Mundong Kanluranin

(Idinirekta mula sa Kanluran)

Ang Mundong Kanluranin o Mundong Pangkanluran, kilala rin bilang Ang Kanluran at ang Oksidente (mula sa Latin na occidens "takipsilim, kanluran; na kabaligtaran ng Oryente), ay isang katagang tumutukoy sa Hilagang Amerika, Kanlurang Europa, at Gitnang Europa, pati na ang Australya at Bagong Selanda.[1] Walang napagkasunduang kahulugan hinggil sa kung ano ang pangkaraniwang katangian ng mga bansang ito para sa mayorya o karamihan ng kanilang mga populasyon.

Mapa ng daigdig na nagpapakita ng kinalalagyan ng Kaamerikahan sa Mundong Kanluranin.

Heograpiya

baguhin

Ang diwa ng Kanlurang bahagi ng daigdig ay nag-ugat mula sa kabihasnang Griyego at Romano sa Europa, sa pagsapit ng pagsisimula ng Kristiyanismo. Sa makabagong panahon, ang kabihasnang Kanluranin o kalinangang Kanluranin ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga kaugalian ng Renasimyento, Repormasyong Protestante, Panahon ng Pagkamulat, at nahugisan ng malawakang kolonyalismo o pananakop noong ika-16 hanggang ika-19 mga daantaon. Ang paggamit na pampolitika nito ay pansamantalang kinabatiran ng sabayang antagonismo o pakikipagsalungatan sa blokeng Sobyet noong panahon ng Digmaang Maginaw noong gitna hanggang hulihan ng ika-20 daantaon (1944-1989). Sa pangkasalukuyang kahulugan na panrelihiyon at pangkultura, ang Kanluraning mundo ay tumutukoy sa mga bansa sa Europa (natatangi na ang Kanlurang Europa) pati na ang mga bansa na may simulaing pangkolonya ng kanlurang Europa na nasa Bagong Mundo (iyong Kaamerikahan at Australasya), katulad ng Estados Unidos, Brasil, Mehiko, Canada, Australya, Arhentina, at iba pa.[2][3][4]

Tingnan rin

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Western Civilization, Our Tradition; James Kurth; accessed 30 Aug 2011
  2. Thompson, William; Joseph Hickey (2005). Society in Focus. Boston, MA: Pearson. 0-205-41365-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Embassy of Brazil - Ottawa". Brasembottawa.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-29. Nakuha noong 2011-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-04-29 sa Wayback Machine.
  4. Falcoff, Mark. "Chile Moves On". AEI. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-17. Nakuha noong 2011-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-04-17 sa Wayback Machine.