Ang UTC (Ingles: Coordinated Universal Time, lit. na 'Pangkalahatang Tugmang Oras') ay ang pangunahing pamantayang oras na kung saan inaayos ng mundo ang mga orasan at oras. Nasa loob ito ng isang segundo ng gitnang oras ng solar (tulad ng UT1) sa 0° longhitud (sa Reperensyang Meridiyanong IERS bilang kasalukuyang ginagamit na punong meridyano) at hindi inakma para sa daylight saving time (o oras na nakapagtitipid ng liwanag ng araw). Ito ang epektibong kahalili sa Greenwich Mean Time (GMT) o Gitnang Oras ng Greenwich.

Kasalukuyang mga sona ng oras

Nagsimula noong Enero 1, 1960 ang koordinasyon ng oras at prekuwensya ng mga transmisyon sa mundo. Unang opisyal na pinagtibay ang UTC bilang Rekomendasyong CCIR 374, Standard-Frequency and Time-Signal Emissions, noong 1963, subalit ang opisyal na pagdadaglat ng UTC at ang opisyal na pangalang Ingles (kasama ang katumbas sa Pranses) ay hindi pinagtibay hanggang noong 1967.[1]

Binago ng ilang beses ang sistema, kabilang ang maikling panahon na ang koordinasyong-oras ng mga sensyas ng radyo ay sinamhimpapawid sa parehong UTC at "Stepped Atomic Time (SAT)" bago naipatupad ang bagong UTC noong 1970 at naipatupad noong 1972. Pinagtibay din ng pagbabagong ito ang segundong bisyesto upang simplehan ang mga pag-aakma sa hinaharap.[2] Pinagtibay ng Pangkalahatang Pagpupulong sa mga Bigat at Sukat ang isang resolusyon na baguhin ang UTC sa isang bagong sistema na tatanggalin ang segundong bisyesto sa 2035.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. McCarthy 2009, p. 4.
  2. McCarthy 2009, p. 5.
  3. "Resolutions of the General Conference on Weights and Measures (27th Meeting)". Bureau Internatioonal des Poids et Mesures (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Nobyembre 2022. Nakuha noong 19 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)