Tenochtitlan
Tenochtitlan (Wikang Nahuatl: Tenōchtitlan binibigkas [tenoːt͡ʃˈtit͡ɬan]; Espanyol: Tenochtitlán), na kilala rin bilang Mexico-Tenochtitlan (Wikang Nahuatl: Mēxihco Tenōchtitlan binigkas [meːˈʃiʔko tenoːt͡ʃˈtit͡ɬan]; Espanyol: México-Tenochtitlán) ay ngayon, ang makasaysayang sentro ng Lungsod ng Mehiko. Ang eksaktong petsa ng pagkakatatag ng lungsod ay hindi malinaw. Ang petsa noong Marso 13 1325 ay napili noong 1925 upang ipagdiwang ang ika-600 anibersaryo ng lungsod. Ang lungsod ay itinayo sa isang isla sa dating Lawa na Texcoco sa Lambak ng Mehiko. Ang lungsod ay ang kabisera ng lumalawak na Imperyo ng Aztek noong ika-15 siglo hanggang sa makuha ito ng mga Espanyol noong 1521.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.