Repormang Protestante

Reformation
(Idinirekta mula sa Repormasyong Protestante)

Ang Repormang Protestante ay isang repormang kilusang Kristiyano sa Europa. Iniisip ito na nagsimula sa Siyamnapu't-Limang Sanaysay ni Martin Luther at maaaring maituturing na kasamang natapos ng Kapayapaan sa Westphalia noong 1648.[1] Nagsimula ang kilusan bilang isang pagsubok na baguhin ang Simbahang Katoliko. Maraming mga kanluraning mga Katoliko ang nabahala sa mga nakita nilang mga bulaang mga katuruan at maling mga kasanayan sa loob ng Simbahan, partikular ang pagtuturo at pagbebenta ng mga indulhensiya. Ang isa pang pangunahing pagtatalo ang kasanayan ng pagbili at pagbenta ng mga puwesto sa simbahan (simonya) at kung ano ang nakikita noong mga panahon na iyon bilang isang maituturing na korupsiyon sa loob ng pamunuan ng Simbahan. Nakikita ito ng marami noong mga panahon na iyon bilang sistematiko, na umaabot hanggang sa puwesto ng Papa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Simon, Edith (1966). Great Ages of Man: The Reformation. Time-Life Books. pp. pp. 120-121. ISBN 0662278208. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.