Ang FlipTop Battle League (mas kilala sa tawag na fliptop) ay ang kauna-unahan at pinakamalaking rap battle conference sa Pilipinas. Itinatag ito ni Alaric Riam Yuson (Kilala bilang Anygma) [1] noong taong 2010. Ang liga ay layong mas itaguyod ang Pinoy hip hop. Ang Fliptop ay masasabing na-impluwensyahan ng mga orihanal na rap battle leagues sa kanluran na naitatag naman noong taong 2008 tulad ng - Grind Time Now, King of the Dot and Don't Flop, na nagbigay inspirasyon sa pagkakatatag ng Fliptop at ng iba pang liga sa iba't-ibang sulok ng mundo.[2]. Ang ligang ito ay nasa pamamahala ng FlipTop Kru Corp isang kumpanya na itinatag mismo ni Yuson.

FlipTop Battle League
IndustriyaBattle rap
Itinatag2010; 14 taon ang nakalipas (2010)
NagtatagAlaric Riam Yuson
Punong-tanggapanCifra Bldg, Boni Avenue, Mandaluyong, Philippines
Pinaglilingkuran
Philippines
Websitefliptop.com.ph

Karaniwang binubuo ng tatlong rounds ang paligsahan na mayroong time limit ang bawat kalahok na itinakda ng reperi o ng namamahala. Ang obertaym ay ipinapataw kung tabla ang laban. Ang unang sasalang ay napagpapasyahan sa pamamagitan ng toss coin o pagpahagis/pagpitik/pagpapaikot ng barya. Hindi pinagbabawal ang mga barang naisulat na bago ang laban pati na ang mga hindi pa naisusulat. Ang panunungayaw, malalang pamimintas, at panunukso ay hindi pinagbabawal sa laban, at nararapat na 'wag itong tanggapin na seryoso, totoo, at personal.[3][4] Ang magkabilang panig ay maaari ding magdala ng props para sa event. Filipino ang pangunahing wika na ginagamit sa laban bagamat may mga laban din na ginagamitan ng ibang wika at diyalekto o idyoma. Ang panalo sa laban ay pinagpapasyahan ng mga hurado. Ang batayan para sa paghatol ay maaaring sa paggamit ng mga salita, ang kakaibang epekto sa madla, at estilo sa pagra-rap.[2]

Format

baguhin

Mayroong tatlong battle format ang Fliptop. Written, Freestyle, at Old School na minsa'y ipinagsasama sa Freestyle.

Written - Ang sa ngayon ay karaniwang labanan sa Fliptop, wala itong background music. Maaring mayro'n o walang sukat ang mga rima.

Freestyle - Noong simula ito ang madalas na format ng labanan sa Fliptop, may mga freestyle battle pa rin ngunit 'di na kasing dalas ng Written format. Mayroon at wala itong background music, at wala ring sukat ang mga rima.

Old School - Madalas gamitin sa tryouts. Mayroon itong background music, at naipagsasama sa Freestyle.


May iba't-ibang variations ng rap competition sa Fliptop:

  • Dos por Dos - Ito ay kampihan ng dalawa laban sa dalawang rap emcee o femcee, maaari itong Written o Freestyle.
  • Five on Five - Ito ay kampihan ng lima laban sa limang rap emcee o femcee, maaari itong Written o Freestyle.
  • Femcee Battle - Tanging mga kababaihan lamang ang maaaring lumaban dito na tinatawag na femcee.
  • Intergender Battle - Kalalakihan laban sa mga kababaihan.
  • Royal Rumble - Isang rap battle na binubuo ng tatlo o mahigit pang katao, na inaatake at matinding pinipintasan ang bawat isa.
  • Secret Battle - Ito ay tulad rin ng iba, ngunit mapapanood lamang ng mga pili o limitadong manunuod. Minsan biglaan ang laban
  • Won Minutes - Isang minutong lamang na bara kada round.

Mga Kilalang Emcees

baguhin
Emcee Name Tunay na Pangalan Pinangalingan Kasapi Kilalang Istilo
2khelle BOPOLS Olongapo, Zambales Alpha Taktika, Gapo Rappers Society, A-syan Records Katangahan
Abra Raymond Abracosa Pasig Artifice Records, Flipmusic, Hiphop22, Ivory Music & Video, Lyrically Deranged Poets Malapantig na rima, Maglaro ng salita, Speedrap
AKT (akata/angkorito kalas turnilyo) formerly known as Nico Nathaniel Nicole Nachor Olongapo, Zambales reppin himself, Psychoanalysis, Personals, Agresibo, Mapanira, Schematic, Pinaiyak si Apoc
Aklas Philip Ching Quezon City/Iloilo City, Iloilo/Las Piñas/Bacoor, Cavite Batch 1, True Death, AKLAS Ltd., LUMA, Murder Death Kill, Uprising Katatawanan, Agresibo, Mapanira, Unorthodox
Aelekz Cebu City, Cebu AMF Productions, Whutitdo, Rapollo Seryoso, Malalim, "R"
Andy G Andy Jamolin Parañaque DC Clan, Double Cross, The Real South Pride Production Katatawanan, Patula, Freestyle
Apekz Mark Anthony Cadiente Valenzuela Hustlin', Hiphop22 Katatawanan, Magbalik by Callalily, Patola, Seryoso?, Maglaro ng salita, Malapantig na rima
Apoc Ralph Dela Fuente Pasig Raw, Dukes, Bilog Writer's Block, Sabertooth Academy, Uprising, Iyakin Seryosong mga liriko, Malalim na barado
Asero Olongapo, Zambales True Pinoy Playaz, G.R.S., A-Syan Recordz
Asser Asser Ace Dilao Cebu City, Cebu NevaNevaNevaLand, 3GS, Outbox, Rapollo Speed Rap, Agresibo, Malapantig na rima, Katatawanan, iyakin hahaha
Badang Darwin Ferianeza Marikina/Baguio, Benguet All Star Productions, Tuesday Troop, Hahay Entertainment Sexual Humor, Katatawanan, Freestyle, Speed Rap, Kakain ng Tae
Bassilyo Lordivino Ignacio Marikina Crazy as Pinoy, Crazy Family, Badboys, MCA Music, Probinsyano Katatawanan, Singing, Seryosong mga liriko
Batas Mark Rodriguez Tahanan, Parañaque Wild Ones Tattoo, Illustrado, Uprising, Barangay Tibay, Sultans of Snap, Tha TVC Black, Kampo Teroritmo,Xeno Devata Project Seryosong mga liriko, Unorthodox, Maglaro ng salita, Agresibo, Hardcore sex
Batang Rebelde Marvin Arias Tanza, Cavite Baredibu, Ulikbangon, Zone 457, Exodus, AKZ Seryosong mga liriko, Katatawanan
Blackleaf Kuiper Belt Uprising, Lifeline Zenith Seryosong mga bara, Maglaro ng salita, OA
BLKD Allen Enriquez Naic, Cavite Them Sent, The Pharm, Batch 1, 3LC, Uprising Maglaro ng salita, Malalim, Seryosong mga liriko, GOAT
Bogchick Lemery, Batangas NSC, Baliparo Seryosong mga bara, Agresibo, Part-Katatawanan
Cameltoe Parañaque AMPON Katatawanan
Cerberus Mabalacat, Pampanga Armaletra, Devoured, T.G.K Agresibo
Chaliz Labangon, Cebu City, Cebu BPL Records, Raprakan Battle League, TeamChaliz Seryoso, Agresibo, CHoke
Chris Ace Christopher John Celis Lapu-Lapu City, Cebu C.A.L., Calilahoo Crew, 032 Soldierz, Oponside, Seryoso, Maglaro ng salita, Flow, Freestyle, Magbalik, Katatawanan, Teatriko
Cool Kidd Ian Enjambre Davao City, Davao Del Sur K-Records, Karabineros
CrazyMix Romarico Superable Quezon City Crazy Family, Blind Rhyme Productions Speed Rap, Katatawanan
Cripli Arbheal Mancilla Naga, Camarines Sur Juan Dela Crew Katatawanan, Freestyle
Daddy Joe D Pandacan, Maynila/San Pedro, Laguna Elegante / P3TRecords, RS Production, Bigkasang San Pedro Katatawanan
Damsa Raymond Abrenica San Pedro, Laguna Via Records, MusicPharm, Black Cat Pro, Inked Hustlaz, S.N.S Speed Rap, Flow
Dello


Wendell Gatmaitan Tondo, Maynila Skwaterhaws, Mongol Unit, Vertical Brew Music Magbalik, Katatawanan, Freestyle
Dhictah Pasig Wild Ones Tattoo, Bomb Shelter, Yeah Yeah Boys, Dirt Bro, Titi Seryosong mga liriko
Dhuski Paombong/Malolos, Bulacan BF Pro, 3GS, Salbahe Music, Letmaku Entertainment Seryosong mga liriko, Katatawanan
Dilim San Pedro, Laguna Sundalo ni Sadam Katatawanan, Seryoso
Doc Pau Tanay, Rizal Alagad ng Musika, Tanay Hip-hop Underground Agresibo
Dopee Raymond Escurzon Davao City, Davao Del Sur Speech, Kalawakan Crew Katatawanan
Elbiz John Elvis Narisma Quezon City The Green House Katatawanan
EJ Power Ejay Florentino Balanga, Bataan Danger Zone, Outbox, Troop A Katatawanan, Freestyle, Magbalik
Ejo Ibajay, Aklan Pothead Territory, Inajay Black Ninos, Lot 420 Katatawanan, Maglaro ng salita
El D'no Olongapo, Zambales Alpha Taktikah, G.R.S. 047, G-Town, A-Syan Records Katatawanan
El Quiel Novaliches, Quezon City/Valenzuela E-Unit, 187 Mobstaz Freestyle, Katatawanan
Fangs Karl Rallos Cebu City, Cebu EvolClowns, Rapollo, AMF, Whutitdo, Selda Kwarto Maglaro ng salita
Flict-G Raymond Rivera Mandaluyong Repablikan Syndicate, Shockra Maglaro ng salita, Katatawanan, Speed Rap, Flow
Fongger Cebu City, Cebu 7Kings Production, Crazy Family, Shongkoi, 504 Records, Team Porkchop Katatawanan
Frooz Patrick Buratilya Binangonan, Rizal Crazy Family Badboys, BlindRhyme Productions, Alyansa ng Tugmang Bulag, Puyat Records, The Greenhouse Katatawanan, Freestyle, Flow, Malapantig na rima, Magbalik, Speed Rap
Fukuda Cagayan De Oro City Mindanao Batch 2, Southdoggz, SLTG, Rap Batikos Agresibo, Seryosong mga bara
Fuego Roman Fugoso Paco, Maynila Mack-Town, Taft-Love, Vito Crew
Gap aka Mic Rahman Vito Cruz Makati/Pasay/Baguio, Benguet Vito Crew, TL, LD, People's Future, Yo Momma, Stocked UP, Bawal Clan
Ghandi Quezon City Kalayaan, Moment Squad
G-Clown Kevin Dela Cruz Tanay, Rizal Lego Music, BTR Pro, KOK Clothing Seryosong mga liriko, Agresibo
Goriong Talas Gio De Leon Quezon City Illustrado, Uprising, Batch 1, Accenture Seryosong mga liriko, Maglaro ng salita
G-Spot Davao City, Davao Del Sur Legis Dados, Half Moon Posse, Dice-M Ent. Gangster Liriko, Seryosong mga bara
Harlem Harlem Ty Pasig Schizophrenia Freestyle, Slant Rhyme
Hazky Antipolo, Rizal RPN Records Katatawanan, Malalim, Teatriko
Hearty Tha Bomb Irene Ciriaco Bagumbong, Caloocan Martial Camp Records, Tuesday Troop, Konektado, X-Deal Vigilantes, Rap Divas, Mob Music Entertainment Hard Lines, Sexual Humor, Teatriko, Sexy Rap
Hizuka Digos, Davao Del Sur Supreme Blood, Rip Rhyjacck, Mindanao Batch 3 Freestyle, Katatawanan, Slight Maglaro ng salita
Icaruz Michael Cania Noveleta, Cavite Themsent, El Grande Records Katatawanan
Icebergg Cebu City, Cebu 6000 Goonz, 825, Whut It do, V-Boyz, Teamgreen Visayan Liriko, Bilingual
Icerocks Jason Marc Dimayuga Parañaque Takeover, Filipino Kingz Seryosong mga liriko, Personals, Maglaro ng salita, Taglish
Ilaya Cartel, Uprising Patula, Seryoso
Invictus Patrick Bessara Olongapo, Zambales 1kiao Malalim na bara, Flow, Hardcore, Agresibo
Jamal Puerto Princesa, Palawan Team Palawakan, 5'3 Records, Palawakan Rap Battle Seryosong mga liriko, Malalim na bara
J-King Julius Cenon Cabanatuan, Nueva Ecija Word War, 3GS, Nueva Ecija TV48, CMPRO, Devil Rhyme Magbalik, Katatawanan, Seryoso
J-Skeelz Roberto Boy Paos Rodriguez Tondo, Maynila 187 Mobstaz Katatawanan, Freestyle
Japormz Olongapo, Zambales Kosa Familia Mapanira, Katatawanan, Unorthodox
JayTee Tagbilaran, Bohol Ghetto Rhymes, 5D Records Paninira, Freestyle
Jecoy Lapu-Lapu City, Cebu C.A.L., Grupo Yamuh, 032 Soldierz, Rapollo, Sevenwordz Productions Seryosong mga bara, Freestyle, Katatawanan
Jonas Jonas Dichoso Bulihan, Silang, Cavite Breezy Music, Beats by Foe, Anak ng Madre, 3GS Maglaro ng salita, Patula, Katatawanan, Magbalik, Flow
Josh G. Joshua Gurango Quezon City SNL Crew, Edub Katatawanan
Juan Lazy Christian Quiapon Parañaque/Makati Southern Villains/ Meks Familia, FlipMusic, Schizophrenia, Juan Tamad Katatawanan, Freestyle
K-Jah Camarin, Caloocan Uprising Patula
Kahir Marco Silvano Quezon City Them Sent, Batch-1, 3LC Patula, Katatawanan
Kamandag Byron Saavedra Olongapo, Zambales Arma Letra, Barasuwail Patula, Agresibo, Freestyle, Maglaro ng salita
Khen Magat King Marlon Magat Pasay Dongalo Wreckords, Serpientes, Delubyo Ng Pasay, AllStar Productions, Wowowin Speed Rap, Freestyle, Piyok
Kial Marco Alkadama Tondo, Maynila/Bulacan 187 Mobstaz, Blind Rhyme Productions Patula
Krack Naic, Cavite Cavite's Most Dangerous Freestyle, Katatawanan
Kregga Jboi Vasallo Cagayan De Oro BLK69, Gegay' Art, Uprising Seryosong mga liriko, Malalim na bara, Agresibo
Kris Delano Dan Christopher Garcia Maynila Takeover, Filipino Kingz, Shots Fired Seryosong mga liriko, Personals, Taglish
Lanzeta Lanz Jasper Picache Olongapo, Zambales 1kiao Seryoso, Agresibo, Hardcore
Left Eye Blind Taytay, Rizal Blind Rhyme, Armr-, 21st-Che Seryoso
Lhipkram Philmark Dominguez Las Piñas/Parañaque/Malabon Street2demic, Parañaque Rebels, 3GS, 25K Maglaro ng salita, Magbalik, Katatawanan, Freestyle, Di sisipot, Skwating
Lil' John Johnross Delos Santos Parañaque Parañaque Rebels, All-Star Pro, 3GS Magbalik, Katatawanan, Freestyle, Teatriko
Lil' Sisa Jhayann Parreño Imus, Cavite Crazy Family Agresibo, Katatawanan, Sexy Rap
Lirikal Olongapo, Zambales Suwail na Anak ng Gapo Seryoso, Patula, Katatawanan
Loonie Marlon Peroramas Pasig/Cebu City/Mandaue, Cebu Hiphop22, Stick Figgas, Konektado, Barangay Tibay, Artifice, FMCC Patula, Maglaro ng salita, Malapantig na rima, Katatawanan, Teatriko, GOAT
Mackata Darren Toting Cebu City, Cebu/Bacoor, Cavite 032 Soldierz, 3GS, Wassazlife Agresibo, Seryoso
Makii Mandaue, Cebu 032 Souldierz, 3GS, Goat Squad, SC2013, Project Ground Zero Katatawanan, Malapantig na rima, Maglaro ng salita
Marshall Bonifacio Joel Israel Mabayo Iligan City/Cebu dimokaya063, Rapollo, Outbox, Writer's Block Seryosong mga bara, Agresibo, Taglish, Mr. Battle of the Year
Martin Iloilo City, Iloilo OIYS Republic, SYK, WTI, D.A., whack, skwating Katatawanan
Maxford Maxford Famitanco Davao City, Davao Del Sur K. Records, Mindanao Illest
M Zhayt Christian Paolo Gabriola Rosario, Pasig 3GS, All Star, Rapskallion, Poema, Cursebox, 13 Kabalyero, Sunugan Magbalik, Freestyle, Seryoso, Skwating
Melchrist Santo Tomas, Batangas/Iligan City Mongol Unit, Aki Rhyme State Freestyle
Mhot Thomas Lynmuel Dasmariñas, Cavite King G, Outbox, Area-1, Outright Production, Isabuhay Champion Maglaro ng salita, Katatawanan, Baliktaran
Mikidee Michael David Legazpi, Albay Crazy Family, Oragon Unit, BLK MRKT, Bikolano Rappers Org. ,Magjalu Movement Katatawanan, Bulol
Mocks Wun Jerome Payumo San Fernando, Pampanga URP, 045 Records, Diction United, Pisngi Lord Katatawanan, Freestyle
Negatibo Emmanuel Magantos Baesa, Quezon City Martial Camp, Tuesday Troop, Konektado, Super Pogi Speed rap, Malapantig na rima, Maglaro ng salita
Nikki Jonathan Vibas Digos, Davao Del Sur Supreme Blood, Heneral Luna, Digos Rap Project, PSB Records, Slickboats Prodz Katatawanan, Bilingual mga bara, Teatriko
Notorious Billy Lizano Añonas, Quezon City Kampo Teroritmo, Proyekto Dos Tres, P2 Hood, King G Seryoso
Omar Baliw Omar Manzano Pembo, Makati High Minds Clothing Flow, Malapantig na rima, Seryoso, Yes I
Onaks James Kevin Asis Cainta, Rizal Yo Gang Freestyle always, Onaks to
Onlison Ran Online Tagum City Rhyme Ballistics, Minimalist crafts Bilingual na bara, Katatawanan, Slight Maglaro ng salita, Malapantig na rima
Papew Tanza, Cavite Mongol Unit, C.A.S.H., Street Love Rhythm, Shottas Katatawanan
Pistolero Christian Carlo Cañares Tondo, Maynila Hush Musik, Jmekwar, Delubyong Anghel, 3GS, AllStar Production Magbalik, Freestyle
Poison13 Marco Lacson Mariveles, Bataan Rhyming In Tandem, Beatpro, Home Made Studio, BCity Entertainment,3GS Speed Rap, Seryosong mga liriko, Part-Malapantig na rima, Flow, Sadboy
Plazma Paulo Callangan Quezon City MDK, TCMF, Writer's Block, Sabretooth Academy, Uprising Maglaro ng salita, Horrorcore, Agresibo
Pricetagg Jomari Espiritu San Fernando, La Union/Santa Mesa, Maynila Rep The Hood Ent., Shots Fired, Black Rose Tattoo, Fake Gangsta, Kontrabida Personals, Maglaro ng salita, Gangsta Rap, Gun mga bara, Head & Shoulder
Prosecutor Billy Laguna/Olongapo, Zambales Arma Letra, The Firing Squad, Locus Delicti, RPN Records Agresibo, Hardcore, Horrorcore
Raizen Cebu City, Cebu C.A.L, 032 Souldiers, Yamuh, Rapollo, Oponside Katatawanan, Freestyle
Range Boljoon, Cebu Seven Kings Production, 3GS, ThinkPostive Wear Katatawanan, Malapantig na rima, Bilingual
Rapido Christian Raffy Guerrero Rosario, Cavite Elements, INC Speed Rap, Mapanira, Katatawanan. 3 Hrs 6 Pops
Rentao Cabanatuan, Nueva Ecija Lot#3, OldSkul Magbalik, Agresibo, Unorthodox, Katatawanan
Righteous One Joshua Berenguer Meycauayan, Bulacan Brown Radio, FMCC, Souljahs Seryoso, Freestyle
Rich Flo Villasis, Pangasinan Haftwayhouse, One Voice Productions, Rep The Hood, Debate Partida, Distriq 5 Seryoso, Malalim
Rish Olongapo, Zambales Suwail na Anak ng Gapo, EastSide 727
Romano Romano Trinidad Cabanatuan, Nueva Ecija Rappscab Music, 3GS, Cursebox Production, Mark Beats Freestyle, Magbalik, Agresibo
Rudic Joshua Lingating Quezon City/Pagadian DC Clan, Mindanao's Illest, Simbagsik, Bangsamoro Artist, MTM Brand Seryoso, Malalim, Bilingual
Sak Maestro Hansel Cabo Davao City, Davao Del Sur Uprising, Takeover Seryoso, Multilingual, Maglaro ng salita, Taglish
Sayadd Ralph Lizano Añonas, Quezon City Illustrado, Oyog International, Uprising Seryoso, Hardcore, Agresibo
Sayantipiko Balanga, Bataan Bataan Hip-hop Movement, Abakadaz Seryoso
Sev Pasig SMC
Shehyee Christopher John Ongkiko Mandaluyong BMG, Flipmusic, Flee Entertainment, Watawat, Game Streamer, DoTa boy, Dos Por Dos Champion Katatawanan, Mapanira, Magbalik
Shernan Shernan Roy Gaite Alabang, Muntinlupa Muntinlupas Most Wanted, 3GS, Senyor Mafias, AllStar Production, YouTube Vlogger Katatawanan, Costumes, Freestyle, Magbalik, Teatriko, Wack!, Skwating
Sibil Carlo Fullero Pasig/Laguna 13Kabalyero, Repablikan, Poema, Marshall Brand Clothing Seryoso
Silencer Ric Laurino Parañaque Familia De Calibre, DC Clan Music, The Real South Pride Production Katatawanan, Flow, Kiddie Rap
Silent Effect Davao City, Davao Del Sur Lifelinez, Kalawakan Crew Katatawanan
Sinio Joseph Martin Cagasan Mabalacat, Pampanga Pampanga's Finest, 45 Battalion, Real Jokes, Copy Right, Benta Tshirt, Benta Vape Juice Katatawanan, Magbalik, Mapanira, Maglaro ng salita, Jejemon fans
Sixth Threat Fluvert Floy Cagampang Davao City, Davao Del Sur 3Digitz, Fatal Sign Records Malapantig na rima, Katatawanan
Skarm Philip Pacheco Pasig Ampon, Talksic Ways
Smugglaz Bryan Lao Tondo, Maynila Hiphop22, 187 Mobstaz, Blind Rhyme Productions, Shockra, Vertical Brew Music Speed Rap, Katatawanan, Seryoso
Sur Henyo Mark Merino Baguio, Benguet Familiarity Entertainment, PKC, Rep The Hood Entertainment, Mensaheros, Hukbong LiriKKKal Seryoso, Malalim, Freestyle, Katatawanan
Target Renie Boy Palma Las Piñas Double Cross, DC Clan Music, The Real South Pride Production, TGP, Feeling Ryan Agoncillo Maglaro ng salita, Freestyle
Tatz Maven Jalil Macalangcom General Santos, South Cotabato Uprising, Pangkat Magat,OSD, Troop One, Digmaan Agresibo, Maglaro ng salita
Thike Jason Cruz Antipolo, Rizal RPN Records, Allstar Production, United Antipolo Empire Freestyle
Third D David Lubag III Balanga, Bataan Bataan Hiphop Movement, Abakadaz
Tipsy D Mark Kevin Andrade Balanga, Bataan Bataan Hiphop Movement, Abakadaz, Outbox, Brixxology, LGBTQ+, PlayBoy Maglaro ng salita, Katatawanan, Malapantig na rima, Bilingual
Towpher Christopher Oquendo Naga, Camarines Sur Juan Dela Crew, Crazy Family, NCHC, Barrio De Bara Katatawanan, Freestyle, Sarcasm
Tweng Tagbilaran, Bohol/Cagayan De Oro Six3Hundred Crew, Palma Doggz, Bohol Bee Farm, Leadership Frienship Service Zeta Beta Chapter, Uprising, Mental Hospital Gimmick, Katatawanan, Teatriko, Props
Wrathsol Arayat, Pampanga Armaletra
Zaito Pedro Canon Jr. Las Piñas/Bacoor/Dasmariñas
Cavite
Vigilante Family, South Radical Production, Uprising, Ang Probinsyano Katatawanan, Patula, Freestyle, Onomatopoeic Rhyme, Taeng Binalot
Zaki Andrew Sultan Abdulrahman Pasig Morobeats, Explicit, Sunugan Agresibo, Slant rhyme, Seryoso, Mapanira, tunog lanzeta
Zero Hour Davao City, Davao Del Sur Down Loud Crew, The Takeover Bilingual Liriko, Seryoso
Zeus Cebu City, Cebu B32 Shoulders, Blankko, The Chill Camp, Pasingot Boys, Rapollo, GV6A Seryoso, Freestyle, Katatawanan

Kultural na epekto at kritisismo

baguhin

Sa unang pamamayagpag nito, ang Fliptop ay nagtamo ng maraming kritisismo dahil sa paggamit nito ng mga bulgar na salita, walang galang, masasakit na salita, panunukso, at panghahamak. Dahil dito, ang kinahinatnan ay pinagbawal ng pamahalaang lungsod ng Makati ang rap battle events sa kanilang nasasakupan.[5] Ngunit sa pagdaan ng panahon, natanggap na rin nila ito.[6] Matapos makamit ng Fliptop ang reputasyon nito sa pamamagitan ng social media,[7] maraming amateur at minor rap battles ang nagsi-usbungan tulad ng Sunugan, Word War, Versus Verses, atbp. Dahil sa pagkakaroon nito ng Freestyle at mga nilalamang rima, may mga akademiko na nagsasabing ito ay modernong "balagtasan" bagamat may mga rap artist na pinapabulaanan ang ideyang ito.[8][9] Nakakuwa rin ito ng atensyon mula sa media, dahil dito ang mga emcees na kasama sa Fliptop ay sumikat at nakakamit ng ika nga'y "commercial success".[10][11][12]

Mapapanood ang mga iba't-ibang laban ng FlipTop Battle League sa kanilang mga Video sa YouTube , at mga updates sa kanilang page na nakatala bilang FlipTop sa Facebook.

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.redbull.com/my/en/music/stories/1331710307582/uncovering-battle-rap-with-fliptops-anygma
  2. 2.0 2.1 ""Fliptop Mag-Ingay!": An Exploratory Study on Fliptop Battle". prezi.com. Nakuha noong 2016-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-17. Nakuha noong 2016-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. http://news5.com.ph/top/9BDBFF288758411/1001/fliptop-rappers-nagkaka-pikunan-din-kaya
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-16. Nakuha noong 2016-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. http://lifestyle.inquirer.net/70820/fliptop-the-modern-balagtasan
  7. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-01-13. Nakuha noong 2016-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://www.gmanetwork.com/news/story/350760/lifestyle/artandculture/is-fliptop-the-modern-day-balagtasan
  9. "Get to know your modern-day Balagtasan stars". filipinotimes.ae. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-30. Nakuha noong 2016-01-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. http://www.philstar.com/young-star/601869/rhyme-and-lots-reason-fliptop
  11. http://www.juice.ph/kultura/features/the-real-emcees-the-new-vanguards-in-filipino-hip-hop
  12. "http://en.wikipilipinas.org/index.php/FlipTop:_The_First_Filipino_Rap_Battle_League". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-30. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)