Si Martin Luther ay isang Aleman na paring katoliko, propesor ng teolohiya at ikonikong pigura ng Repormasyong Protestante. Kanyang matinding tinutulan ang pag-aangkin ng Katolisismo na ang kalayaan mula sa parusa ng diyos sa kasalanan ay mabibili ng salapi. Kanyang kinompronta ang tagpagtinda ng indulhensiya na si Johann Tetzel sa kanyang Ninety-Five Theses noong 1517. Ang kanyang pagtanggi sa pagbawi ng lahat ng kanyang mga ginawa sa kahilingan ni Papa Leo X noong 1520 at ng emperador ng Banal na Imperyo Romano na si Charles V sa Diet of Worms noong 1521 ay humantong sa kanyang pagkakatiwalag ng papa at kondemnasyon ng emperador bilang tagalabag ng batas.

Martin Luther
Martin Luther , noong 1529, ipininta ni Lucas Cranach the Elder
Ipinanganak10 Nobyembre 1483(1483-11-10)
Eisleben, Saxony, Holy Roman Empire
Namatay18 Pebrero 1546(1546-02-18) (edad 62)
Eisleben, Saxony, Holy Roman Empire
OkupasyonMonghe, Pari, Teologo, Propesor
Mga kilalang akdaThe Ninety-Five Theses, Luther's Large Catechism,
Luther's Small Catechism, On the Freedom of a Christian
AsawaKatharina von Bora
Mga anakHans (Johannes), Elisabeth, Magdalena, Martin, Paul, Margarethe
Mga impluwensiyaPaul the Apostle, Augustine of Hippo
NaimpluwnsiyahanPhilipp Melanchthon, Lutheranism, John Calvin, Karl Barth
Signature

Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian. Ang mga kumikilala sa katuruan ni Luther ay tinatawag na Lutheran.

Ang kanyang salin ng bibliya na tinatawag na Bibliyang Luther sa wikang pang-masa sa Wikang Aleman sa halip na sa Latin ay naging mas mababasa ng mga karaniwang tao na nagdulot ng matinding epekto sa simbahan at kulturang Aleman. Ito ay nagpalago ng pagkakabuo ng isang pamantayang salin ng wikang Aleman at nagdagdag ng ilang mga prinsipyo sa sining ng pagsasalin at nakaimpluwensiya sa pagsasalin ng bibliya sa Ingles na King James Version. Ang kanyang mga imno ay nakaimpluwensiya sa mga pag-awit sa simbahan. Ang kanyang pagpapakasal kay Katharian von Bora ay naglatag ng modelo para sa pagsasagawa ng pagpapakasal ng mga pari at pumayag sa mga protestanteng pari na magpapakasal.

Sa kanyang huling mga taon, habang nagdudusa ng ilang mga karamdaman at papabagsak na kalusugan, si Luther ay naging labis na antisemitiko at sumulat na ang bahay ng mga Hudyo ay dapat wasakin, ang mga sinagoga ng mga ito ay sunugin, ang mga salapi nito ay kompiskahin at alisan ng kalayaan. Ang mga pangungusap na ito ang nag-ambag sa kanyang katayuang kontrobersiyal.

Biograpiya

baguhin

Pagkabata

baguhin

Si Luther ay ipinanganak sa sa Eisleben, Alemanya noong 10 Nobyembre 1483. Ang kanyang mga magulang ay sina Hans Luder (o Ludher na kalaunan ay naging Luther) at si Margarethe (née Lindemann). Siya ay binautismuhan bilang isang katoliko nang sumunod na umaga sa pisa ni San Martin ng Tours. Ang kanyang pamilya ay lumipat sa Mansfeld noong 1484 kung saan ang kanyang ama ay may ari ng paupa ng mga mina ng tanso at mga smelter[1] at nagsilbi bilang isa sa apat na mga mamamayang kinatawan ng lokal na konseho.[2] Inilarawan ng skolar na si Martin Marty ang ina ni Luther bilang isang masipag na babae ng pangangalakal at nagbigay komento na ang mga kaaway ni Luther ay kalaunang maling inilarawan ang ina nito bilang isang patutot at isang tagasilbi sa paliguan.[2] Si Luther ay may ilang mga kapatid na babae at lalake at kilala na malapit sa isa sa mga ito na si Jacob.[3]

Si Hans Luther ay maaimbisyoso para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya at siya ay determinado na makita si Martin na kanyang panganay na lalake na maging isang abogado. Kanyang ipinadala si Martin sa mga paaralang latin sa Mansfeld na noon ay Magdeburg noong 1497 kung saan dumali si Martin sa isang paaralang pinangasiwaan ng isang laity na tinawag na Brethren of the Common Life at Eisenach noong 1498.[4] Ang tatlong mga paaralan ay nakapokus sa tinatawag na "trivium": grammar, retorika, at lohika. Kalaunan ay inilarawan ni Luther ang kanyang edukasyon doon bilang isang purgatoryo at impyerno.[5]

Noong 1501 sa edad na labingsiyam, si Luther ay pumasok sa Unibersidad ng Erfurt – na kanyang kalaunang inilarawan bilang bahay serbesahan at bahay ng patutot.[6] Ang skedyul ay tumatawag sa paggising tuwing alas kwatro ng madaling arawa na kanyang inilarawan bilang "isang araw ng pagsasaulo at kadalasang nakakapagod na mga pagsasanay espiritwal."[6] Kanyang natanggap ang kanyang master's degree noong 1505.[7]

Sang ayon sa kagustuhan ng kanyang ama, si Luther ay pumasok sa isang paaralan ng abogasya sa parehong unibersidad ngunit mabilis na huminto sa klase na naniniwalang ang batas ay kumakatawan sa kawalang katiyakan.[7] Si Luther ay naghangad ng mga kasiguraduhan tungkol sa buhay at naakit sa teolohiya at pilosopiya na naghahayag ng partikular na interest kay Aristotle, William of Ockham, atGabriel Biel.[7] Siya ay malalim na naimpluwensiyahan ng kanyang dalawang mga tutor na sina Bartholomaeus Arnoldi von Usingen at Jodocus Trutfetter na nagturo sa kanya na maging suspetyoso sa kahit pinakadakilang mga tagaisip[7] at subukin ang lahat ng bagay para sa kanyang sarili sa pamamagitan ng karanasan.[8] Ang pilosopiya ay napatunayan ni Luther na hindi nakasasapat na naghahandog ng kasiguraduhan tungkol sa paggamit ng katwiran ngunit wala tungkol sa pagmamahal sa diyos na para kay Luther ay mas mahalaga. Kanyang naramdaman na ang katwiran ay hindi magdadala sa tao sa diyos at kaya ay bumuo siya ng relasyong pag-ibig-poot kay Aristotle dahil sa pagbibigay nito ng diin sa katwiran.[8] Para kay Luther, ang katwiran ay maaaring gamitin upang kwestiyunin ang mga tao at mga institusyon ngunit hindi ang diyos. Siya ay naniwalang ang mga tao ay maaaring matuto tungkol sa diyos sa pamamagitan ng pahayag ng diyos at kasulatan at kaya ay naging mahalaga sa kanya.[8]

Kalaunan ay kanyang itinuro ang kanyang pagpapasya sa isang pangyayari: noong 2 Hulyo 1505, siya ay nakasakay sa isang kabayo habang kumukulog at ang isang kidlat ay tumama sa kanya habang siya ay papabalik sa unibersidad pagkatapos ng paglalakbay sa kanyang tahanan. Kalaunan, sa pagsasabi sa kanyang ama na siya ay nasindak sa kamatayan at hatol ng diyos, siya ay umiyak "Tulong! Santa Anna, ako ay magiging isang monghe!"[9] Kanyang nakita ang kanyang pag-iyak ng tulong bilang panata na kanyang hindi mababali. Kanyang tinalikuran ang edukasyon sa abugasya, ibinenta ang kanyang mga aklat at pumasok sa isang saradong seminaryong Augustiniyano sa Erfurt noong 17 Hulyo 1505.[10] Sinisi ng isang kaibigan ni Luther ang desisyon nito sa kalungkutan ni Luther dahil sa kamatayan ng dalawa nitong kaibigan. Mismong si Luther ay tila nalungkot sa paglipat. Ang mga dumalo sa hapunang pagpapaalam ay inihatid siya sa pinto ng Black Cloister. Sinabi ni Luther: "Sa araw na ito makikita ninyo ako, at pagkatapos hindi na kailanman."[8] Ang ama ni Luther ay nagalit sa nakita nitong pag-aaksaya sa edukasyon ni Luther.[11]

Buhay monastiko at akademiko

baguhin

Inalay ni Luther ang kanyang sarili sa buhay monastiko na itinalaga ang kanyang sarili sa pag-aayuno, mga mga mahabang oras ng panalangin, pilgrimahe at palagiang pangungumpisal. Kanyang kalaunang pinahayag na "kung ang sinumang ay makakarating sa langit dahil sa pagiging monghe, ako ay tiyak na isa sa mga kabilang dito". Inilarawan ni Luther ang yugtong ito ng kanyang buhay bilang isa sa mga malalim na espiritwal na kawalang pag-asa. Kanyang sinabi na "ako ay nawalan ng pakikipag-ugnayan kay kristo na tagapagligtas at taga-aliw at ginawa ko siyang tagabantay ng bilangguan at tagabitay ng aking pobreng kaluluwa".

Si Johann von Staupitz na superior ni Luther ay naghayag na si Luther ay nangangailangan ng mas maraming mga gawain upang abalahin siya sa labis na pagninilay-nilay at kanyang inutos kay Luther na magpursigi ng isang akademikong karera. Noong 1507, si Luther ay inordinahan sa pagkapari at noong 1508 ay nagsimulang magturo ng teolohiya sa University of Wittenberg. Siya'y nakatanggap ng digring batsilyer sa pag-aaral ng bibliya noong 9 Marso 1508 at isa pang digring batsilyer sa mga sentences ni Peter Lombard noong 1509. Noong 19 Oktubre 1512, si Luther ay ginawaran ng doktor ng teolohiya at noong 21 Oktubre 1512 ay tinanggap sa senado ng gurong teoholikal ng University of Wittenberg kung saan siya ay tinawag sa posisyong doktor ng bibliya. Kanyang ginugol ang kanyang natitirang karera sa posisyong ito sa Universidad ng Wittenberg.

Simula ng repormasyon

baguhin

Noong 1517, si Johann Tezel na isang prayleng Dominikano at komisyoner ng papa para sa mga indulhensiya ay ipinadala sa Alemanya ng Simbahang Katoliko upang magbenta ng mga indulhensiya upang makaipon ng salapi para sa muling pagtatayo ng St. Peter's Basilica sa Roma. Ayon sa teolohiya ng Romano Katoliko, ang pananampalataya lamang kahit ito pa ay pidusyaro o dogmatiko ay hindi makakapagwalang sala sa isang tao. Ang pagpapawalang sala ay nakabatay lamang sa gayong pananampalataya kung ito ay aktibo sa pagtulong at mabuting mga gawa (fides caritate formata). Ang benepisyo ng mabuting mga gawa ay makakamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng salapi sa simbahan. Noong 31 Oktubre 1517, si Luther ay sumulat sa obispong si Albert ng Mainz na nagpoprotesta sa pagbebenta ng mga indulhensiya. Kanyang inilakip ang kopya ng "Disputation of Martin Luther on the Power and Efficacy of Indulgences," na tinawag na The Ninety-Five Theses. Isinulat ni Hans Hillerbrand na si Luther ay walang intensiyon na komprontahin ang simabahan ngunit nakita nito ang kanyang disputasyon bilang isang pagtutol na pang skolar sa mga pagsasanay ng simbahan at ang tono ng kanyang pagsulat ay kaya "paghahanap kesa isang doctrinaire." Isinulat ni Hillerbrand na gayunpaman ay may hindi hayagang paghamon sa ilan sa theses partikular na sa Thesis 86 na nagtatanong na: "Bakit ang papa na ang kayamanan ngayon ay mas malaki kesa sa kayamanan ng pinakamayamang Crassus, ipinatayo ang basilica ni San Pedro gamit ang pera ng mga mahihirap na mananampalataya kesa sa sarili nitong pera?".

Tumutol si Luther sa isang kasabihang itinuro kay Johann Tetzel na "Sa pagdating ng barya sa lalagyan ng pera, ang kaluluwa mula sa purgatoryo [na pinatunayan rin bilang 'nasa langit'] ay sumisibol." [12]

Kanyang ipinilit na dahil ang kapatawaran ay tanging sa diyos lamang upang ipagkaloob, ang mga nag-aangkin na ang mga indulhensiya ay nagpapawalang sala sa mga bumibili nito mula sa lahat ng mga kaparusahan at nagbibigay rito ng kaligtasan ay mga mali. Kanyang isinaad na ang mga Kristiyano ay hindi dapat tumumal sa pagsunod kay Kristo sa dahilan ng gayong mga maling kasiguraduhan. Gayunpaman, itong kadalasang sinisiping kasabihan ni Tetzel ay hindi kumakatawan sa opisyal na katuruang Katoliko tungkol sa mga indulhensiya kundi bagkus ay isang repleksiyon ng kakayahan na magpasidhi. Gayunpaman, kung pinasidhi ni Tetzel ang bagay tungkol sa mga indulhensiya para sa "namatay", ang kanyang katuruan tungkol sa mga indulhensiya para sa "buhay" ay dalisay.[13]

 
Ang pagbebenta ng mga indulhensiya na ipinakita sa A Question to a Mintmaker, lilok ng kahoy ni Jörg Breu the Elder ng Augsburg, ca. 1530.

Ayon sa mga skolar na sina Walter Krämer, Götz Trenkler, Gerhard Ritter at Gerhard Prause, ang kuwento ng pagpapaskil sa pinto bagaman ito ay napagkasunduan na isa sa mga haligi ng kasaysayan ay may kaunting saligan sa katotohan.[14][15][16] Ang kuwento ay batay sa mga komentong ginawa ni Philipp Melanchthon, bagaman inakala na siya ay wala sa Wittenberg sa panahong ito.[17]

Noon lamang Enero 1518 nang isalin ng mga kaibigan ni Luther ang 95 Theses mula sa Latin tungo sa Aleman at inilimbag at malawak na kinopya ang mga ito na gumawa sa kontrobersiyang ito na una sa kasaysayan na natulungan ng tagalimbag (printing press).[18] Within two weeks, copies of the theses had spread throughout Germany; within two months throughout Europe.

Ang mga kasulatan ni Luther ay malawak na kumalat at umabot sa Pransiya, Inglatera at Italya sa simula pa nang 1519. Ang mga estudyante ay nagtipon sa Wittenberg upang pakinggan si Luther. Kanyang inilimbag ang isang maikling komentaryo tungkol sa Sulat sa mga taga-Galatia at ang kanyang Akda tungkol sa Mga Await. Ang simulang bahagi ng karera ng Luther ang isa sa kanyang pinakamalikhain at produktibo.[19] Talo sa kanyang pinaka kilalang mga akda ay inilimbag noong 1520: To the Christian Nobility of the German Nation, On the Babylonian Captivity of the Church, at On the Freedom of a Christian.

Pagpapawalang sala sa pamamagitan ng pananampalataya

baguhin

Mula 1510 hanggang 1520, si Luther ay nagturo tungkol sa Aklat ng mga Await, Sulat sa mga taga-Hebreo, Sulat sa mga taga-Roma at Sulat sa mga taga-Galatia. Sa kanyang pag-aaral sa mga bahaging ito ng Bibliya, kanyang nakita ang paggamit ng mga terminong gaya ng penitensiya (penance) at katwiran ng Romano Katoliko sa mga bagong paraan. Siya ay nakumbinsi na ang simbahang Katoliko ay kurakot sa mga paraang nito at nabulag sa kanyang ilang mga sentral na katotohanan ng Kristiyanismo. Ang pinakamahalaga para kay Luther ang doktrina ng pagpapawalang sala (justification) na akto ng diyos ng pagdedeklara sa isang makasalanan bilang matuwid sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa pamamagitan ng biyaya ng diyos. Kanyang sinimulang ituro na ang kaligtasan o kapatawaran ay kaloob ng biyaya ng diyos na makakamit lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus bilang mesiyas.[20][21]

Naunawaan ni Luther ang pagpapawalang sala bilang buong gawa ng diyos. Ang katuruang ito ni Luther ay maliwanag na inihiyag sa kanyang publikasyon noong 1525 na On the Bondage of the Will na isinulat bilang tugon sa On Free Will ni Desiderius Erasmus (1524). Ibinatay ni Luther ang kanyang posisyon sa predestinasyon sa sulat ni Apostol Pablo sa Ephesians 2:8–10. Laban sa katuruan sa kanyang panahon na ang mga matuwid na gawa ng mga mananampalataya sa tulong ng diyos, isinulat ni Luther na natatanggap ng mga Kristiyano ang gayong katwiran ng buo mula sa labas ng kanilang sarili; na ang katwiran ay hindi lamang mula kay Kristo kundi aktuwal na katwiran ni Kristo na itinatakda sa mga Kristiyano (kesa sa ipinapasok sa kanila) sa pamamagitan ng pananampalataya.[22] "That is why faith alone makes someone just and fulfills the law," he wrote. "Faith is that which brings the Holy Spirit through the merits of Christ."[23] Ang pananampalataya para kay Luther ay isang kaloob o regalo mula sa diyos; ang karanasan ng pagpapawalang sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay "bilang parang ako ay ipinanganak muli". Ang kanyang pagpasok sa paraiso ay isang pagtuklas tungkol sa "katwiran ng diyos" – na isang pagtuklas na ang "matuwid na tao" na sinasalita ng Bibliya gaya ng nasa Roma 1:17 ay namumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.[24] Kanyang ipinaliwanag ang konsepto ng "pagpapawalang sala" sa Mga Artikulong Smalcald:

Ang una at pangunahing artikulo ay ito: si Hesu Kristo, ang ating diyos at panginoon ay namatay para sa ating mga kasalanan at nabuhay na muli para sa pagpapawalang sala (Roma 3:24–25). Siya lamang ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan (Juan 1:29) at inilagay sa kanya ng diyos ang pagsalangsang nating lahat (Isa 53:6). Ang lahat ay nagkasala at malayang napapawalang sala, nang hindi sa kanilang mga gawa at mga mertio, sa pamamagitan ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na na kay Kristo Hesus, sa kanyang dugo (Roma 3:23–25). Ito ay kinakailangan upang manampalataya. Ito ay hindi makakamit o matatanto sa pamamagitan ng anumang gawa, batas o merito. Kaya, maliwanag at tiyak na itong pananampalataya lamang ang nagpapawalang sala ... Wala sa artikulong ito ang maaaring isuko bagaman ang langit at lupa at ang lahat ng mga bagaya ay lumipas (Marcos 13:31).[25]

Paglabag sa kapapahan

baguhin
 
Papa Leo X ni Raphael

Si Arsobispo Albrecht ng Mainz at Magdeburg ay hindi tumugon sa liham ni Luther na naglalaman ng 95 Theses. Kanyang ipinatingin ang mga theses na ito para sa heresiya at noong Disyembre 1517 ay ipinadala ang mga ito sa Roma.[26] Siya ay nangailangan ng kita mula sa mga indulhensiya upang bayaran ang dispensasyon ng papa para sa kanyang tenure ng higit sa isang pagka obispo. Gaya ng kalaunang kinomento ni Luther, "ang papa ay may daliri rin sa pie dahil ang kalahati ay pupunta sa gusali ng Simabahan ni San Pedro sa Roma."[27]

Si Papa Leo X ay sanay sa mga repormante at mga heretiko,[28] at ito ay mabagal na tumugon "nang may dakilang pag-iingat gaya ng nararapat."a[29] Sa loob ng sumunod na tatlong mga taon, siya ay nagpadala ng sunod sunod na mga teologo ng papa at envoy laban kay Luther na nagsilbi lamang upang patigasin ang anti-papang teolohiya ni Luther. Una, ang teologong Dominikanong si Sylvester Mazzolini ay nagdrapto ng isang heresiya laban kay Luther na hinimok ni Leo sa Roma, Ang Elector Frederick ay humikayat sa papa sa eksaminahin si Luther Augsburg, kung saan ang Imperial Diet ay idinaos.[30] Doon, noong Oktubre 1518, ipinaalam ni Luther sa papal legate na si Cardinal Cajetan na kanyang hindi itinuring ang kapapahan na bahagi ng simbahan o iglesiang pambibliya at ang mga pakikinig dito ay humantong sa isang sigawan. Higit sa kanyang pagsulat ng 95 Theses, ang komprontasyon ni Luther sa simbahang katoliko ay nagpinta sa kanyang kaaway ng papa.[31] Ang orihinal na mga instruksiyon ni Cajetan ay arestuhin si Luther kung ito ay mabigong bawiin ang paniniwala nito ngunit ito ay kulang sa mga paraan sa Augsburg kung saan ang Elector ay gumarantiya sa seguridad ni Luther.[32] Si Luther ay pumuslit papalabas ng siyudad nang gabi nang walang permisyon mula kay Cajetan.[33]

 
Ang pagtatagpo nina Martin Luther (kanan) at Cardinal Cajetan (kaliwa).

Noong Enero 1519, sa Altenburg sa Saxony, ang papal nuncio na si Karl von Miltitz ay kumuha ng isang mas pakikitungong mapagpalubag. Si Luther ay gumawa ng ilang mga pagpapahinuhod sa Saxon na kamag-anak ng Elector at nangakong mananahimik kung ang kanyang mga kalaban ay tumahimik.[34] Gayunpaman, ang teologong si Johann Maier von Eck ay determinado na ilantad ang doktrina ni Luther sa isang publikong forum. Noong Hunyo at Hulyo 1519, siya ay nagsagawa ng isang disputasyon (debate) kasama ang kasama ni Luther si Andreas Karlstadt sa Leipzig at inimbitahan si Luther upang magsalita.[35] Ang pinakamatapang na asersiyon ni Luther sa debate ay ang Mateo 16:18 ay hindi nagkakaloob sa mga papa ng eksklusibong karapatan na pakahulugan ang kasulatan at kaya ang mga papa o ang mga konsehong ekumenikal ay hindi walang kakayahang hindi magkamali (infallible)[36] Dahil dito, tinawag ni Eck si Luther na isang bagong Jan Hus na tumutukoy sa repormanteng Czech at heretiko na ipinasunog sa kahoy noong 1415. Mula sa pangyayaring ito, kanyang ginugol ang kanyang sarili sa pagkatalo ni Luther.[37]

Pagtitiwalag

baguhin

Noong 15 Hunyo 1520, binalaan ng Papa si Luther ng papal bull (edict) Exsurge Domine na siya ay nanganganib ng pagtitiwalag o ekskomunikasyon malibang bawiin niya ang 41 mga pangungusap mula sa kanyang mga kasulatan kabilang ang 95 Theses sa loob ng 60 araw. Nang taglagas na yun, ipinahayag ni Johann Eck ang bull sa Meissen at iba pang mga bayan. Si Karl von Miltitz na isang papal nuncio ay nagtangkang mamagitan ng isang solusyon ngunit si Luther na nagpadala sa papa ng kopya ng On the Freedom of a Christian noong Oktubre ay publikong sinunog ang bull at mga decretal sa Wittenberg noong 10 Disyembre 1520,[38] na isang aktong kanyang ipinagtanggol sa Why the Pope and his Recent Book are Burned at Assertions Concerning All Articles. Bilang resulta, si Luther ay itiniwalag ni Papa Leo X noong 3 Enero 1521 sa bull na Decet Romanum Pontificem.

Diet ng Worms

baguhin
 
"Si Luther Sa Harapan ng Diet ng Worms." Photogravure batay sa sining ni Anton von Werner (1843–1915)

Ang pagpapatupad ng pagbabawal sa 95 Theses ay nahulog sa mga autoridad na sekular. Noong 18 Abril 1521, si Luther ay humarap gaya ng ipinag-utos sa harapan ng Diet ng Worms. Ito ay isang pangkalahatang pagpupulong ng mga estado ng Banal na Imperyo Romano na naganap sa Worms na isang bayan sa Rhine. Ito ay idinaos mula Enero 28 hanggang 25 Mayo 1521 kung saan si Emperador Charles V ang nangasiwa. Si Prinsipe Frederick III, Elector ng Saxony ay nagkamit ng safe conduct para kay Luther tungo at mula sa pagpupulong.

Si Johann Eck na nagsasalita para sa Imperyo bilang katulong ng Arsobispo ng Trier ay nagpresenta kay Luther ng mga kopya ng kanyang mga kasulatan na inilatag sa isang mesa at itinanong sa kanya kung ang mga aklat na ito ay kanya at kung pinanghahawakan niya ang mga nilalaman nito. Kinumpirma ni Luther na siya ang may-akda ngunit humiling ng panahon upang pag-isipan ang sagot sa ikalawang tanong. Siya ay nananalangin, kumonsulta sa kanyang mga kaibigan at ibinigay ang kanyang tugon sa sumunod na araw:

Malibang ako ay kumbinsido sa testimonya ng mga kasulatan o sa pamamagitan ng maliwanag na katwiran (sapagkat hindi ako nagtitiwal sa papa o tanging sa mga konseho dahil alam na kadalasan itong nagkakamali at sinasalungat ang kanilang mga sarili), ako ay nakatali sa mga kasulatan na aking sinipi at ang aking konsensiya ay nakabihag sa salita ng diyos. Hindi ko maaari at hindi ko babawiin ang anuman dahil hindi ligtas o tama na lumabag sa konsensiya. Tulungan nawa ako ng diyos. Amen.[39]

Si Luther ay minsang sinisipi bilang nagsasabing: "Dito ay nakatayo ako. Wala akong magagawang iba". Ang mga kamakailang skolar ay tumuturing sa ebidensiya para sa mga salitang ito na hindi maasahan dahil ang mga ito ay isiningit bago ang "Tulungan nawa ako ng diyos" sa mga kalaunang lamang na bersiyon ng talumpati at hindi nakatala sa mga salaysay ng saksi sa mga pagdidinig nito.[40]

Sa loob ng sumunod na limang araw, ang mga pribadong kumperensiya ay idinaos upang tukuyin ang kahihinatnan ni Luther. Ang Emperador ay nagpresenta ng huling drapto ng Diet ng Worms noong 25 Mayo 1521 na naghahayag kay Luther na lumabag sa batas, ipinagbawal ang kanyang akda at inatasan ang kanyang paghuli: "Nais namin siyang mahuli at parusahan bilang masamang heretiko."[41] Ginawa rin nitong krimen para sa sinuman sa Alemanya na magbigay kay Luther ng pagkain o tirahan. Ito ay pumayag sa sinuman na pumatay kay Luther nang walang mga parusang legal.

Sa Kastilyong Wartburg

baguhin
 
Kastilyong Wartburg, Eisenach

Ang paglaho ni Luther sa kanyang paglalakbay pabalik ay pinlano. Si Frederick III, Elector ng Saxony ay hinarang siya sa kanyang pag-uwi sa pamamagitan ng mga nakamaskarang mangangabayo at hinatid sa seguridad ng Kastilyong Wartburg sa Eisenach.[42] During his stay at Wartburg, which he referred to as "my Patmos",[43] Isinalin ni Luther ang Bagong Tipan mula sa Griyego at naghayag ng mga doktrinal at polemikal na kasulatan. Ang mga ito ay kinabibilangan ng bagong pag-atake kay Arsobispo Albrecht ng Mainz na kanyang ipinahiya sa pagpapahinto sa pagbebenta ng mga indulhensiya sa mga episkopata nito,[44] at isang "Refutation of the Argument of Latomus," kung saan kanyang ipinaliwanag ang prinsipyo ng pagpapawalang sala kay Jacobus Latomus na isang ortodoksong teologo mula sa Louvain.[45]

Sa akdang ito na isa sa kanyang pinakamadiing mga pahayag tungkol sa pananampalataya, kanyang ikinatwiran na ang bawat mabuting gawa na ginawa upang umakit sa pabor ng diyos ay isang kasalanan.[46] Kanyang ipinaliwanag na ang lahat ng mga tao ay makasalanan sa kalikasan nito at ang biyaya ng diyos na hindi mabibili ang taning makakapagpatuwid sa mga ito. Noong 1 Agosto 1521, sumulat si Luther kay Melanchthon sa parehong tema: "Maging isang makasalanan, at hayaang ang iyong mga kasalanan ay lumakas, ngunit hayaan mong ang iyong pagtitiwala kay Kristo ay lumakas at magalak kay Kristo na tagapagwagi laban sa kasalanan, kamatayan at sanlibutan. Makagagawa tayo ng mga kasalanan habang tayo ay narito sapagkat ang buhay na ito ay hindi ang lugar kung saan ang hustisya ay tumatahan."[47]

 
Ang silid ng Wartburg kung saan isinalin ni Luther ang Bagong Tipan mula Griyego tungo sa wikang Aleman. Ang orihinal na unang edisyon nito ay itinago sa lalagyan ng mesa

.

Noong taga-init nang 1521, pinalawak ni Luther ang kanyang pag-atake mula sa mga indibidwal na pagpapabanal tulad ng mga indulhensiya at pilgrimahe hanggang sa mga doktrina sa puso ng mga pagsasanay ng Simbahan. Sa kanyang akdang On the Abrogation of the Private Mass, kanyang kinondena bilang pagsamba sa diyos diyosan ang ideya na ang misa ay isang handog at isinaad na bagkus ito ay isang regal na matatanggap nang may pagpapasalamat ng buong kongregasyon.[48] Ang kanyang sanaysay na On Confession, Whether the Pope has the Power to Require It ay tumakwil sa sapilitang pangungumpisal at hinikayat ang pribadong pangungumpisal at absolusyon dahil "ang bawat Kristiyano ay isang mangungumpisal."[49] Noong Nobyembre, isinulat ni Luther ang The Judgement of Martin Luther on Monastic Vows. Kanyang siniguro sa mga monghe at madre na maaari nilang labagin ang kanilang mga panata nang hindi nagkakasala sapagkat ang mga panata ay hindi lehitimo at walang saysay na pagtatangka upang makamit ang kaligtasan.[50]

Ginawa ni Luther ang kanyang mga pahayag mula sa Wartburg sa konteksto ng mabilis na pag-unlad ng mga pangyayari sa Wittenberg na buong ipinagbigay alam sa kanya. Si Andreas Karlstadt na suportado ng dating Augustinian na si Gabriel Zwilling ay naglunsad ng isang radikal na programa ng reporma noong Hunyo 1521 na humigit sa anumang nakita ni Luther. Ang mga repormang ito ay pumukaw ng mga kaguluhan kabilang ang isang himagsikan ng mga mongheng Augustinian laban sa kanilang prior, ang pagwasak ng mga estatwa at imahe ng mga simbahan at pagkokondena ng mahistrasya. Pagkatapos na sikretong bisitahin ang Wittenberg sa simula nang Disyembre 1521, isinulat ni Luther ang A Sincere Admonition by Martin Luther to All Christians to Guard Against Insurrection and Rebellion.[51] Mas naging marupok ang Wittenberg pagkatapos ng pasko nang ang isang pangkat ng mga panatikong bisyonaryo na tinatawag na mga propetang Zwickau ay dumating na nangangaral ng mga rebolusyonaryong doktrina gaya ng pagkakapantay ng tao, pagbabautismo ng mga matatanda at malapit na pagbabalik ni Hesus.[52] Nang hilingin ng konseho ang pagbabalik ni Luther, nagpasya siyang kanyang tungkulin na umakto.[53]

Pagbabalik sa Wittenberg

baguhin

Si Luther ay sikretong bumalik sa Wittenberg noong 6 Marso 1522. Kanyang isinulat sa Elector na "Sa panahon na wala ako", "Si Satanas ay pumasok sa aking tupahan at gumawa ng mga pagwasak na aking hindi makumpuni sa pamamagitan ng aking kasulatan ngunit sa tanging personal na presensiya at buhay na salita."[54] Sa loob ng walong araw noong semana santa simula nang Invocavit Linggo nang 9 Marso, si Luther ay nangaral ng walong mga sermon na nakilala bilang mga "Invocavit Sermons." Sa mga sermong ito, pinagdikdikan niya ang pangunguna ng mahalagang mga halagang Kristiyano gaya ng pag-ibig, pagtitiis, pagtulong sa kapwa, kalayaan, at ipinaalala sa mga mamamayan na magtiwala sa diyos kesa sa karahasan upang magdala ng kinakailangang pagbabago.[55]

Alam ninyo ba kung ano ang iniisip ng diyablo kapag nakikita niya ang mga tao na gumagamit ng karahasan upang ipalaganap ang ebanghelyo? Siya ay nakaupo na may nakatiklop na mga braso sa likod ng apoy ng impyerno, at nagsasabing may masamang hitsura at nakatatakot na ngisi: "Ah, gaano katalino ang mga ulol na taong ito na maglaro ng aking laro! Hayaan silang magpatuloy; aking aanihin ang aking pakinabang. Ako ay nagagalak dito." Ngunit kapag kanyang nakikita ang Salita na tumatakbo at nakikibakang mag-isa sa labanan, kung gayon ito ay nangingisay at nanginginig sa takot.[56]

Ang epekto ng interbensiyon ni Luther ay mabilis. Pagkatapos ng ikaanim na sermon, ang hurado ng Wittenberg na si Jerome Schurf ay sumulat sa elector: "Oh, gaanong saya ang pagbabalik ni Dr. Martin ay kumalat sa atin! Ang kanyang mga salita sa pamamagitan ng habag ng diyos ay nagpapanumbalik araw araw sa mga naligaw na tao tungo sa daan ng katotohanan." [56]

Si Luther ay sumunod na nagsimulang baliktarin o baguhin ang bagong mga kasanayan sa simbahan. Sa pamamagitan ng pakikipatulungan sa mga autoridad upang panumbalikin ang kaayusang ng publiko, kanyang hinudyat ang kanyang muling pag-iimbento bilang isang konserbatibong pwersa sa loob ng Repormasyon.[57] Pagkatapos ipatapo ang mga propetang Zwickau, siya ngayon ay nahaharap sa isang pakikibaka hindi lamang sa establisiyadong Simbahan ngunit pati na rin sa mga radikal na repormante na nagbanta ng bagong kaayusan sa pamamagitan ng pagpupukaw ng kaguluhang panlipunan at karahasan.[58]

Digmaan ng mga Magsasaka

baguhin
 
Ika-16 siglong mga rebeldeng magsasaka

Sa kabila ng kanyang pagwawagi sa Wittenberg, hindi nagawa ni Luther na supilin ang radikalismo ng higit pa. Ang mga mangangaral gaya ng propetang Zwickau na si Nicholas Storch at Thomas Müntzer ay tumulong upang pukawin ang Digmaan ng mga Magsasakang Aleman nang 1524–25 kung saan maraming mga kalupitan ay isinagawa na kadalasan ay sa ngalan ni Luther. Mayroong mga paghihimagsik sa mas maliit na skala simula ika-15 siglo.[59] Ang mga pampleto ni Luther laban sa Simbahan at hierarka nito na kadalasan sinalita na may mga salitang "liberal" ay tumulak sa mga magsasaka na maniwalang kanyang susuportahan ang isang pag-atake sa mga nasa mataas na antas ng lipunan.[60] Ang mga himagsikan ay sumiklab sa Franconia, Swabia, at Thuringia noong 1524 at ito ay humugot pa ng suporta sa mga hindi masayang maharlika na karamihan ay may pagkakautang. Sa pagkakamit ng momentum sa ilalim ng pamumuno ng mga radikal gaya nina Müntzer sa Thuringia at Michael Gaismair sa Tyrol, ang mga paghihimagsik ay naging isang digmaan.[61]

Nakisimpatiya si Luther sa ilang mga karaingan ng mga magsasaka gaya ng kanyang ipinakita sa kanyang tugon sa Twelve Articles noong Mayo 1525, ngunit kanyang pinaalalahanan ang mga naaapi na sundin ang mga temporal na autoridad.[62] Sa kanyang paglalakbay sa Thuringia, siya ay nagalit sa malawakang pagsunog ng mga kumbento, mga monasteryo, mga palasyo ng obispo at mga aklatan. Sa kanyang akdang Against the Murderous, Thieving Hordes of Peasants na isinulat sa kanyang pagbabalik sa Wittenberg, kanyang ibinigay ang kanyang pagpapakahulugan sa ebanghelyo tungkol sa kayamanan, kinondena ang karahasan bilang gawa ng diyablo at tumawag sa mga maharlika na supilin ang mga rebelde gaya ng mga ulol na aso:

Kaya hayaan ang sinuman na maaaring bumanat, pumaslang at sumaksak ng sikreto o hayagan na alalahanin na walang mas nakalalason, nakasasakit o mas diyablo kesa sa isang rebelde...Sapagkat ang bautismo ay hindi gumagawa sa mga tao na malaya sa katawan at pag-aari kundi sa kaluluwa; at ang ebanghelyo ay hindi gumagawa sa mga ari-arian na karaniwan, maliban sa kaso ng mga tao na sa kanilang malayang kalooban ay gumagawa sa ginawa ng mga apostol at alagad sa Gawa 4 [:32–37]. Hindi nila hiniling gaya ng ating mga baliw na magsasaka pagkapoot ng mga ito na ang mga pag-aari ng iba-nina Pilato at Herodes ay dapat maging karaniwan ngunit ng tanging kanilang mga ari-arian. Gayunpaman, ang ating mga magsasaka ay nagnanais na gawin ang mga ari-arian ng iba na karaniwan at solohin ang kanila para sa kanilang mga sarili. Mabubuti silang mga Kristiyano! Sa tingin ko walang diyablo na natitira sa impyerno; ang lahat ng mga ito ay napunta sa mga magsasaka. Ang kanilang pagkapoot ay humigit sa lahat ng sukat.[63]

Ikinatwiran ni Luther ang kanyang pagtutol sa mga rebelde sa tatlong basehan. Una, sa pagpili ng karahasan kesa sa pagpapasakop na naaayon sa batas sa gobyernong seklular, kanilang isinasantabi ang payo ni Kristo na "Ibigay kay Caesar ang mga bagay na kay Caesar; si San Pablo ay sumulat sa kanyang sulat sa Romans 13:1–7 na ang lahat ng mga autoridad ay hinirang ng diyos at hindi dapat salungatin. Ang reperensiyang ito mula bibliya ay bumubuo sa pundasyon ng doktrinang tinatawag na karapatang pandiyos ng mga hari o sa kasong Aleman ang karapatang pang diyos ng mga prinsipe. Ikalawa, ang mga aksiyong marahas ng paghihimagsik, pagnanakaw at pandarambong ay naglalagay sa mga magsasaka "sa labas ng batas ng diyos at imperyo" kaya sila ay nararapat ng "kamatayan sa katawan at kaluluwa, kung tanging bilang mga tulisan at mamamatay tao." Pinakahuli, inakusahan ni Luther ang mga rebelde ng pamumusong sa pagtawag sa kanilang mga sarili na "kapatirang Kristiyano" at ginagawa ang makasalanan nilang gawa sa ilalim ng watawat ng ebanghelyo.[64]

Sa kawalang suporta ni Luther sa kanilang paghihimagsik, maraming mga rebelde ang nagsuko ng kanilang mga sandata; ang ilan ay nakaramdam ng pagtatraydor. Ang kanilang pagkatalo sa Ligang Swabian sa Labanan ng Frankenhausen noong 15 Mayo 1525 na sinundan ng pagpaslang kay Müntzer ang nagpahinto sa rebolusyonaryong yugto ng Repormasyon.[65] Pagkatapos nito, ang radikalismo ay nakahanap ng masisilungan sa kilusang anabaptist at iba pang mga sekta samantalang ang Repormasyon ni Luther ay yumabong sa ilalim ng pakpak ng mga kapangyarihang sekular.[66]

Antisemitismo

baguhin
 
Ang orihinal na takip ng aklat ni Luther na "Tungkol sa mga Hudyo at kanilang mga kasinungalingan" na inilimbag noong 1543.

Itinuring ni Luther na ang mga hudyo ay mapamusong at mga sinungaling dahil itinanggi nila ang pagkadiyos ni Hesus. Sa parehong panahon, naniwala si Luther na ang lahat ng mga tao na lumabag sa diyos ay pareho ang responsable sa kasalanan. Noong 1523, si Luther ay nagpayo ng kabutihan sa mga Hudyo dahil sa ang layunin niya ay maakay ang mga ito sa kristiyanismo. Nang mabigo si Luther sa kanyang pag-akay sa mga Hudyo, siya ay nagsimulang mapoot sa mga ito. Ang dalawa sa malaking kasulatan ni Luther tungkol sa mga Hudyo ang 60,000-salitang paghahayag na Von den Juden und Ihren Lügen (Tungkol sa mga Hudyo at sa kanilang mga kasinungalingan) at Vom Schem Hamphoras und vom Geschlecht Christi (Tungkol sa banal na pangalan at sa angkan ni kristo) na parehong inilimbag noong 1543 mga tatlong taon bago ang kanyang kamatayan. Isinulat ni Luther na ang mga Hudyo ay hindi na mga piniling bayan ngunit isa nang bayan ng diablo. Kanyang inilarawan ang mga Hudyo sa isang marahas at nakakalasong mga salita. Itinaguyod din Luther ang pagsunog ng mga sinagoga ng mga Hudyo, pagwasak ng mga aklat ng panalangin ng mga ito, pagbabawal sa pangangaral ang mga rabbi, pagsunggab ng mga ari-arian at salapi ng Hudyo at pagwasak ng mga tahanan nito upang ang mga "nakalalasong mga uod" na ito ay pwersahing pagtrabahuhin at patalsikin "sa lahat ng panahon".

Si Luther ang pinaka-binabasang may akda ng kanyang heneresyon at siya ay nagkamit ng katayuang propeta sa Alemanya.[67] Ayon sa nananaig na pananaw ng mga historyan, ang anti-Hudyong retoriko ni Luther ay may malaking naiambag sa pagbuo ng antisemitismo sa Alemanya[68] at sa pagitan ng mga taong 1930 at 1940 ay nagbigay ng ulirang saligan sa pag-atake sa mga Hudyo ng partido Nazi ni Adolf Hitler.[69] Ayon din sa mga historyan, ang halos bawat mga anti-hudyong aklat na inilimbag noong panahon ng Nazi sa Alemanya ay naglalaman ng mga sanggunian at sipi mula kay Luther.

Si Bishop Martin Sasse, na pangunahing tao ng simbahang Protestante ay naglimbag ng kompendium ng mga kasulatan ni Luther sa sandaling pagkatapos ng Kristallnacht na isinagawa ng Nazi laban sa mga Hudyo. Pinuri ni Sasse ang pagsunog ng mga sinagoga at ang koinsidensiya ng araw na ito sa kaarawan ni Luther na kanyang isinulat sa panimula ng kasulatang ito: "Noong 10 Nobyembre 1938, sa kaaarawan ni Luther, ang mga sinagoga ay nasusunog sa Alemanya". Hinikayat rin ni Sasse na pakinggan ng mga Aleman ang mga salita "ng pinakadakilang antisemitiko nang kanyang panahon at tagapag-babala ng kanyang mga kapwa Aleman laban sa mga Hudyo".[70]

Bibliyang Luther

baguhin

Ang Bibliyang Luther ay hindi ang unang saling Aleman ng Bibliya ngunit ito ang pinakamaimpluwensiya (most influential) na saling Aleman. Ang isang malaking bahagi ng kahalagahan ni Luther sa kulturang Aleman ang kanyang impluwensiya sa pag-ahon ng Wikang Aleman at pambansang pagkakakilanlang Aleman. Ito ay pangunahing nagmula mula sa kanyang salin ng Bibliya sa bernakular na kasing rebolusyonaryo sa batas na kanon at pag-sunog ng bull ng papa.[71] Ang layunin ni Luther ay bigyan ng kakayahan ang mga nagsasalita ng wikang Aleman na Kristiyano na mabasa ang salita ng Diyos sa kanilang wika. Ang kanyang pagkukumpleto ng kanyang salin ng Luma at Bagong Tipan mula sa Hebreo at Griyego sa bernakular na Aleman noong 1534 ang isa sa pinakamahalagang mga akto ng Repormasyon.[72] Bagaman hindi si Luther ang unang nagtangka ng pagsasalin ng bibliya sa Aleman, ang kanyang salin ay superior sa lahat ng mga nauna dito. Ang mga nakaraang salin ay naglalaman ng mababang uring Aleman na mga salin ng isang salin sa halip na direktang salin sa Aleman mula sa mga orihinal.[71] Hinangad ni Luther na isalin sa wikang Aleman ang bibliya na kasing lapit sa orihinal na wika ng Bibliya ngunit ginagabayan kung paanong ang mga taong Aleman ay nagsasalita sa bahay, sa mga kalye at sa mga palengke.[73][74] Ito ay nagtulak sa mga manunulat na mga Aleman gaya nina Goethe at Nietzsche na purihin ang Bibliya ni Luther.[75] Sa karagdagan, ang pagkakalimbag ng bernakular na Alemang Bibliya ni Luther ay pumayag ritong mabilis na kumalat at mabasa ng lahat ng mga Aleman. Ang isang tagalimbag na si Hans Luft ay naglimbag ng bibliya ni Luther ng higit sa 100,000 kopya sa pagitan ng 1534 at 1574 na binasa ng mga milyong milyong Aleman.[76] Ang bibliya ni Luther ay nasa halos bawat tahanan ng mga nagsasalita ng Aleman na Protestante at walang pagdududa sa kaalamang biblikal na nakamit ng mga karaniwang masang Aleman.[77]

Sanggunian

baguhin
  1. Brecht, Martin. Martin Luther. tr. James L. Schaaf, Philadelphia: Fortress Press, 1985–93, 1:3–5.
  2. 2.0 2.1 Marty, Martin. Martin Luther. Viking Penguin, 2004, p. 1.
  3. Marty, Martin. Martin Luther. Viking Penguin, 2004, p. 3.
  4. Rupp, Ernst Gordon. "Martin Luther," Encyclopædia Britannica, accessed 2006.
  5. Marty, Martin. Martin Luther. Viking Penguin, 2004, pp. 2–3.
  6. 6.0 6.1 Marty, Martin. Martin Luther. Viking Penguin, 2004, p. 4.
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Marty, Martin. Martin Luther. Viking Penguin, 2004, p. 5.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 Marty, Martin. Martin Luther. Viking Penguin, 2004, p. 6.
  9. Brecht, Martin. Martin Luther. tr. James L. Schaaf, Philadelphia: Fortress Press, 1985–93, 1:48.
  10. Schwiebert, E.G. Luther and His Times. St. Louis: Concordia Publishing House, 1950, 136.
  11. Marty, Martin. Martin Luther. Viking Penguin, 2004, p. 7.
  12. Thesis 55 of Tetzel's One Hundred and Six Theses. These "Anti-theses" were a reply to Luther’s Ninety-Five Theses and were drawn up by Tetzel’s friend and former Professor, Konrad Wimpina. Theses 55 & 56 (responding to Luther's 27th Theses) read: "For a soul to fly out, is for it to obtain the vision of God, which can be hindered by no interruption, therefore he errs who says that the soul cannot fly out before the coin can jingle in the bottom of the chest." In, The reformation in Germany, Henry Clay Vedder, 1914, Macmillon Company, p. 405. [1] Animam purgatam evolare, est eam visione dei potiri, quod nulla potest intercapedine impediri. Quisquis ergo dicit, non citius posse animam volare, quam in fundo cistae denarius possit tinnire, errat. In: D. Martini Lutheri, Opera Latina: Varii Argumenti, 1865, Henricus Schmidt, ed., Heyder and Zimmer, Frankfurt am Main & Erlangen, vol. 1, p. 300. (Print on demand edition: Nabu Press, 2010, ISBN 1-142-40551-6 ISBN 978-1-142-40551-9). [2] See also: Herbermann, Charles, pat. (1913). "Johann Tetzel" . Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Robert Appleton Company.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. See Ludwig von Pastor, The History of the Popes, from the Close of the Middle Ages, Ralph Francis Kerr, ed., 1908, B. Herder, St. Louis, Volume 7, pp. 348–349. [3]
  14. Krämer, Walter and Trenkler, Götz. "Luther," in Lexicon van Hardnekkige Misverstanden. Uitgeverij Bert Bakker, 1997, 214:216.
  15. Ritter, Gerhard. "Luther, Frankfurt 1985.
  16. Gerhard Prause "Luthers Thesanschlag ist eine Legende,"in Niemand hat Kolumbus ausgelacht. Düsseldorf, 1986.
  17. Bekker, Henrik. Dresden Leipzig & Saxony Adventure Guide. Hunter Publishing, Inc. p. 125. Nakuha noong 7 Pebrero 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Brecht, Martin. Martin Luther. tr. James L. Schaaf, Philadelphia: Fortress Press, 1985–93, 1:204–205.
  19. Spitz, Lewis W. The Renaissance and Reformation Movements, St. Louis: Concordia Publishing House, 1987, 338.
  20. Wriedt, Markus. "Luther's Theology," in The Cambridge Companion to Luther. New York: Cambridge University Press, 2003, 88–94.
  21. Bouman, Herbert J. A. "The Doctrine of Justification in the Lutheran Confessions" Naka-arkibo 2009-04-03 sa Wayback Machine., Concordia Theological Monthly, 26 Nobyembre 1955, No. 11:801.
  22. Dorman, Ted M., "Justification as Healing: The Little-Known Luther" Naka-arkibo 2009-04-03 sa Wayback Machine., Quodlibet Journal: Volume 2 Number 3, Summer 2000. Retrieved 13 Hulyo 2007.
  23. "Luther's Definition of Faith".
  24. "Justification by Faith: The Lutheran-Catholic Convergence". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-29. Nakuha noong 2012-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Luther, Martin. "The Smalcald Articles," in Concordia: The Lutheran Confessions. Saint Louis: Concordia Publishing House, 2005, 289, Part two, Article 1.
  26. Michael A. Mullett, Martin Luther, London: Routledge, 2004, ISBN 978-0-415-26168-5, 78; Oberman, Heiko, Luther: Man Between God and the Devil, New Haven: Yale University Press, 2006, ISBN 0-300-10313-1, 192–93.
  27. Mullett, 68–69; Oberman, 189.
  28. Richard Marius, Luther, London: Quartet, 1975, ISBN 0-7043-3192-6, 85.
  29. Papal Bull Exsurge Domine, 15 Hunyo 1520.
  30. Mullett, 81–82.
  31. Mullett, 82.
  32. Mullett, 83.
  33. Oberman, 197.
  34. Mullett, 92–95; Roland H. Bainton, Here I Stand: A Life of Martin Luther, New York: Mentor, 1955, OCLC 220064892, 81.
  35. Marius, 87–89; Bainton, Mentor edition, 82.
  36. Marius, 93; Bainton, Mentor edition, 90.
  37. G. R. Elton, Reformation Europe: 1517–1559, London: Collins, 1963, OCLC 222872115, 177.
  38. Brecht, Martin. (tr. Wolfgang Katenz) "Luther, Martin," in Hillerbrand, Hans J. (ed.) Oxford Encyclopedia of the Reformation. New York: Oxford University Press, 1996, 2:463.
  39. Brecht, 1:460.
  40. Wilson, 153, 170; Marius, 155.
  41. Bratcher, Dennis. "The Diet of Worms (1521)," in The Voice: Biblical and Theological Resources for Growing Christians. Retrieved 13 Hulyo 2007.
  42. Reformation Europe: 1517–1559, London: Fontana, 1963, 53; Diarmaid MacCulloch, Reformation: Europe's House Divided, 1490–1700, London: Allen Lane, 2003, 132.
  43. Luther, Martin. "Letter 82," in Luther's Works. Jaroslav Jan Pelikan, Hilton C. Oswald and Helmut T. Lehmann (eds), Vol. 48: Letters I, Philadelphia: Fortress Press, 1999, c1963, 48:246; Mullett, 133. John, author of Revelation, had been exiled on the island of Patmos.
  44. Brecht, 2:12–14.
  45. Mullett, 132, 134; Wilson, 182.
  46. Brecht, 2:7–9; Marius, 161–62; Marty, 77–79.
  47. Martin Luther, "Let Your Sins Be Strong," a Letter From Luther to Melanchthon, Agosto 1521, Project Wittenberg, retrieved 1 Oktubre 2006.
  48. Brecht, 2:27–29; Mullett, 133.
  49. Brecht, 2:18–21.
  50. Marius, 163–64.
  51. Mullett, 135–36.
  52. Wilson, 192–202; Brecht, 2:34–38.
  53. Bainton, Mentor edition, 164–65.
  54. Letter of 7 Marso 1522. Schaff, Philip, History of the Christian Church, Vol VII, Ch IV; Brecht, 2:57.
  55. Brecht, 2:60; Bainton, Mentor edition, 165; Marius, 168–69.
  56. 56.0 56.1 Schaff, Philip, History of the Christian Church, Vol VII, Ch IV.
  57. Marius, 169.
  58. Mullett, 141–43.
  59. Michael Hughes, Early Modern Germany: 1477–1806, London: Macmillan, 1992, ISBN 0-333-53774-2, 45.
  60. A. G. Dickens, The German Nation and Martin Luther, London: Edward Arnold, 1974, ISBN 0-7131-5700-3, 132–33. Dickens cites as an example of Luther's "liberal" phraseology: "Therefore I declare that neither pope nor bishop nor any other person has the right to impose a syllable of law upon a Christian man without his own consent".
  61. Hughes, 45–47.
  62. Hughes, 50.
  63. Jaroslav J. Pelikan, Hilton C. Oswald, Luther's Works, 55 vols. (St. Louis and Philadelphia: Concordia Pub. House and Fortress Press, 1955–1986), 46: 50–51.
  64. Mullett, 166.
  65. Hughes, 51.
  66. Andrew Pettegree, Europe in the Sixteenth Century, Oxford: Blackwell, ISBN 0-631-20704-X, 102–103.
  67. The assertion that Luther's expressions of anti-Jewish sentiment have been of major and persistent influence in the centuries after the Reformation, and that there exists a continuity between Protestant anti-Judaism and modern racially oriented anti-Semitism, is at present wide-spread in the literature; since the Second World War it has understandably become the prevailing opinion." Johannes Wallmann, "The Reception of Luther's Writings on the Jews from the Reformation to the End of the 19th century", Lutheran Quarterly, n.s. 1 (Spring 1987) 1:72–97.
  68. Berger, Ronald. Fathoming the Holocaust: A Social Problems Approach (New York: Aldine De Gruyter, 2002), 28; Johnson, Paul. A History of the Jews (New York: HarperCollins Publishers, 1987), 242; Shirer, William. The Rise and Fall of the Third Reich, (New York: Simon and Schuster, 1960).
  69. Grunberger, Richard. The 12-Year Reich: A Social History of Nazi German 1933–1945 (NP:Holt, Rinehart and Winston, 1971), 465.
  70. Bernd Nellessen, "Die schweigende Kirche: Katholiken und Judenverfolgung," in Buttner (ed), Die Deutchschen und die Jugendverfolg im Dritten Reich, p.265, cited in Daniel Goldhagen, Hitler's Willing Executioners (Vintage, 1997)
  71. 71.0 71.1 Carter Lindberg, The European Reformation (Oxford: Blackwell Publishing, 1996), 91
  72. A.G. Dickens, The German Nation and Martin Luther (New York: Harper and Row Publishers, 1974), 206
  73. ibid, 91
  74. Mark Antliff, The Legacy of Martin Luther (Ottawa, McGill University Press, 1983), 11
  75. Carter Lindberg, The European Reformation (Oxford: Blackwell Publishing, 1996), 92
  76. Philip Schaff, History of the Christian Church (New York: Charles Scribner's Sons, 1910), 5
  77. A.G. Dickens, The German Nation and Martin Luther (New York: Harper and Row Publishers, 1974), 134