Tomoyuki Yamashita
Si Heneral Tomoyuki Yamashita (山下 奉文 Tomoyuki Yamashita, Nobyembre 8, 1885 - Pebrero 23, 1946) ay isang heneral ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ang pinakakilala sa pananakop ng mga kolonya ng Britanya sa Malaya at Singapore, kaya't binansagan siya bilang Ang Tigre ng Malaya. Siya ang komandanteng heneral ng mga pwersang Hapones sa Pilipinas noong mga huling yugto ng digmaan. Pinaurong niya ang mga tropa ng sundalong Hapones para masagip ang lungsod dahil sa pagdating ng mga sundalong Amerikano noong Oktubre 20, 1944 hanggang Setyembre 2, 1945, at ang kasama ay nasa loob ng mga sundalong Pilipino at mga kumilalang gerilya ay inihanda ng kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas. Ginawaran siya ng parusang kamatayan dahil sa mga krimeng pandigmaan.[2]
Tomoyuki Yamashita | |
---|---|
8 Nobyembre 1885 - 23 Pebrero 1946 | |
Heneral Tomoyuki Yamashita | |
Bansag | Ang Tigre ng Malaya |
Pook ng kapanganakan | Prepektura ng Kōchi, Hapon |
Pook ng kamatayan | Maynila, Pilipinas |
Pinapanigan | Imperyo ng Hapon |
Palingkuran/sangay | Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon |
Taon ng paglilingkod | 1905 -1945 |
Hanay | Heneral |
Atasan | IJA[1] ika-4 na Dibisyon, IJA ika-25 Hukbong-Katihan, IJA ika-1 Hukbong-Katihan, IJA ika-14 na Hukbong-Katihang Pampook |
Labanan/digmaan | Ikalawang Digmaang Sino-Hapones Ikalawang Digmaang Pandaigdig Labanan sa Malaya Labanan sa Singapore Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas (1941-1945) |
- Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Yamashita.
Sanggunian
baguhin- ↑ Imperial Japanese Army / Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon
- ↑ Karnow, Stanley (1989). "Tomoyuki Yamashita". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)