Kasaysayan

pag-aaral sa nakaraan

Ang kasaysayan o historya (Kastila: historia, Ingles: history) ay ang pag-aaral sa nakalipas na panahon.[2] Tipikal na tinutukoy ng salitang ito ang mga pangyayaring nakatala; ang mga pangyayaring naganap bago naimbento ang mga sistema ng pagsulat ay tinatawag naman na prehistorya (Kastila: prehistoria) o prehistorikong kasaysayan. Ang mga nag-aaral sa kasaysayan ay tinatawag na historyador. Gumagamit sila ng mga dokumentong nakasulat, mga pinagpasa-pasahang kuwento (alamat, epiko, kuwentong-bayan, atbp.), sining, artipakto, at palantadaan sa kalikasan para malaman ang mga nangyari sa isang partikular na bahagi ng nakaraan.[3]

Herodotus, madalas ituring na ama ng kasaysayan
Si Herodotus (c. 484 BKP — c. 425 BKP) ang madalas na ituring na "ama ng kasaysayan."

Silang mga 'di makaalala sa nakaraan ay mahahatulang uulitin ito.[1]

George Santayana, The Life of Reason (1905)

Maaaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa sa iba, at may mga uso ang pag-aaral sa kasaysayan (tignan historiograpiya). Tinatawag na bago ang kasaysayan ang mga pangyayaring bago Kadalasang sinasabi na nababalutan ng kaalaman sa kasaysayan ang parehong kaalaman sa nakaraang pangyayari at makakasaysayang pag-iisip na kasanayan, dahil:

  1. Nakatutulong sa paghahanda para sa hinaharap.
  2. Nakatutulong upang malinang ating kasanayan at kaasalan.
  3. Nakatutulong upang malutas o lutasin ang kasalukuyang suliranin.
  4. Nalilinang ang pakikipagkapwa.

Makasaysayang metodo

Ang makasaysayang metodo ay binubuo ng mga pamamaraan at patnubay kung paano ang mga historyador ay gumagamit ng mga primary source at iba pang katunayan para magsaliksil at magsulat ng kasaysayan.

Si Herodotus ng Halicarnassus (484 BC – ca.425 BC)[27] ay malawakang itinuturing na "Ama ng Kasaysayan". Gayon pa man, ang kaniyang kontemporaryo na si Thucydides (ca. 460 BC – ca. 400 BC) ay credited sa pagkakaroon ng kauna-unahang mahusay na historical method sa kaniyang akdang Kasaysayan ng Digmaang Peloponnesian. Hindi tulad ni Herodotus, tinuring ni Thucydides ang kasaysayan bílang produkto ng mga pagpili at ginawa ng mga tao, at tiningnan din niya ito bílang sanhi at bunga, sa halip na resulta ng divine intervention.[27]Sa kaniyang historical method, binigyang-diin ni Thucydides ang kronolohiya, ang neutral point of view, at na ang mundo ng mga tao ay bunga ng mga ginawa ng mga tao. Tinuturing din ng mga Griyegong historyador ang kasaysayan bílang sikliko, at ang mga pangyayari ay umuulit lámang nang umuulit.[28]

Etimolohiya

Ang salitang "historya" ay mula sa salitang Griyego na historia, na ang ibigsabihin ay "inkuwiri", "kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon" o "hukom". Sa Tagalog, ang "kasaysayan" ay nagmula sa salitang-ugat na "saysay" na kasingkahulugan ng "kuwenta" o "halaga", dahil ito ang pag-aaral sa "kuwenta" o "halaga" ng mga pangyayari sa nakaraan.

Historiko at Prehistoriko

Ang kasaysayan ng mundo ay ang alaala at mga homo sapiens sapiens sa buong daigdig, dahil ang mga karanasang ito ay naipreserba at naitalâ ng mga historyador at mga karnaiwang tao. Sa kabiláng banda, ang mga "prehistoriko" na mga pangayayari ay ang nagmula sa pagbawi ng mga kaalaman ng nakaraan kung saan walang mga kasulatan at naitalâ, o kung saan ang pagsulat ng isang kultura ay hindi ma-decipher. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga pinta, guhit, nililok, at iba pang mga artepakto, may mga impormasyon na narerekober sa kabila ng kawalan ng mga nakasulat na talâ. Buhat noong ikadalawampung siglo, ang pag-aaral ng prehistori ay itunuturing na mahalaga upang maiwasan ang hindi sinasadyang eksklusyon ng ilang mga kabihasnan.

Pagkiling (bias)

Sa karamihan ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay ginagamit ng instreumento upang buhayin ang nasyonalismo at patriotismo.

Sa karamihan din ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay iniisponsor ng pambansang pamahalaan at isinusulat nang nakasensor at kadalasa'y ipinakikita lámang ang mga kabutihang inambag ng bansa nito sa kasaysayan. Halimbawa, sa bansang Hapón, hindi binabanggit ang Masaker sa Nanking sa mga teksbuk at ang buong Ikalawang Digmaang Pandaigdigis ay pahapyaw lang na itinuturo. Naging polisiya rin sa mga bansang komunista na ipresenta lámang ang rigid na Marxist historiography.[68][69] Sa ika-21 siglong Alemanya, ang kurikulum ng kasaysayan ay kinokontrol ng labing-anim na estado, at mailalarawang "almost pacifistic and deliberately unpatriotic undertone" at sumasalamin sa "principles formulated by international organizations such as UNESCO or the Council of Europe, thus oriented towards human rights, democracy and peace." at hindi ng superpatriotism. Ang resulta ay "German textbooks usually downplay national pride and ambitions and aim to develop an understanding of citizenship centered on democracy, progress, human rights, peace, tolerance and Europeanness."

Tingnan din

  1. orihinal: "Those who cannot remember the past are condemned to repeat it." The Information Architects of Encyclopaedia Britannica. "George Santayana: Quotes". Britannica (sa Ingles). Nakuha noong Disyembre 6, 2021.
  2. "kasaysayan". Diksyonaryo.ph. Nakuha noong Disyembre 6, 2021.
  3. Arnold, John H. (2000). History: A Very Short Introduction [Kasaysayan: Isang Napakaiksing Pagpapakilala] (sa Ingles). New York, Estados Unidos: Oxford University Press. ISBN 019285352X.