Elpidio Quirino

Pang-anim na Pangulo ng Pilipinas

Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890 – 29 Pebrero 1956) ay ang ika-6 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948 – 30 Disyembre 1953).

Elpidio Quirino
pangalwang pangulo sa ikatatlong republika Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Nasa puwesto
18 Abril 1948 (halal 30 Disyembre 1949) – 30 Disyembre 1953
PanguloManuel Roxas
Pangalwang PanguloFernando Lopez (1949-1953)
Nakaraang sinundanManuel Roxas
Sinundan niRamon Magsaysay
Ika-2 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangalawang Pangulo ng Komonwelt
Unang Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
Nasa puwesto
28 Mayo 1946 – 17 Abril 1948
Nakaraang sinundanSergio Osmeña[1]
Sinundan niFernando Lopez[2]
Kalihim ng Ugnayang Panlabas
Nasa puwesto
16 Setyembre 1946 – 17 Abril 1948
Nakaraang sinundanNaibalik[3]
Sinundan niJoaquin Miguel Elizalde
Personal na detalye
Isinilang16 Nobyembre 1890
Vigan, Ilocos Sur
Yumao29 Pebrero 1956
Lungsod ng Quezon
Partidong pampolitikaLiberal
TrabahoAbogado

Isinilang si Elpidio Rivera Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong Nobyembre 16, 1890. Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.

Nahalal si Quirino sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging Pangalawang Pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946 at nanumpa bilang Pangulo pagkatapos mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.

Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.

Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya dahil sa biglaang pagkaatake sa puso noong Pebrero 29 1956 sa edad na 65.[kailangan ng sanggunian]

Talambuhay

baguhin

Maagang buhay

baguhin

Si Elpidio Quirino ay ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur kina Don Mariano Quirino ng Caoayan, Ilocos Sur at Doña Gregoria Mendoza Rivera ng Agoo, La Union. Siya ay nag-aral sa Caoayan sa elemantarya, sa Vigan High School sa sekundarya at pagkatapos ay tumungo sa Maynila bilang junior computer technician sa Bureau of Lands at property clerk sa departamentong kapulisan ng Maynila. Nagtapos siya sa Manila High School noong 1911 at nakapasa sa pagsusulit ng serbisyong sibil. Noong 1915, siya ay nagtapos ng abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa bar exams.

Kongreso

baguhin

Kinatawan

baguhin

Si Quirino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1919 hanggang 1925.[kailangan ng sanggunian]

Misyong pang-Kalayaan ng Pilipinas

baguhin

Noong 1934, si Quirino ay kasapi ng misyong pangkalayaan ng Pilipinas sa Washington, D.C., na pinamunuan ni Manuel L. Quezon. Nakamit nito ang pagpasa ng Kongreso ng Estados Unidos ng Batas Tydings–McDuffie.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

baguhin

Noong pananakop ng Hapones sa Pilipinas, siya ay naging pinuno ng isang paghihimagsik laban sa mga Hapones ngunit siya ay nabihag at ipinabilanggo. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at tatlo sa kanilang anak ay pinatay ng mga Hapones.

Pangalawang Pangulo

baguhin

Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapones, ang Komonwelt ng Pilipinas ay ibinalik sa Pilipinas noong 27 Pebrero 1945 kung saan Pangulo si Sergio Osmeña. Noong Disyembre 1945, ang House Insular Affairs ng Kongreso ng Estados Unidos ay nagpasa ng isang resolusyon na nagtatakda sa halalang hindi pagkatapos ng Abril 30. Si Manuel Roxas ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal na kanyang itinatag pagkatapos humiwalay sa Partido Nacionalista. Si Quirino ay napiling kasamang tatakbo ni Roxas. Nanalo sina Roxas at Quirino sa 1946 halalan ng pagkapangulo at pangalawang pangulo noong 23 Abril 1946. Si Quirino ay nahirang na Secretary of Foreign Affairs.[kailangan ng sanggunian]

Pangulo

baguhin
 
Si Elpidio Quirino sa tabi ng kabaong ni Manuel Roxas noong 1948
 
Inaugurasyon ni Elpidio Quirino bilang Pangulo ng Pilipinas noong 17 Abril 1948 sa Council of State Room, Executive Building, Malacañang.

Si Manuel Roxas ay namatay noong 15 Abril 1948 sa atake sa puso sa tahanan ni Major General E.L. Eubank sa Clark Field, Pampanga pagkatapos manalumpati sa harap ng Sandatahang Panghimpapawid ng Estados Unidos. Dahil hindi pa tapos ang termino ni Roxas, siya ay hinalinhan ng Pangalawang Pangulong si Elpidio Quirino noong 17 Abril 1948. Nang sumunod na taon, si Quirino ay tumakbo sa ilalim ng partido Liberal at nahalal na Pangulo para sa apat na taong termino.

Ekonomiya

baguhin

Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.[kailangan ng sanggunian]

Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik ng Hukbalahap.[kailangan ng sanggunian]

Mga pakikipag-ugnayan

baguhin

Ang pamahalaan ni Quirino ay nakipagpayapaan sa Hapon at ang Kasunduang Mutuwal ng Pagtatanggol sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay pinagtibay noong 1951. Sa ilalim ni Quirino, ang pamahalaan ay naharap sa malubhang banta ng Hukbalahap na orihinal na hukbong gerilyang laban sa Hapon. Ang pakikipagkasundo ni Qurino sa pinuno nitong si Luis Taruc ay nasira noong 1948. Hinirang ni Quirino ang kalihim ng pagtatanggol na si Ramon Magsaysay na sugpuin ang paghihimagsik na naisagawa sa pamamagitan ng labis na karahasan at pangako ng reporma sa lupain.

Akusasyon ng korupsiyon at tangkang impeachment

baguhin

Ang administrasyon ni Quirino ay nabahiran ng malawakang korupsiyon. Ang halalan ng pagkapangulo noong 1949 na kanyang napalunan ay isa sa mga hindi malinis na halalan sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nakaupong pangulo ng Pilipinas na tinangkang iimpeach at inakusahan ng paggamit ng mga pondong pampamahalaan upang ipaayos at bumili ng mga kasangkapan para sa Malacañang, nepotismo at pagpuslit ng diamante. Ang impeachment ay itinakwil ng komiteng pangkongreso dahil sa kawalan ng paktuwal at legal na basehan. Ang korupsiyon ang nagtulak kay Ramon Magsaysay na kumalas sa partido Liberal at tumakbo laban kay Quirino sa 1953 halalan ng pagkapangulo sa ilalim ng partido Nacionalista.

Kamatayan

baguhin
 
Ang kasalukuyang libingan ni Quirino sa Libingan ng mga Bayani.

Pagkaraang matalo kay Ramon Magsaysay sa 1953 halalan ng pagkapangulo, si Quirino ay nagretiro mula sa politika noong 1953. Siya ay namatay noong Pebrero 29, 1956 sa atake sa puso. Siya ay unang inilibing sa Manila South Cemetery sa Manila. Noong Pebrero 29, 2016, ang kanyang mga labi ay inilipat at inilagay muli sa isang espesyal na lugar ng libingan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, sa oras ng ika-60 anibersaryo ng kanyang kamatayan.

Sanggunian

baguhin
  1. Hindi nagtalaga ang Kongreso ng Pangalawang Pangulo pagkaraang maging Pangulo ni Osmeña matapos ang panunungkulan ni Quezon bilang Pangulo, ayon sa Konstitusyon ng 1935.
  2. Hindi nagtalaga ang Kongreso ng Pangalawang Pangulo pagkaraang maging Pangulo ni Quirino matapos ang panunungkulan ni Roxas bilang Pangulo, ayon sa Konstitusyon ng 1935
  3. Noong 16 Setyembre 1946, naglabas si Pangulong Manuel Roxas ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 18 (Executive Order No. 18), na nagbibigay ng organisasyon at operasyon ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at Palingkurang Panlabas. Pangunahing mga tungkulin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas noon ang tumulong sa rehabilitasyon pagkaraan ng digmaan, lumikha ng mga patakaran para sa promosyon ng negosyo, at muling maitatag ang ugnayang diplomatika sa karatig na mga bansa.
Sinundan:
Manuel Roxas
Pangulo ng Pilipinas
1948–1953
Susunod:
Ramon Magsaysay