Ang pangangatwiran (Ingles: justification[1]) ay kung ano ang ginagawa natin kapag kumukuha tayo ng impormasyon na ibinigay sa atin, ihambing ito sa kung ano ang alam na natin, at pagkatapos ay gumawa ng konklusyon.

Isaalang-alang

baguhin

Sa isang mabisang pangangatwiran, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang ipagmamatuwid
  • Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
  • May sapat na katwiran at katibayang pakapagpapatunay sa pagmamatuwid
  • Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat
  • Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.

Pakikipagdebate

baguhin

Isang paraan upang maipakita ang kasanayan sa pangangatwiran ay sa pamamagitan ng pakikipagdebate. Ito ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagbibigay-katwiran sa isang proposisyon o paksang napagkasunduan nilang pagtalunan. Kadalasan, binibigkas ang pagtatalo subalit mayroon din namang pasulat.

Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pakikipagdebate

baguhin

Pangangalap ng Datos

baguhin

Ito ang mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang mga ito sa napapanahong aklat, sanggunian, magasin at pahayagan. Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng mga datos: ang sariling karanasan at ang pagmamasid ng ibang awtoridad sa paksa. Maituturing na awtoridad ang isang tao kung siya ay dalubhasa o kilala sa kanyang larangan.

Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran. Sa ibang salita, ito'y pinaikling pakikipagdebate. Mayroon itong simula, katawan at wakas.

  1. Simula - inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu.
  2. Katawan - inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin. Bawat isyu ay binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa manig na ipinagtatanggol.
  3. Wakas - ang buod ng isyungbinigyang-patunay

Pagtatanong

baguhin

Bahagi ng pagdedebate ang pagtatanong. Narito ang ilang paalala sa pagtatanong sa debate.

  • Magtanong lamang ng mga tanong na ang sagot ay oo o hindi.
  • Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang iyong oras ng pagtatanong.
  • Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng pagdedebate.

Panunuligsa

baguhin

May panunuligsa (rebuttal) din sa debate. Narito ang mga dapat tandaan sa panunuligsa.

  • Ilahad ang mga mali sa katwiran ng kalaban.
  • Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
  • Ipaliwanag ang kahinaan ng katibayan ng kalaban.
  • Ipaalam kung labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban.
  • Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan.

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin

Mga Sipi

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Justification, justify - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Mga Pinagkukunan

baguhin
  • Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 82-83

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.