gawing mga kolonyang Aleman ang lupain ng Unyong Sobyetiko na babansagang "Germania". Sa pagitan ng 1939 at 1941, kinalaban ng Alemanyang Nazi ang mga makasaysayang kaaway nito sa Kanluran: ang Pransiya at Reyno Unido. Gayunpaman, hindi kinalimutan ni Hitler ang kanyang tunay na layunin na sakupin ang Silangang Europa at lipulin ang lahing Eslabo. Inumpisahan niya ang Operasyong Barbarossa sa pagsalakay ng USSR noong 22 Hunyo 1941 kahit hindi pa niya natatalo ang Inglatera. Naging kumbinsido si Hitler sa kahinaan ng estadong Sobyetiko na itinuring niyang higante na may mga paang luwad; naniwala siyang tatalikod ang mga mamamayan nito kay Josef Stalin na magpapahintulot sa kanya na kumpletuhin ang paglusob bago ang taglamig. Sa laki ng kanyang tiwala rito ay binalewala niya ang opinyon ng kanyang mga heneral at inatasan silang manatili sa plano. Isang araw bago ang paglusob, humigit-kumulang tatlong milyong sundalong Aleman ang hinanda para sa operasyon, na nakakalat mula Pinlandiya hanggang Dagat Baltiko. Mahigit 950,000 dayuhang sundalo mula sa mga bansang Aksis ang nakilahok dito.

Pagsapit ng Disyembre 1941, ang digmaan ay hindi pa umabot sa orihinal na pinagplanuhan ng Mataas na Komando ng Alemanya. Patuloy na nilabanan ng Leningrado at Sevastopol ang pagkubkob mula sa hilaga at timog, at pumalpak na rin ang opensiba sa Mosku. Hinarap din nila ang di-inaasahang kontra-opensibang Sobyetiko galing sa kabisera ng Rusya. Kinailangang tanggapin ng mga opisyal na Nazi ang katotohanan na sa kabila ng paggapi at paghuli sa daan-daang libong sundalo ng Hukbong Pula sa mga nakaraang buwan, nakapagtalaga ang USSR ng sapat na mga reserba dahil sa nilagdaan nilang Pakto ng Neutralidad sa Imperyong Hapones upang magsagawa ng isang malaking kontra-opensiba. Dinagdagan pa ito ng mga dibisyong mula pa sa Siberya na pinangunahan ni Heneral Georgy Zhukov, na noo'y naka-istasyon pa sa hangganan ng Manchuria. Sa huli, at tulad ng matagal nang pinaniniwalaan, naunawan na ng pamunuang Aleman na tila "hindi maubos-ubos" ang mga reserba ng kaaway, partikular na sa halatang numerikal na superyoridad ng Unyong Sobyetiko.

Sa kabila nito, may konsiderableng pag-unlad na nagawa ang Alemanyang Nazi. Malalim an napasukang teritoryo ng Wehrmacht sa kanlurang bahagi ng USSR, kabilang ang Ukranya, Biyelorusya, at ang mga republika sa rehiyong Baltiko. Sa Kanlurang Hanay, hinawakan ng mga Aleman ang karamihan sa Europa, pinigilan ng opensibang U-boat ang suportang Amerikano, at sa Hilagang Aprika ay nakuha ni Erwin Rommel ang Tobruk. Pinatatag nila ang isang hanay na umabot mula Leningrado hanggang Rostov, kasama ang ilang maliit na salyente. Nanatili ang tiwala ni Hitler na matatalo ang Hukbong Pula sapagkat nakapagreorganisa na ng maayos ang Hukbong Grupo Sentro. Nagpasya si Hitler na ang kampanyang tag-init ng 1942 ay ita-target ang katimugang Unyong Sobyetiko. Unang nilayon ang pagsira sa industriyal na kapasidad ng Stalingrado at harangan ang trapiko ng Ilog Volga, na naging mahalaga sa pagkonekta sa Kaukasya at Dagat Kaspiyo sa gitnang Rusya. Makakagambala rin ito sa ayudang Lend-Lease na dumadaan sa Koridor ng Persya. Gayunpaman, noong 23 Hulyo 1942 ay pinalawak ni Hitler ang obhetibo ng kampanya upang isama ang pagsakop sa Stalingrado, isang lungsod na may napakalaking halaga sa propaganda dahil dinala nito ang pangalan ni Stalin, ang kanyang mortal na kaaway. Iniutos niya na matapos mahuli ang Stalingrado ay puksain ang populasyon nito; lahat ng lalaking mamamayan ay patayin at ang kababaihan at kabataa'y ipapatapon dahil sa kanilang ugaling "lubos na komunista". Hinangad ang pagbagsak ng lungsod upang matiyak ang hilagang at kanlurang bahagi ng pagsulong ng Alemanya sa Baku para makuha ang yamang petrolyo nito. Nagmula ang pagbago ng plano sa pagkumpiyansa ng komandong Aleman at pagmaliit nila ng mga reserbang Sobyetiko. Samantala, si Stalin, na kumbinsidong unang aatakehin ng Alemanya ang Mosku, ay binigyang-priyoridad ang pagtatanggol sa kabisera.