Libingan ng mga Bayani
pambansang libingan sa Pilipinas
Ang Libingan ng mga Bayani ay isang pambansang sementeryo o libingan sa loob ng Fort Bonifacio sa kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay itinatag bilang himlayan ng mga tauhang panghukbong Pilipino mula sa mga pribado hanggang sa mga heneral kabilang din ang mga bayani at martir. Kabilang sa mga nilibing dito ang mga tagapagtanggol sa Bataan at Corregidor laban sa Hapones mula ika-1 ng Enero hanggang ika-6 ng Mayo 1942 gayundin sa mga tagapagtanggol ng labanan sa pagpapalaya ng mga alyado sa Pilipinas mula 1942 hanggang 1945. Ito ay naglalaman ng pambansang libingan ng isang Hindi Kilalang Kawal.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.