Bangko Sentral ng Pilipinas
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay isang bangko sentral ng Republika ng Pilipinas. Isinaayos muli ang karta ng bangkong ito noong 3 Hulyo 1993, alinsunod sa mga panustos ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Bagong Batas ng Bangko Sentral ng 1993. Itinatag ang BSP noong 3 Enero 1949, bilang pangasiwaan ng sentrong pananalapi ng bansa.itinuturing na bangko ng mga bangko ang bangko Sentral ng Pilipinas dahil sinusubaybayan nito ang lahat ng institusyon sa pananalapi. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng BSP:
Bangko Sentral ng Pilipinas | |||
| |||
Mga himpilan | Maynila, Pilipinas | ||
---|---|---|---|
Itinatag | 3 Hulyo 1993 | ||
Tagapangasiwa | Felipe Medalla | ||
Bangko Sentral ng | Pilipinas | ||
Pananalapi | Piso ng Pilipinas | ||
Kodigong ISO 4217 | PHP | ||
Reserba | US$107.71 bilyon[1] (Enero 2021) | ||
Halaga ng batayan sa pangutang | 7.45% | ||
Halaga ng batayan ng deposito | 9.75% | ||
Website | bsp.gov.ph | ||
Naunahan ng | Central Bank of the Philippines (3 Enero 1949- 3 Hulyo 1993) |
Mga gawain at tungkulin
baguhinBatay sa takda ng Bagong Batas ng Bangko Sentral ng 1993[2], ang mga pangunahing gawain ng Bangko Sentral ay:
- Tagapamahala sa mga Bayaran, sa pamamagitan ng pagpopormula at pagsasakatuparan ng patakarang pananalapi na humahantong sa pang-uudyok ng paglalaan ng salapi, matatag sa mga pangunahing layunin sa pagpapanatili ng katatagan ng presyo,
- Paglabas ng pananalapi; ang BSP ay may pantanging kapangyarihan na magpalabas ng panbansang pananalapi. Lahat ng mga salaping papel at barya na inilabas ng BSP ay lubos na ginagarantiya ng Pamahalaan at ito'y isinasaalang-alang bilang salaping umiiral (legal tender) para sa mga utang pansarili at pampubliko,
- Tagapag-utang ng huling dulog, sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga diskuwento, mga pautang, at mga paunang bayad sa institusyong pagbabangko ukol sa layuning pambayad,
- Pangangasiwang pampananalapi, sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga bangko at pagtupad ng mga pantahasang kapangyarihan sa itaas ng mga institusyong di-pambangko na nagsasagawa ng gawaing pambangko nang kaantas,
- Tagapamahala sa reserba ng panlabas na pananalapi, sa pamamagitan ng pagpapanatili ng sapat na sabansaang reserba upang makamit ang maaasahang tiyak na pangangailangan ukol sa panlabas na pananalapi nang sa gayon ay mapangalagaan ang sabansaang katatagan at palitan ng Piso,
- Paniniyak sa patakaran sa halaga ng palitan, sa pamamagitan ng pagtitiyak sa patakaran sa halaga ng palitan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang BSP ay naninindigan sa patakaran sa panlabas na halaga ng palitan na umaakma sa pamilihan, at
- Bilang taga-bangko, tagapayo sa pananalapi at opisyal na pintungan ng Pamahalaan, ang kanyang pampolitikang subdibisyon at pagiging instrumental at korporasyong pagmamay-ari ng pamahalaan (GOCC).
Organisasyon ng Bangko Sentral
baguhinAng pangunahing anyo ng Bangko Sentral ay kabilang ang:
- Ang Lupon ng Pananalapi, na tumutupad ng mga kapangyarihan at mga gawain ng BSP, tulad ng pamumuno ng pampananalaping patakaran at pamamahala ng sistemang pananalapi,
- Ang Sektor sa Katatagan ng Pananalapi, na umaatas sa pormulasyon at pagpapairal ng patakarang pananalapi ng BSP, kabilang ang paglilingkod sa mga pangangailangang pambangko ng lahat ng mga bangko sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga lagak (deposits), paglilingkod ng mga pagbabawi (withdrawals), at pagpapalawak ng kredito sa pamamagitan ng pasilidad ng muling pagdidiskuwento,
- Ang Sektor ng Pamamahala at Pagsisiyasat, na nagpapairal at nagsusubaybay ng panalima sa mga batas ng pagbabangko upang upang iangat ang malusog at magandang himig ng sistema sa pagbabangko.
- Ang Sektor ng Tagapamahala sa Pagkukunan, na naglilingkod sa pakukunang pangangailangang pantao, pampananalapi at pisikal ng BSP.
Ang mga kapangyarihan at gawain ng Bangko Sentral at natutupad ng kanyang Lupon ng Pananalapi, na binubuo ng pitong kasapi na inatasan ng Pangulo ng Pilipinas. Bilang pasubali ukol sa Bagong Batas ng Bangko Sentral, isa sa mga kasapi ng sektor ng pamahalaan ng Lupon ng Pananalapi ay dapat maging kasapi ng Gabinete ng Pangulo. Pinagbabawalan ang mga kasapi ng Lupon ng Pananalapi sa paghawak ng tiyak na posisyon sa anumang ahensiya ng pamahalaan at institusyong pansarili na mauuwi sa linggal ng kapakanan. Ang mga kasapi ay may permanenteng, magkasabay na takdang tagal ng panahon, maliban sa kalihim ng gabinete na kumakatawan ng nanunungkulang administrasyon.
Kasaysayan
baguhinNoong 1900, ipinasa ng Unang Komisyon ng Pilipinas an Batas Blg. 52, kung saan isinaayos ang lahat ng mga bangko sa ilalim ng Kawanihan ng Ingatang-yaman at pinapahintulutan ang Pampulong Ingat-yamang na mamahala at suriin ang mga bangko at lahat ng gawaing pagbabangko. Noong 1929, nahalili ng Kagawaran ng Pananalapi, sa pamamagitan ng Kawanihan ng Pagbabangko, ang pamamahala sa bangko. Noong 1933, isang pangkat ng mga Pilipino ay nakapaglikha ng isang bangko sentral para sa Pilipinas.
Ito'y umangat na may mga rudimento ng panukalang batas ukol sa pagtatatag ng isang bangko sentral pagkatapos ng masusing pag-aaral ng mga pang-ekonomiyang panustos ng Batas Hare-Hawes-Cutting, na makakamit ang kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 12 taon, nguni't mananatili pa rin ang base militar at pandagat para sa mga Mga Nagkakaisang Estado at ang pagpatong ng mga taripa at kota sa mga luwas ng Pilipinas. Gayumpaman, ibinasura ng Senado ng Pilipinas nang dahil sa pang-uudyok ni Manuel L. Quezon ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Naglunsad ang Senado ng bagong panukalang batas na nagpanalo ng suporta ni Pangulong Franklin D. Roosevelt, na kung tawagin ay Batas Tydings-McDuffie, na makakamit ang Pilipinas sa araw ng 4 Hulyo 1946.
Noong panahon ng Komonwelt, tuluy-tuloy ang talakayan tungkol sa bangko sentral ng Pilipinas na magpapaangat sa katatagan ng presyo at paglago ng ekonomiya. Noon, ang sistema ng pananalapi ng bansa napangasiwa ng Kagawaran ng Pananalapi at ng Pambansang Ingatang-yaman. Ang Pilipinas ay nasa pamantayan ng palitan na gumagamit ng dolyar, na nasa likod na 100 bahagdan ng reserba ng ginto, bilang pamantayang pananalapi (currency standard).
Noong 1939, na hiningi ng Batas Tydings-McDuffie, ipinasa ng tagapagbatas ng Pilipinas ang isang batas na magtatag ng bangko sentral. Bilang batas pananalapi, kinakailangan ang pagpapatibay ng pangulo ng Mga Nagkakaisang Estado; hindi binigyan ni Roosevelt. Noong 1944, panahon ng pananakop ng mga Hapones, ipinasa ang ikalawang batas, nguni't nang dumating ang mga hukbong Amerikano sa pagpapalaya, ipinatigil sa pagpapatupad nito.
Nang umupo si Manuel Roxas noong 1946, inutusan niya si Miguel Cuaderno, Sr. na magbuo ng isang karta ukol sa bangko sentral. Ang pagkatatag ng pangasiwaang pampananalapi ay naging pautos pagkatapos ng isang taon bilang bunga ng kapasyahan ng Komisyon ng Pinagsanib na Pilipino-Amerikanong Pananalapi na pinumunuan ni Cuaderno. Ang Komisyon, kung saan pinag-aralan ang mga pananalapi ng Pilipinas, at mga suliraning hinggil sa pananalapi noong 1947, ay nagmungkahi ng paglipat mula sa pamantayang palitan ng dolyar sa isang napamahalang sistema ng pananalapi. Kailangan ang bangko sentral na isakatuparan ang panukalang paglipat sa bagong sistema. Kinabukasan, nilikha ni Roxas ang Sangguniang Bangko Sentral upang ihanda ang karta ng panukalang pangasiwaan ng pananalapi. Ipinasa ito sa Kongreso noong Pebrero 1948. Pagdating sa Hunyo ng taong din iyun, nilagdaan ng bagong pagkaluklok na Pangulong Elpidio Quirino, na sumunod kay Pangulong Roxas, ang Batas Republika Blg. 265, ang Batas ng Bangko Sentral ng 1948. Noong 3 Enero 1949, napasinaya nang pormal ang Bangko Sentral ng Pilipinas at si Miguel Cuaderno, Sr. ay naging unang tagapangasiwa. Ang mga pangunahing gawain at tungkulin ng Bangko Sentral ay itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at mapanatili ang panloob at panlabas na katatagan ng pananalapi.
Pangkalipas ng maraming taon, ang mga pagbabago ay nakilala upang ang kartang ito ay maging higit na palatugon sa mga pangangailangan ng ekonomiya. Noong 29 Nobyembre 1972, sinusog ng Batas Pampanguluhan Blg. 72 ang Batas Republika Blg. 265, na binibigyang-diin ang pagpapanatili ng pantahanan at sabansaang katatagan ng pananalapi bilang pangunahing layunin ng Bangko Sentral. Lumawak din ang pangangasiwa ng Bangko na ibinilang ang alintuntunin ng kabuuang sistema ng pananalapi ng Pilipinas at hindi lamang bilang tagapamahala ng sistema sa pagbabangko. Noong 1981, ang nasusog na Batas Republika Blg. 265 ay lubos na pinaunlaran sa pagpapalakas ng sistemang pampananalapi, kabilang sa mga pagbabago ay ang pagtaas ng halaga ng puhunan mula P10 angaw sa P10 daplot.
Sa ilalim ng 1973 Saligang-batas, inatasan ang Pansamantalang Batasang Pambansa na magtatag ng isang malayang pangasiwaang sentral ng pananalapi. Pagkatapos, hinirang ng Batas Pampanguluhan Blg. 1801 ang Bangko Sentral ng Pilipinas bilang pangasiwaang sentral ng pananalapi (CMA). Pagkatapos ng ilang taon, kinandili ng 1987 Saligang-batas ang mga panustos ng CMA mula sa 1973 Saligang-batas na talaga lamang nakatutok sa pagkatatag ng malayang pangasiwaan ng pananalapi sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga ng puhunan at higi na malaking representasyon ng sektor na pansarili sa Lupon ng Pananalapi.
Alinsunod sa panustos ng 1987 Saligang-batas, nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7653, kinikilala bilang Bagong Batas ng Bangko Sentral, bilang batas noong 14 Hunyo 1993. Ang batas na ito ay nagbibigay ukol sa pagkatatag ng isang malayang pangasiwaan na pananalapi na kinikilala bilang Bangko Sentral ng Pilipinas, na ang kanyang pangunahing layunin ay panatilihin ang katatagan ng mga presyo. Ang layuning ito ay napahiwatig lamang sa lumang karta ng Bangko Sentral. Nagbibigay rin ng batas sa Bangko Sentral ang kalayaang hinggil sa pananalapi at mamahala na wala ito sa lumang Bangko Sentral. Noong 3 Hulyo 1993, nagkaroon ng bisa ang Bagong Batas ng Bangko Sentral.
Mga tagapangasiwa
baguhinSimula ng panunungkulan | Katapusan ng panunungkulan | Pangalan | |
---|---|---|---|
Mga tagapangasiwa ng Bangko Sentral (luma) | |||
3 Enero 1949 | 31 Disyembre 1960 | Miguel Cuaderno, Sr. | |
6 Enero 1961 | 31 Disyembre 1967 | Andres V. Castillo | |
1 Enero 1968 | 9 Enero 1970 | Alfonso Calalang | |
10 Enero 1970 | 15 Enero 1981 | Gregorio S. Licaros | |
16 Enero 1981 | 18 Enero 1984 | Jaime C. Laya | |
19 Enero 1984 | 19 Pebrero 1990 | Jose B. Fernandez, Jr. | |
20 Pebrero 1990 | 2 Hulyo 1993 | Jose L. Cuisia, Jr. | |
Mga tagapangasiwa ng Bangko Sentral (bago) | |||
6 Hulyo 1993 | 5 Hulyo 1999 | Gabriel C. Singson | |
6 Hulyo 1999 | 3 Hulyo 2005 | Rafael B. Buenaventura | |
4 Hulyo 2005 | 3 Hulyo 2017 | Amando M. Tetangco, Jr. | |
3 Hulyo 2017 | 23 Pebrero 2019 | Nestor Espenilla, Jr. | |
4 Marso 2019 | 30 Hunyo 2022 | Benjamin Diokno | |
1 Hulyo 2022 | Kasalukuyan | Felipe Medalla |
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Gross International Reserves". Bangko Sentral ng Pilipinas. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 22, 2021. Nakuha noong Hulyo 5, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ang Karta ng BSP". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-25. Nakuha noong 2008-06-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)