Ang teolohiya ay ang sistematikong pag-aaral ng kalikasan ng dibino, o paniniwalang panrelihiyon sa mas malawak na depinisyon. Tinuturo ito bilang isang disiplinang akademiko, karaniwan sa mga pamantasan at seminaryo.[1] Sinasakop ang sarilli nito ng kakaibang nilalaman ng pag-analisa ng sobrenatural, subalit tinatalakay din ang epistemolohiyang panrelihiyon, tinatanong at hinahanap ang sagot sa tanong ng paghahayag. Nauukol ang paghahayag sa pagtanggap sa Diyos, mga diyos, o deidad, bilang hindi lamang transendente o higit sa likas na mundo, kundi handa at kayang makipag-ugnayan sa likas na mundo at magpakita sila sa sangkatauhan.

Gumagamit ang mga teologo ng mga anyo ng pagsusuri at argumento (pangkaranasan, etnograpiko, pangkasaysayan, at iba pa) upang makatulong sa pagkaunawa, paliwanag, pagsubok, pagpuna, pagdepensa o pagsulong na anumang maraming paksang panrelihiyon. Tulad sa pilosopiya ng etika at hurisprudensya, kadalasang pinapalagay ang mga argumento ng pagkakaraoon ng nakaraang naresolbang mga tanong, at ginagawa ang argumento sa pamamagitan ng pagkakatulad mula sa mga ito upang makakuha ng bagong hinuha sa bagong mga situwasyon.

Maaring makatulong ang pag-aaral ng teolohiya sa teologo na mas malalim pa nilang malaman ang sarili nilang tradisyong panrelihiyon,[2] isa pang tradisyong panrelihiyon,[3] o maaaring itong magbigay-daan sa kanila na tuklasin ang kalikasan ng dibinidad nang walang pagtukoy sa anumang partikular na tradisyon. Maaring gamitin ang teolohiya sa pagpapalaganap,[4] reporma,[5] o bigyang-katwiran ang tradisyong panrelihiyon; o maari itong gamitin upang ihambing,[6] hamunin (halimbawa, kritisismong pambibliya), o salungatin (halimbawa, irrelihiyon) ang isang tradisyong panrelihiyon o pananaw sa mundo. Maari din makatulong ang teolohiya sa isang teologo matugunan ang kasalukuyang situwasyon o pangangailangan sa pamamagitan ng tradisyong panrelihiyon,[7] o upang siyasatin ang posibleng mga paraan ng pagbibigay kahulugan sa mundo.[8]

Etimolohiya

baguhin

Hango ang katawagan mula sa Griyego na theologia (θεολογία), isang kombinasyon ng theos (Θεός, 'diyos') at logia (λογία, 'mga pananalita, mga kasabihan, mga orakulo')—ang huling salita ay may kaugnayan sa Griyegong logos (λόγος, 'salita, diskurso, salaysay, pangangatwiran').[9][10] Naipasa ang katawagan sa Latin bilang theologia, at pagkatapos sa Kastila bilang teología, at kalaunan sa Tagalog bilang teolohiya.

Pilosopiyang klasiko

baguhin
 
Sina Platon (kaliwa) at Aristoteles sa fresco ni Raphael noong 1509 na Ang Paaralan ng Atenas

Ginamit ang Griyegong theologia (θεολογία) na nangangahulugang 'diskurso sa Diyos' noong mga 380 BC ni Platon sa Ang Republika.[11] Hinati ni Aristoteles ang pilosopiyang teoretikal sa mathematike, physike, at theologike, na ang huli ay tumutugma sa metapisika, na, para kay Aristotle, kinabibilangan ng diskurso sa kalikasan ng dibino.[12]

Kinuha sa mga magpagkukunang Estoikong Griyego, ipinagkaiba ng manunulat na Latin na si Varron ang tatlong anyo ng ganoong diskurso:[13]

  1. mitikal, tungkol sa mga mito ng mga diyos ng mga Griyego;
  2. rasyonal, pagsusuring pampilosopiya ng mga diyos at kosmolohiya; at
  3. sibil, tungkol sa mga rito at tungkulin ng mga ng publikong seremonyang panrelihiyon.

Kalaunang paggamit

baguhin

Sinundan ng ilan sa mga may-akdang Kristiyanong Latin, tulad nina Tertuliyano at Agustin ang pinagtatlong gamit ni Varron.[13][14] Bagaman, binigyan kahulugan din ni Agustin ang theologia bilang ang "pangangatuwiran o diskusyon tungkol sa Deidad".[15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "theology" (sa wikang Ingles). Wordnetweb.princeton.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2012. Nakuha noong 2012-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tingnan, halimbawa, Migliore, Daniel L. 2004. Faith Seeking Understanding: An Introduction to Christian Theology (ika-2 ed.) Grand Rapids: Eerdmans. (sa Ingles)
  3. Tingnan, halimbawa, Kogan, Michael S. 1995."Toward a Jewish Theology of Christianity." Journal of Ecumenical Studies 32(1):89–106. Inarkibo mula sa online noong 15 Hunyo 2006. (sa Ingles)
  4. Tingnan, halimbawa, Dormor, Duncan, et al., mga ed. 2003. Anglicanism, the Answer to Modernity. London: Continuum. (sa Ingles)
  5. Tingnan, halimbawa, Spong, John Shelby. 2001. Why Christianity Must Change or Die. New York: Harper Collins. (sa Ingles)
  6. Tingnan, halimbawa, Burrell, David. 1994. Freedom and Creation in Three Traditions. Notre Dame: University of Notre Dame Press. (sa Ingles)
  7. Tingan, halimbawa, Gorringe, Timothy. 2004. Crime, (Changing Society and the Churches Series). London: Society for Promoting Christian Knowledge. (sa Ingles)
  8. Tingnan, halimbawa, ang pagpapatakpan ni Anne Hunt Overzee sa pananaw ni Ricœur (1913–2005) tungkol sa tungkulin at gawain ng 'teologo': "Paul Ricœur speaks of the theologian as a hermeneut, whose task is to interpret the multivalent, rich metaphors arising from the symbolic bases of tradition so that the symbols may 'speak' once again to our existential situation." Overzee, Anne Hunt. 1992. The Body Divine: The Symbol of the Body in the Works of Teilhard de Chardin and Ramanuja Naka-arkibo 2023-03-26 sa Wayback Machine., (Cambridge Studies in Religious Traditions 2). Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 978-0521385169. Hinango noong 5 Abril 2010. p. 4. (sa Ingles)
  9. Ang nag-aakusang maramihan ng pangngalang pambalana na λόγιον; cf. Bauer, Walter, William F. Arndt, F. Wilbur Gingrich, at Frederick W. Danker. 1979. A Greek–English Lexicon of the New Testament (ika-2 ed.). Chicago: University of Chicago Press. p. 476. (sa Ingles) Para sa mga halimbawa ng λόγια sa Bagong Tipan, cf. Mga Gawa 7:38; Roma 3:2; 1 Pedro 4:11.
  10. Scouteris, Constantine B. [1972] 2016. Ἡ ἔννοια τῶν ὅρων 'Θεολογία', 'Θεολογεῖν', 'Θεολόγος', ἐν τῇ διδασκαλίᾳ τῶν Ἑλλήνων Πατέρων καί Ἐκκλησιαστικῶν συγγραφέων μέχρι καί τῶν Καππαδοκῶν [The Meaning of the Terms 'Theology', 'to Theologize' and 'Theologian' in the Teaching of the Greek Fathers up to and Including the Cappadocians] (sa Griyego). Atenas. pp. 187.
  11. Adam, James. 1902. The Republic of Plato 2.360C Naka-arkibo 2020-10-27 sa Wayback Machine.. Cambridge. Cambridge University Press. (sa Ingles)
  12. Aristotle, Metaphysics, Book Epsilon. Naka-arkibo 2008-02-16 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  13. 13.0 13.1 Agustin, City of God VI Naka-arkibo 2006-12-13 sa Wayback Machine., ch. 5. (sa Ingles)
  14. Tertuliyano, Ad Nationes II Naka-arkibo 2007-05-13 sa Wayback Machine., ch. 1. (sa Ingles)
  15. Agustin ng Hipona. City of God Book VIII. i.. Naka-arkibo 2008-04-04 sa Wayback Machine.: "de divinitate rationem sive sermonem." (sa Ingles)