Mehiko

Bansa sa Hilagang Amerika

Ang Mehiko (Kastila: México), opisyal na Mehikanong Estados Unidos, ay bansa sa Hilagang Amerika. Pinapaligiran ito ng Estados Unidos sa hilaga, Guatemala, Belise at Dagat Karibe sa timog-silangan, Look ng Mehiko sa silangan, at Karagatang Pasipiko sa kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 1,972,550 km2 at may populasyong halos 130 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Lungsod ng Mehiko.

Mehikanong Estados Unidos
Estados Unidos Mexicanos (Kastila)
Salawikain: La Patria Es Primero
"Una Ang Tinubuang-Lupa"
Awitin: Himno Nacional Mexicano
"Mehikanong Pambansang Himno"
Location of Mehiko
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Lungsod ng Mehiko
19°26′N 99°8′W / 19.433°N 99.133°W / 19.433; -99.133
Wikang opisyal
at pambansa
Kastila
KatawaganMehikano
PamahalaanPampanguluhang republikang pederal
• Pangulo
Andrés Manuel López Obrador
LehislaturaCongreso de la Unión
• Mataas na Kapulungan
Senado de la República
• Mababang Kapulungan
Cámara de Diputados
Kasarinlan 
mula sa Espanya Espanya
16 Setyembre 1810
27 Setyembre 1821
• Kinilala
28 Disyembre 1836
5 Pebrero 1917
Lawak
• Kabuuan
1,972,550 km2 (761,610 mi kuw) (ika-13)
• Katubigan (%)
1.58 (as of 2015)
Populasyon
• Senso ng 2020
126,014,024 (ika-10)
• Densidad
61/km2 (158.0/mi kuw) (ika-142)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2020
• Kabuuan
Increase $2.715 trilyon (ika-11)
• Bawat kapita
Increase $21,362 (ika-64)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2020
• Kabuuan
Increase $1.322 trilyon (ika-15)
• Bawat kapita
Increase $10,405 (ika-64)
Gini (2018)41.8
katamtaman
TKP (2019)Increase 0.779
mataas · ika-74
SalapiPiso ng Mehiko (MXN)
Sona ng orasUTC−8 to −5
• Tag-init (DST)
UTC−7 to −5 (nag-iiba)
Gilid ng pagmamanehokanan
Kodigong pantelepono+52
Internet TLD.mx

Nagsimula ang pagdating ng mga unang tao sa Mehiko mahigit 30,000 taon na ang nakararaan. Makalipas ang ilang libong taon ng pag-unlad ng mga kalinangan, umusbong sa mga lupain ng bansa ang mga kulturang Mesoamerikano, Aridoamerikano at Oasisamerikano. Matapos ang halos 300 taon ng pananaig ng mga Kastila, sinimulan ng mga Mehikano ang maghimagsik upang makamit ang kasarinlang pampulitika noong 1810. Makalipas naman ng halos isang dantaon, naharap ang bansa sa serye ng mga digmaang panloob at pagsalakay ng mga banyaga na kumitil sa buhay ng mga Mehikano. Noong ika-20 dantaon naman (partikular noong unang gitnang bahagi), nagsimulang maranasan ng bansa ang pag-unlad pang-ekonomiya sa pagkakaroon ng pampulitikang pinananaigan ng nag-iisang partidong pampulitika.

Ang Mehiko ang isa sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo: ito ay ika-10 pinakamalaking tagalikha ng langis sa buong mundo, ang pinakamalaking tagamina ng pilak sa buong mundo, at itinuturing na makapangyarihan sa rehiyon at isa sa mga nakaaangat na bansa. Dagdag dito, ang Mehiko ang unang kasapi mula sa Latin Amerika ng Organisasyon para sa Pagtutulungang Pang-ekonomiya at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD) mula pa noong 1994, at itinuturing na bansang kumikita ng higit sa katamtaman ayon sa Bangkong Pandaigdigan (World Bank). Itinuturing din ang Mehiko bilang isang bagong industriyalisadong bansa (newly industrialized country) at isang umaangat na lakas (emerging power). Taglay nito ang ika-labinlimang pinakamalaking nominal na GDP at ikasampung pinakamalaking GDP batay sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity). Ang ekonomiya ng Mehiko ay matatag na nakaugnay sa mga bansang kabilang sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan sa Hilagang Amerika (North American Free Trade Agreement o NAFTA), partikular na ang Estados Unidos. Nakatalá ang Mehiko bilang ikaanim sa mundo at una sa buong Amerika pagdating sa bilang ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO (UNESCO World Heritage Site) na 32, at noong 2010 ay ang ikasampung pinakabinibisitang bansa sa daigdig na may 22.5 milyong turista bawat taon. Ayon sa Goldman Sachs, sa taóng 2050 inaasahang ang Mehiko ay magiging ikalimang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Tinaya naman noong Enero 2013 ng PricewaterhouseCoopers (PwC) na pagdating ng 2050, maaaring maging ikapitong may pinakamalaking ekonomiya ang bansa. Kasapi ang Mehiko sa mga kilalang institusyon gaya ng UN, WTO, G20 at Uniting for Consensus.

Etimolohiya

baguhin
 
Larawan ng Mexico-Tenochtitlan mula sa Codex Mendoza

Pagkatapos matamo ng Bagong Espanya ang kalayaan mula sa Espanya, napagpasyahan na ang bagong bansa ay pangalanan ayon sa kabiserang lungsod nito, ang Lungsod ng Mehiko, na naitatag noong 1524 sa taas ng sinaunang kabiserang Aztec ng México-Tenochtitlan. Ang pangalan ay mula sa Wikang Nahuatl, subalit ang kahulugan nito ay hindi batid. Iminumungkahi na ang pangalan ay hango sa Mextli or Mēxihtli, isang lihim na pangalan para sa diyos ng digmaan at tagapagtaguyod ng mga Aztec, na si Huitzilopochtli, na kung saan ang Mēxihco ay nangangahulugang "pook na kung saan si Mēxihtli ay nakatira".[1]

Isa pang teorya ang nagpapahiwatig na ang salitang Mēxihco na nakuha mula sa mētztli ("buwan"), xictli ("pusod", "sentro" o "anak"), at ang mga panlapi -co(lugar), kung saan ang ito ay nangangahulugan na "pook sa gitna ng ang buwan" o "pook sa gitna ng Lawa ng Buwan", sa pagsangguni sa Lawa ng Texcoco.[2] Ang sistema ng magkakadugtong na mga lawa, kung saan ang Texcoco ay nasa gitna, ay may hugis ng isang kuneho, ang parehong imahen na nakita ng mga Aztecs sa buwan. Ang Tenochtitlan ay matatagpuan sa gitna (o pusod) ng lawa (o kuneho / buwan).[2] Subalit isa paring teorya ang nagpapahiwatig na ito ay nagmula sa Mēctli,ang diyosa ng maguey.

Ang pangalan ng lungsod ay naisalin as Kastila bilang México na may ponetikong x sa medyebal na Espanyol, na kinakatawan ng walang tinig na postalveolar fricative /ʃ/. Ang tunog na ito, pati na rin tininigan postalveolar fricative /ʒ/, na kinakatawan ng j, ay nagbago bilang walang tinig na belar fricative na /x/ noong ika-labing anim na dantaon.[3] Ito ang naging dahilan ng paggamit ng iba sa Méjico sa maraming pahayagan sa Espanyol, lalo na sa Espanya, subalit sa Mehiko at sa ibang mga bansang nagsasalit ng Espanyol, México ang kadalasang ginagamit. Sa mga kamakailang mga taon, ang Real Academia Española, na namamahala sa Wikang Espanyol, ay nagsabi na ang dalawang salita ay katanggap tanggap sa wikang Espanyol, ngunit ang normatibo iminumunghkahi pagbaybay ay ang México.[4] Ang karamihan sa mga palimbagan sa lahat ng bansang nagsasalita ng Espanyol ay sumusunod na sa bagong pagbabaybay na ito, subalit ang alternatibong pagbabaybay ay paminsan minsan ding ginagamit.[5]

Ang opisyal na pangalan ng bansa ay nabago kasabay ng pagbabago ng uri ng pamahalaan nito. sa dalawang okasyon (1821–1823 at 1863–1867), ang bansa ay kilala bilang Imperio Mexicano. Ang lahat ng tatlong saligang batas na pederal (1824, 1857 at 1917, ang kasalukuyang saligang batas) ay ginagamit ang pangalang Estados Unidos Mexicanos[6] o ang isa pa nitong pangalan Estados Unidos mexicanos[7] at Estados-Unidos Mexicanos,[8] kung saan lahat ito ay may salin na "Nagkakaisang Estado ng Mehiko". Ang salitang República Mexicana, ay ginamit sa Saligang Batas ng 1836.[9]

Kasaysayan

baguhin

Bago pa dumating ang mga Europeo, marami nang Katutubong Amerikano ang nakabuo ng kanilang sariling kultura. Ang pinakauna sa lahat ay ang Kultura ng mga Olmeka. Sa tangway ng Yucatan, nanirahan naman ang mga Maya. Ang mga Mayan ay nakatira sa mga lungsod na pinamumunuan ng hari. Ang mga Mayan ay makapangyarihan sa pagitan ng 200 hanggang 900. Isa pang makapangyarihan ay ang mga Teotihuacan. Ang Teotihuacan ay naging pinakamalaking lungsod noong panahon nila. Pagkatapos ng mga Teotihuacan ang mga Tolteka ang naging makapangyarihan. Isang pamosong pinuno ng Toltec at si Quetzalcoatl. Ang kultura ng mga Toltec ay unti-unti rin nawala at napalitan ito ng mga Asteka. Pinangalanan ng mga Aztec ang kanilang Imperyo bilang Mehiko. Isang bantog na pinuno ng Aztec ay si Moctezuma II.

Pagkakahating Administratibo

baguhin
 
Mehiko mula sa kalawakan

Ang Mga Nagkakaisang Estado ng Mehiko ay isang kalipunan ng 31 malalaya at mga estadong soberanya, na bumubuo ng isang unyon na nagbibigay-kapangyarihan sa Distritong Pederal, at sa mga teritoryo nito.

Ang bawat estado ay may sariling saligang batas at kapulungan ng mga kinatawan, pati sariling hudikatura, at ang mga mamamayan nito ang direktang naghahalal ng kanilang sariling gobernador na maglilingkod ng anim na taon, at mga kinatawan ng bawat bayan na maglilingkod naman ng tatlong taon.[10]

Ang Distrito Pederal (Distrito Federal o D.F. sa wikang Kastila) ay isang natatanging dibisyong pulitikal na kabilang sa pederasyon sa kabuuan at hindi sa isang partikular na estado, at dahil dito'y may mas maraming limitadong lokal na batas kaysa sa mga estado ng bansa.

Ang mga estado ay nahahati din sa mga bayan, ang pinakamaliit na sangay ng pamahalaan sa bansa, na pinamumunuan ng isang alkalde o Presidente municipal, na hinahalal ng mayorya ng kanyang nasasakupan.[11]

Pagkakahating Administratibo ng Mehiko
Estado Kabisera Estado Kabisera Estado Kabisera Estado Kabisera
  Aguascalientes Aguascalientes   Federal District Mexico City   Morelos Cuernavaca   Sinaloa Culiacán
  Baja California Mexicali   Durango Durango   Nayarit Tepic   Sonora Hermosillo
  Baja California Sur La Paz   Guanajuato Guanajuato   Nuevo León Monterrey   Tabasco Villahermosa
  Campeche Campeche   Guerrero Chilpancingo   Oaxaca Oaxaca   Tamaulipas Ciudad Victoria
  Chiapas Tuxtla Gutiérrez   Hidalgo Pachuca   Puebla Puebla   Tlaxcala Tlaxcala
  Chihuahua Chihuahua   Jalisco Guadalajara   Querétaro Querétaro   Veracruz Xalapa
  Coahuila Saltillo   Mexico State Toluca   Quintana Roo Chetumal   Yucatán Mérida
  Colima Colima   Michoacán Morelia   San Luis Potosí San Luis Potosí   Zacatecas Zacatecas

Pamahalaan at Pulitika

baguhin
 
Ang Pambansang Palasyo, simbolikong luklukan ng Ehekutibo

Ang Nagkakaisang Estado ng Mehiko ay isang pederasyon na ang pamahalaan ay kinakatawan, demokratiko at republikano batay sa sistemang pampanguluhan (presidential) ayon sa konstitusyon ng 1917. Ang konstitusyon ay nagtatatag ng tatlong antas ng pamahalaan: ang unyong pederal, ang mga pamahalaan ng estado, at ang mga pamahalaan ng mga bayan. Ang lahat ng opisyal nang tatlong antas ay inihahalan ng mga botante sa pamamagitan ng paramihan ng boto, representasyong proporsyunal o ang pagtatatalaga ng sa iba ng mga hala na opisyal.

Ang pamahalaang pederal ay hinirang ng Kapangyarihan ng Unyon; ang tatlong magkakahiwalay na sangay ng pamahalaan ay ang mga sumusunod:

Tagapagbatas

baguhin

Lehislatura: ang batasan ng Mehiko ay nahahati sa dalawang kapulungan, binubuo ito ng Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan, na gumagawa ng mga batas pederal, nagdedeklara ng digmaan, nagpapataw ng buwis, nagpapasa ng pambansang badget at mga kasunduang panlabas, at nagpapatibay ng mga diplomatikong tipanan.[12]

Tagapagpaganap

baguhin

Tagapagpaganap: ang Pangulo ng Nagkakaisang Estado ng Mehiko, ay ang pinuno ng estado at pamahalaan, at pati ang commander-in-chief ng sandatahang lakas ng Mehiko. Nagtatalaga din ang Pangulo ng Mehiko ng mga Gabinete at iba pang mga opisyal. Ang pangulo ay responsable sa pagpapairal at pagpapatupad ng mga batas, at may kapangyarihang mag-veto ng mga panukalang batas.[13]

Panghukuman

baguhin

Panghukuman: Ang Kataastaasang Hukuman ng Katarungan, na binubuo ng labing isang hukom na itinalaga ng Pangulo na pinagtibay ng Senado, ay ang nagpapaliwanag ng mga batas at naghahatol sa mga kasong pampederal. Ang iba pang institusyon ng hudikatura ay ang hukumang elektoral, hukumang pang-unibersidad, unitaryo at mga hukumang pandistrito, at ang Lupon ng mga Hukumang Pederal.[14]

Ekonomiya

baguhin

Turismo

baguhin

Pangkaraniwan na ang Mehiko ay isa sa mga pinakamalimit bisitahing bansa sa buong mundo, ayon sa Organisasyon ng Pandaigdigang Turismo, at isa sa mga pinakamadalas dalawing bansa sa Amerika, sunod lamang sa Estados Unidos. Ang kapansin-pansing mga atraksiyon dito ay ang mga labì ng mga Meso-Amerikano, ang mga kultural na pagdiriwang, mga lungsod-kolonyal, mga likha ng kalikasan at mga dalampasigan. Ang katamtamang klima ng bansa at ang kakaibang kultura nito – isang pagsasanib ng kulturang Europeo at Meso-Amerikano – ang sanhi upang maging kaakit-akit na destinasyon ang Mehiko. Ang panahon kung saan may pinakamataas silang bilang ng mga turista ay tuwing Disyembre at kalagitnaan ng tag-init, at manaka-naka rin tuwing linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay at Bakasyon sa Tagsibol (Spring Break), kung saan ang mga dalampasigang bakasyunan (beach resort) ay nagiging popular na puntahan ng mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa Estados Unidos.

Taglay ng Mehiko ang ika-23 pinakamataas na kita mula sa turismo sa buong mundo, at pinakamataas sa buong Latin Amerika. Ang malaking bahagi ng mga turista ay mula sa Estados Unidos at Canada, na sinundan ng mga taga-Europa at Asya. May maliit na bilang ding mula sa iba pang mga bansa sa Latin Amerika. Sa ulat noong 2011 sa Travel and Tourism Competitiveness Index, nakaluklok ang Mehiko bilang ika-43 sa buong mundo, na ikaapat naman sa buong Amerika.

Ang baybayin ng Mehiko ay tahanan ng napakahahabang mga dalampasigan, na madalas bisitahin ng mga mahilig magbilad sa araw at iba pang mga bisita. Sa tangway ng Yucatán, isa sa mga pinakasikat na puntahang dalampasigan ay ang bakasyunang-bayan ng Cancún, lalo na sa mga mag-aaral ng pamantasan tuwing bakasyon ng tagsibol. Sa di-kalayuang pampang nito ay ang dalampasigang isla ng Isla Mujeres, at sa silangan nito ay ang Isla Holbox. Sa timog ng Cancún ay ang pirasong baybayin (coastal strip) nitong tinatawag na Riviera Maya, na kinabibilangan ng dalampasigang bayan ng Playa del Carmen at ang mga parkeng makakalikasan (ecological park) tulad ng Xcaret at Xel-Há. Ang isang araw lang na biyahe patungong timog ay ang makasaysayang pantalan ng Tulum. Dagdag sa mga dalampasigan nito, ang bayan ng Tulum ay bantog sa matarik na dalisdis ng mga labìng Maya.

Sa baybaying Pasipiko naman ay ang tanyag ng puntahan ng mga turista na Acapulco. Minsang naging puntahan ng mga mayayaman at kilala, ang mga dalampasigan nito ngayo'y napupunô na ng mga tao at ang mga baybayin nito'y tahanan na ng maraming nagtatayugang hotel at mga manininda. Ang Acapulco ay tahanan din ng mga kilalang tumatalon sa talampas: mga sinanay na tumatalon mula sa gilid ng isang mataas na talampas paibaba.

Sa dulong katimugan ng talampas ng Baja California ay ang bakasyunang-bayan ng Cabo San Lucas, isang bayang kilala sa mga dalampasigan at pangingisda ng mga marlin. Sa hilagang bahagi sa may Dagat ng Cortés ay ang Bahía de La Concepción, isa pang bayang dalampasigang kilala sa palakasan sa pangingisda (sports fishing). Malapit naman sa hangganan ng Estados Unidos ay ang weekend draw ng San Felipe, Baja California.

Demograpiya

baguhin

Ayon sa pinakabagong opisyal na tantiya, nai-ulat na ang populasyon ay nasa 111 milyon, at ang Mehiko ang naging pinakamataong bansa na nagsasalita ng Espanyol sa buong mundo.[15] Malaki ang ibinaba ng taunang pagdami ng populasyon ng Mehiko, mula sa pinakamataas nitong 3.5% noong 1965 hanggang 0.99% noong 2005.

Ang antas ng pagkamatay noong 1970 ay nasa 9.70 bawat isang libo katao, ang antas na ito ay bumaba sa 4.9 sa bawat 1000 lalaki at 3.8 sa bawat 1000 babae. Ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkamatay noong 2001 ay mga problema o sakit sa puso (14.6% sa lalaki 17.6% sa babae) at kanser (11% sa lalaki at 15.8% sa babae).

Ang populasyon ng Mehiko ay papataas na urban, na malapit sa 75% ay naninirahan sa mga kalungsuran. Ang limang pinakamalaking lungsod sa Mehiko ay ang (Greater Mexico City, Greater Guadalajara, Greater Monterrey, Greater Puebla at Greater Toluca), kung saan 30% ng populasyon ng bansa ay nakatira dito.

Mga Wika

baguhin
 
Isang mapang nagpapakita ng distribusyon ng mga mananalita ng mga pangunahing katutubong wika sa Mehiko

Ang bansa ang may pinakamalaking populasyon na nagsasalita ng wikang Kastila sa buong mundo, na kumakatawan sa isang-katlo ng lahat ng taal na mananalita ng nasabing wika.[15][16]

Ang Mehiko rin ay tahanan ng maraming katutubong mga wika, na sinasalita ng mga 5.4% ng populasyon – 1.2% ng populasyon ay iisang wika lamang mula sa mga ito ang sinasalita.[17] Ang mga katutubong wikang may pinakamaraming mananalita ay ang Nahuatl, na sinasalita ng tinatayang 1.45 milyong katao,[18] ang Yukatek Maya na sinasalita ng mahigit 750,000 katao, at mga wikang Mixtec[19] at Zapotec,[20] na sinasalita ng mahigit 400,000 katao.

Kinikilala ng Pambansang Surian ng mga Katutubong Wika (INALI sa daglat-Kastila) ang 68 pangkat-lingguwistiko at mga 364 iba't ibang tanging diyalekto ng mga katutubong wika.[21] Mula noong ipatupad ang Batas sa Karapatang Pangwika ng mga Katutubo noong 2003, nagkaroon ng pagtingin sa mga wikang ito bilang mga pambansang wika, na may pantay na pagkilala tulad ng wikang Kastila sa lahat ng lugar at konteksto kung saan ito sinasalita.[22]

Karagdagan sa mga katutubong wika, may mga minoryang wikang sinasalita ng populasyong migrante, gaya ng 80,000 Menonita sa Mehiko na mananalita ng wikang Aleman,[23] at ang 5,000 mananalita ng diyalektong Chipilo ng wikang Beneto (Venetian) na sinasalita sa Chipilo, Puebla.

Relihiyon

baguhin

Walang opisyal na relihiyon ang Mehiko, ang konstitusyon ng 1917 at ang mga batas laban sa klerigo ay nagpapataw ng mga limitasyon sa simbahan. Ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng tulong pananalapi sa simbahan, at hindi rin sumasali ang simbahan sa pampublikong edukasyon.

Ayon sa ulat ng huling senso, ayon sa sariling pagpapalagay, na ang 95% ng populasyon ay mga Kristiyano. 89% ng kabuuang populasyon ay Katoliko Romano,[24] 47% dito ay lingguhan na nagsisimba.[25] Sa kabuuan, ang Mehiko ay ang ikalawang bansang pinakamaraming Katoliko sa buong mundo pagkatapos ng Brazil.[26]

Nasa 6% ng populasyon (mahigit sa 4.4 milyon katao) ay mga Protestante[24], at ang mga Pentecostal at Karismatiko (tinatawag na Neo-Pentecostals sa senso) ang pinakamalaking pangkat (1.37 milyon katao).[24] May mangilan-ngilan ding bilang ng Adbentista ng Ika-pitong Araw (0.6 milyon katao).[27] Ang pambansang senso noong 2000 ay nabilang ang mahigit sa isang milyong mga Saksi ni Jehovah.[24] Ang Simbahan ng mga Mormon ay inihayag na mayroong higit sa isang milyong rehistradong kasapi noong 2009.[28] Nasa 25% ng rehistradong mga kasapi ay nadalo ng lingguhang paglilingkod sa sakramento subalit ito ay maaaring tumaas at bumaba.[29]

Noong 1992, inalis ng Mehiko ang lahat ng restriksiyon sa Simbahang Katoliko at sa ibang relihiyon, kasama na ang pagbibigay sa lahat ng relihiyon ng estadong legal, pagpapayag na sila ay magkaroon ng limitadong karapatang mag-ari, at ang pag-alis sa restriksiyon sa dami ng pari sa bansa.[30] Hanggang kamakailan lang, ang mga pari ay walang karapatang humalal, at hanggang ngayon ay hindi sila maaaring tumakbo sa pamahalaan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Aguilar-Moreno, Manuel (2006). Handbook to Life in the Aztec World. Facts of Life, Inc. p. 19. ISBN 0-8160-5673-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 (sa Kastila) "Nombre del Estado de México". ng Gobyerno ng Estado ng Mexico. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-27. Nakuha noong 2007-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Evolution of the pronunciation of "x"". Real Academia Española. (sa Kastila)
  4. "Diccionario Panhispánico de Dudas". Real Academia Española. (sa Kastila)
  5. "Mexico". Online Dictionary. Merriam-Webster.
  6. "El cambio de la denominación de "Estados Unidos Mexicanos" por la de "México" en la Constitución Federal". Ierd.prd.org.mx. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-11. Nakuha noong 2009-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Federal Constitution of the United Mexican States (1824) Tarton Law Library. Jamail Center for Legal Research". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-20. Nakuha noong 2010-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Constitución Mexicana de 1857 (sa Kastila)
  9. Leyes Constitucionales de 1836 Naka-arkibo 2016-01-14 sa Wayback Machine.. Cervantes Virtual (sa Kastila)
  10. "Article 116". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-13. Nakuha noong 2007-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Article 115". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-13. Nakuha noong 2007-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Articles 50 to 79". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-13. Nakuha noong 2007-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Articles 80 to 93". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-13. Nakuha noong 2007-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Articles 90 to 107". Political Constitution of the United Mexican States. Congress of the Union of the United Mexican States. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-13. Nakuha noong 2007-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "Spanish Language History". Today Translations. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-04-17. Nakuha noong 2007-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Título Primero, Capítulo I, De las garantías individuales" (PDF). Constitución Política de los Estados Unidos Mexicanos (sa wikang Kastila). Congress of the Union of the United Mexican States. 19 Hun 2007. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Hulyo 2011. Nakuha noong 02 Okt 2007. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  17. "POBLACIÓN DE 5 AÑOS Y MÁS POR ENTIDAD FEDERATIVA, SEXO Y GRUPOS LENGUA INDÍGENA QUINQUENALES DE EDAD, Y SU DISTRIBUCIÓN SEGÚN CONDICIÓN DE HABLA INDÍGENA Y HABLA ESPAÑOLA" (PDF) (sa wikang Kastila). INEGI, México. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2008-01-02. Nakuha noong 13 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. INEGI (Instituto Nacional de Estadísticas, Geografia e Informática) (2005). Perfil sociodemográfica de la populación hablante de náhuatl (PDF). XII Censo General de Población y Vivienda 2000 (sa wikang Kastila) (ika-Publicación única (na) edisyon). Aguascalientes, Mex.: INEGI. ISBN 970-13-4491-X. Nakuha noong 02 Dis 2008. {{cite book}}: Check date values in: |accessdate= (tulong); Unknown parameter |authorformat= ignored (tulong)
  19. Senso ng 2000; ang mga bilang ay batay sa numero ng kabuuang populasyon ng bawat pangkat at ang mga bahagdan ng mananalitang ibinigay ng websayt ng Comisión Nacional para el Desarrollo de los Pueblos Indígenas, http://www.cdi.gob.mx/index.php?id_seccion=660 Naka-arkibo 2019-09-15 sa Wayback Machine., hinango noong 28 Hul 2008).
  20. "Catalogo de las lenguas indígenas nacionales: Variantes lingüísticas de México con sus autodenominaciones y referencias geoestadísticas" (sa wikang Kastila). Instituto Nacional de Lenguas Indígenas. 16 Nob 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-16. Nakuha noong 17 Hul 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. INALI [Instituto Nacional de Lenguas Indígenas] (14 Ene 2008). "Catálogo de las lenguas indígenas nacionales: Variantes lingüísticas de México con sus autodenominaciones y referencias geoestadísticas" (PDF online facsimile). Diario Oficial de la Federación (sa wikang Kastila). México, D.F.: Imprenta del Gobierno Federal, SEGOB. 652 (9): 22–78 (first section), 1–96 (second section), 1–112 (third section). OCLC 46461036. {{cite journal}}: Unknown parameter |authorformat= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Ley General de Derechos Lingüísticos de los Pueblos Indígenas (General Law of the Rights of the Indigenous Peoples)" (PDF) (sa wikang Kastila). CDI México. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2007-09-25. Nakuha noong 02 Okt 2007. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  23. "The Mennonite Old Colony Vision: Under siege in Mexico and the Canadian Connection" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2007-02-05. Nakuha noong 30 Mayo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 24.2 24.3 "Religión" (PDF). Censo Nacional de Población y Vivienda 2000. INEGI. 2000. Nakuha noong 2 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Church attendance". Study of worldwide rates of religiosity. University of Michigan. 1997. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-01. Nakuha noong 2007-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "The Largest Catholic Communities". Adherents.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-21. Nakuha noong 2007-11-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Religious Liberty Thriving, Government Official Tells Adventist Leaders
  28. "Mexico, Country profile". The Church of Jesus Christ of the Latter-Days Saints Newsroom. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-25. Nakuha noong 2009-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Ludlow, Daniel H. (1994). Encyclopedia of Mormonism. pp. 4:1527.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Mexico". International Religious Report. U.S. Department of State. 2003. Nakuha noong 2007-10-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin