Ang Apolohetika (mula sa wikang Griyego na ἀπολογία, "nagsasalita sa pagtatanggol") ang disiplina ng pagtatanggol ng posisyon na kadalasang pang-relihiyon sa pamamagitan ng pangangatwiran.[1] Ang mga manunulat na sinaunang Kristiyano (c. 120–220 CE) na nagtanggol ng kanilang pananampalataya laban sa mga kritiko at nagrekomiyenda ng kanilang pananampalataya sa mga tagalabas ay tinawag na mga apolohista". [2]

Hinduismo

baguhin

Ang iba't ibang mga pilosopong Indiyano kabilang sina Swami Vivekananda at Aurobindo Ghose ay sumulat ng mga makatwirang paliwanag tungkol sa mga halaga ng tradisyong Hindu. Ang mga modernong tagapagtaguyod nito gaya ni Maharishi Mahesh Yogi ay nagtangka ring iugnay ang mga pag-unlad mula sa quantum physics sa mga konseptong Hindu. Si Athavale ay nagbigay ng mga dikurso tungkol sa makatwirang basehan para sa maraming mga prinsipyo sa tradisyong Vediko. Sa kanyang aklat na The Cradle of Civilization, inilarawan ni David Frawley na isang Amerikanong yumakap sa tradisyong Vediko ang mga sinaunang tekto nito na tulad ng "mga piramide ng espirito".

Hudaismo

baguhin

Ang sinaunang panitikang apolohetikang Hudyo ay kinabibilangan ni Aristobolus ng Paneas na isang pilosopong Hudyo ng Alehandriya. Sina Josephus sa kanyang contra Apion at Philo ng Alehandriya ay sumulat ng mga pagtatanggol sa Hudaismo laban sa mga batikos dito sa kanilang panahon. Sa kasalukuyan, may iba't ibang mga organisasyong Hudyo na mga kontra at anti-misyonerong Kristiyano upang ipagtanggol ang Hudaismo laban sa mga pundamentalistang Kristiyano at pang-aakay ng mga ito sa mga Hudyo tungo sa Kristiyanismo.

Panteismo

baguhin

Ang ilang mga panteista ay bumuo ng mga organisasyon gaya ng World Pantheist Movement at the Universal Pantheist Society upang itaguyod at lohikal na ipagtanggol ang kanilang paniniwala sa panteismo.

Kristiyanismo

baguhin

Ang apolohetikang Kristiyano ay nagsasama ng teolohiyang Kristiyano, teolohiyang natural at pilosopiya upang magbigay ng isang makatwirang basehan sa partikular na pananampalatayang Kristiyano, upang ipagtanggol ang mga pagtutol sa kanilang pananampalataya at ilantad ang kamalian sa loob ng ibang mga relihiyon at pananaw. Ang iba't ibang mga sekta ng Kristiyanismo ay may kanya kanyang mga apolohetika upang ipagtanggol ang kanilang sekta laban sa ibang sektang Kristiyano, halimbawa mga apolohetikang Katoliko, apolohetikong ebanghelikal, apolohetikang Sabadista, apolohetikang Jehovah's Witnesses at iba pa . Ayon sa isang apolohistang Kristiyano, ang "pinakamahusay na argumento ang isa na ginagawa ng walang mga salita."[3]

Mormonismo

baguhin

Ang mga kilalang mga apolohista ng Mormonismo na nakatuon sa pagtatanggol ng Mormonismo ay kinabibilangan ng mga maagang pinuno ng simbahang ito gaya nina Parley P. Pratt, John Taylor, B. H. Roberts, James E. Talmage and modern scholars such as Hugh Nibley, Orson Scott Card, at Jeff Lindsay.

Ang mga apolohistang Islamiko ay humamon sa parehong mga paniniwalang Hudyo at Kristiyano. Ang isa sa mga kilalang apolohistang Muslim si Ahmed Deedat na isang manunulat na nangatwiran sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salungatan sa bibliya at nakipagdebate sa mga ebanghelistang Kristiyano kabilang si Jimmy Swaggart.

Budismo

baguhin

Ang isa sa pinakamaagang mga tekstong apolohetikong Budista ang The Questions of King Milinda na nakitungo sa mga problemang etikal at intelektuwal. Sa panahong kolonyal na British, ang mga Budista sa Sri Lanka ay sumulat ng mga trakto na tumatakwil sa Kristiyanismo. Sa gitna ng ika-19 na silgo, ang mga sagupaan sa pagitan ng mga Budista at Kristiyano sa Hapon ay nagtulak sa pagkakabuo ng Buddhist Propagation Society. Sa mga kamakailang panahon, ang akay na Australyano sa Budismo na si A. L. De Silva ay sumulat ng aklat na Beyond Belief para pabulaanan ang mga argumento ng mga ebanghelistang Kristiyano. Hinamon ng Budistang si Gunapala Dharmasiri ang konseptong Kristiyano ng diyos mula sa perspektibong Budismong Theravadan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.thefreedictionary.com/apologetics
  2. "Apologists." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
  3. Russell, Ryan. "Practice What You Preach". Apologetics Training Course 1. Christian Knowledge. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Hulyo 2011. Nakuha noong 3 Dis 2010. ... the best argument is one that is made without words ..."{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)