Ninety-Five Theses

Ang Siyamnapu't Limang Sanaysay sa Kapangyarihan at Bisa ng Indulhensiya (Ingles: Ninety-five Theses on the Power and Efficacy of Indulgences, Latin: Disputatio pro declaratione virtutis indulgentiarum), o mas kilalá bílang Ninety-five Theses (Tagalog: Siyamnapu't Limang Sanaysay), ay malawakang kinikilala bílang mitsa ng Repormang Protestante. Ang protestang ito ay laban sa pang-aabuso ng mga klerigo, lalo na ang nepotismo, simonya, usury, pluralismo, at pagbebenta ng indulhensiya. Kalimitang pinaniniwalaan, ayon sa isang gawing pampamantansan, na noong 31 Oktubre 1517, ipinaskil ni Luther ang Ninety-five Theses, na sinulat niya sa Wikang Latin, sa pinto ng simbahan ng All Saints' Church sa Wittenberg. Gayunpaman, taliwas sa palasak na paniniwala, sinasabi rin na pinapasa-pasa lámang ni Luther ang mga pahina, sa tulong ng pagdating ng makinang panlimbag noong panahong iyon.

"Thesentür" ("Pinto ng mga Sanaysay") sa All Saints' Church (Schlosskirche) sa Wittenberg

Ang kontrobersiya sa Indulhensiya

baguhin
 

Kinukuwestiyon ng Ninety-Five ang pagbebenta ng Indulhensiya ng Simbahang Katoliko at may pagdududa sa paniniwala ng Simbahan na ang papal pardon ay mas mahalaga pa upang makamit ang kapatawaran ng kasalanan kaysa sa penitensiya o dalisay na pagsisisi. Ipinaglaban ni Luther na ang mga Kristiyano ay niloloko na puwede siláng mapawalang-salà sa purgatoryo sa pamamagitan ng pagbili ng Indulhensiya.

Nagsimula daw ang Repormasyon noong 1517 na kung saan tinuligsa ni Martin Luther ang pagbebenta ng Indulhensiya ng simbahan. Ngunit mayroon pa ring tao na pinipilit na magbaenta ng Indulhensiya. Isa na rito ang isang mongheng nagngangalang Johann Tetzel, na nagbenta ng Indulhensiya sa Wittenburg na ang kadahilanan daw ay upang maipagawa / maipaayos ang “St. Peter Basilica”. At ang matitira daw ay ipang babayad sa utang ng isang local na arsobispo sa pagbili ng posisyon mula sa Papa. Tumutol dito si Luther dahil daw sa pagkilos at pagsasalita nitong monghe at sa pananamantala sa pero ng mga mahihirap dito pinahahayag ni Luther ang kanyang paniniwalang hindi sa mabubuting gawa magkakaroon ng kaligtasan ang mga kaluluwa ng isang taong pumanaw na kundi sa pamamagitan ng “pananampalataya”. Binigyan diin ni Luther ang relasyon ng tao sa Diyo, ito ay kabaliktaran sa pahayag ng simbahan na ito lamang ang may hawak ng susi sa kalangitan.

Hindi lamang iyon ang mga nailathalang akda ni Luther, marami pang iba gaya na lang ng Address to the Christian Nobility of the German Nation dito hinikayat ni Luther ang Germany na gamitin ang Militar upang palitan ang Simbahanna talakayin ang mga kinaing/ daing ng mga tao ukol dito. SA akda naman niyang The Freedom of a Christian Man dito naman hinakat ni Luther ang kanyang mga tagasunod na magtangkang marating / makamit ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pananalig / pananampalataya sa ating poong maykapal.

Mayroon ding mga tinuring na mahalagang sumunod sa pinasimulang pagtutol ni Luther laban sa mga Gawain at paniniwala ng Simbahang Katoliko. Ito ay sina Ulrich Zwingli (1481-1531) at John Calvin (1509-1564). Sila ang nagpalaganap ng Protestanismo sa Europa. Sa kabilang banda ay makikita rin nila ang ilan sa mga pagkakaiba ng pananaw / paniniwala nina Luther, Zwingli, at Calvin. Ang idea ni Ulrich Zwingli ay nakatuon sa literal na pagbabasa at pagiintindi ng luma at bagong tipan , para sa kanya dapat ng itigil ang mga Gawain na itaguyod ng Simbahan na hindi naman nakasaad sa kasulatan o sa bibliya.

Sa kabiláng bandá ay mayroon din siláng pagkakasalungat gaya na lámang ng paniniwala ni Luther na ang tinapay at alak ng Eukaristiya ay nagsisilbing espiritwal na transpormasyon ng katawan at dugo ni Kristo, subalit para naman kay Zwingli, ang Eukaristiya ay simbolo lámang ng katawan at dugo ni Kristo. Dahil na rin sa pagpupunyagi ni Zwingli ay naging estadong Protestante ang Zurich noong 1523.

Si Calvin, gaya rin ni Zwingli, ay may malaki ring ambag sa paglaganap ng Protestantismo sa Europa. At dahil isang abogado si Calvin ay naimpluwensiyahan siya ng Humanismong Renaissance gaya ni Zwingli. Parehas din sila ni Zwingli ng paniniwala na nasa literal na pagbabasa at pagunawa ng bibliya, ngunit may dinagdag dito si Calvin ang ideya ng pag-oorganisa ng simbahan, pamahalaan at lipunan batay sa literal na pagbabasá at paintindi ng Bibiliya. Naniniwala rin si Calvin sa konsepto ng predestinasyon o ang paniniwala na ang kaligtasan ng kaluluwa ay hindi isang pagpapasya kundi pinagpasyahan ng ating poong maykapal. Ang mga mabubuting tao ang pinipili ng paninoon para sa kaligtasan at ang mga napiling ito ang bubuo ng simbahang Calvinista. At ang mga masasamáng tao ay hindi pipiliin ng panginoon. Ang ideya ng Predestinasyon ay nakapaloob sa akda ni Calvin na Institutes of the Christian Religion. Ang uri ng Protestantismo ay sinunod ni John Calvin sa pangalang niya na tinawag na Calvinismo. Lumaganapdin ito sa iba’t iba pang bansa gawa na lang sa Holland, Hungari, at Bohemia.

Inisyal na diseminasyon

baguhin

Hanggang sa ika-20 dantaon, malawakan pang tinatanggap bílang katotohanan na noong 31 Oktubre 1517, ipinaskil ni Luther and Ninety-five These, na sinulat niya sa Wikang Latin, sa pinto ng Castle Church sa Wittenburg, ayon sa university custom.

Ngunit, ang Catholic Luther researcher na si Erwin Iserloh ay nagsabi na ang pagpapako sa mga sanaysay sa pinto ng simbahan ay isa lámang alamat. Ang kauna-unang nakasulat na talâ ng pangyayaring ito ay mula kay Philipp Melanchthon, na imposibleng maging testigo nito dahil hindi pa siya naging propesor ng Wittenberg University bago pa ang 1518.