Ginto ni Yamashita

Ang Ginto ni Yamashita o Kayamanan ni Yamashita ang inaangkin ng ilan na nasamsam sa digmaan ng mga hukbong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinago sa mga kweba at mga tunnel at mga ilalim ng lupain sa Pilipinas. Ito ay ipinangalan sa heneral na Hapones na si Tomoyuki Yamashita na tinawag na "Tigre ng Malaya". Ayon sa mga sabi-sabi, ang nasamsam sa digmaan ay simulang nakalagay sa Singapore at kalaunang nilipat sa Pilipinas. Umasa daw ang mga Hapones na ilipat ang mga kayamanan mula sa Pilipinas tungo sa Hapon pagkatapos ng Digmaan. Habang umuunlad ang Digmaan sa Pasipiko, sinasabing pinalubog sa ilalim ng dagat ang mga barkong Hapones at ang mga barkong nagdadala ng mga ginto ni Yamashita ay pinalubog ng mga Amerikano. Ayon kina Seagraves at iba pa, natunton ng mga intelihensiyang operatibang militar na Amerikano ang mga nasamsam na ginto ni Yamashita. Nagsabwatan daw ang mga Amerikano at si Hirohito at ibang mga Hapones upang ikubli ito at ang mga ginto ni Yamashita ay ginamit daw ng mga Amerikano upang pondohan ang mga lihim na operasyong intelihensiya ng Estados Unidos noong Digmaang Malamig.

Ayon sa imbestigador na si Minoru Fukumitsu na naglingkod sa staff ni Heneral Douglas MacArthur, nagsagawa siya ng lubusang imbestigasyon sa ginto ni Yamashita ngunit walang siyang nahanap na ebidensiyang ito ay umiral.[1][2] Inembistagahan ni Fukumitsu ang mga 200 Hapones na opiser at mga lalakeng naglingkod sa ilalim ni Tomoyuki Yamashita.[1]

Noong 1992, inangkin ni Imelda Marcos na ang kayamanan ni Ferdinand Marcos ay mula sa Ginto ni Yamashita[3] ngunit ito ay hindi pinaniniwalaan ng mga imbestigador. Pinaniniwalaan ng ilan na inimbento lang ni Marcos ang kuwento na nakamit nito ang Ginto ni Yamashita upang itago ang pagnanakaw nito sa mga reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa pamahalaan ng Pilipinas, ang 800,000 troy ounce ng reserbang ginto ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ninakaw o nilihis ni Marcos para sa pansariling paggamit.[4]

Mga sanggunian

baguhin