Senado ng Pilipinas

Mataas na kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas

Ang Senado ng Pilipinas ay ang mataas na kapulungan sa dalawang kamara ng tagapagbatas ng Pilipinas, ang Kongreso ng Pilipinas. Hindi katulad ng Senado ng Estados Unidos, binubuo ang Senado ng Pilipinas ng 24 mga senador na hindi kinakatawan ang kahit anong partikular na distritong pang-heograpiya.

Senado ng Pilipinas
Senate of the Philippines
Ika-18 Kongreso ng Pilipinas
Coat of arms or logo
Sagisag ng Senado ng Pilipinas
Logo
Watawat ng Senado ng Pilipinas
Uri
Uri
Mataas na Kapulungan
Term limits
2 termino (12 taon)
Pinuno
Juan Miguel Zubiri, Independyente
Simula Hulyo 25, 2022
Loren Legarda, NPC
Simula Hulyo 25, 2022
Joel Villanueva, Independyente
Simula Hulyo 25, 2022
Koko Pimentel, PDP–Laban
Simula Hulyo 25, 2022
Estruktura
Mga puwesto24 na mga Senador
200p youx
Mga grupong pampolitika
Majority bloc (20):

Minority bloc (4):

Mga komite40 natataning komite
Haba ng taning
6 na taon, nababago
OtoridadArtikolo VI, Saligang Batas ng Pilipinas
Halalan
Plurality-at-large voting
Huling halalan
Mayo 13, 2019
Susunod na halalan
Mayo 9, 2022
Lugar ng pagpupulong
Gusali ng GSIS, Lungsod ng Pasay
Websayt
http://www.senate.gov.ph

Nagsisilbi ang mga senador sa 6-taong termino, kasama ang kalahati ng mga senador na hinahalal sa bawat 3 taon. Sa ganitong paraan, isang katawang nagpapatuloy ang Senado. Nang mabalik ang Senado ng Saligang Batas ng 1987, nahalal ang 24 mga senador noong 1987 at nagsilbi hanggang 1992. Noong 1992, ang mga kandidato nagkamit ng 12 pinakamataas na bilang ng mga boto ang naglingkod hanggang 1998, habang hanggang 1995 lamang ang sumunod na 12. Simula noon, nahahalal ang bawat senador sa buong termino na 6 na taon.

Maliban sa mag-aaral at paggawa ng mga panukalang batas na ipapasa para lagdaan ng Pangulo upang maging ganap na batas, ang senado lamang ang kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas na maaaring magsabatas ng mga kasunduan sa ibang bansa, at makapaglitis ng mga kasong pagkakatuwalag.

Kasaysayan

baguhin
 
Joint session ng Lehislatura ng Pilipinas kabilang ang mga bagong halal na senado, Nobyembre 15, 1916

Nag-ugat ang Senado sa Philippine Commission ng Pamahalaang Insular. Sa ilalim ng Philippine Organic Act, mula 1907 hanggang 1916, ang Philippine Commission na pinamumunuan ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay nagsisilbing mataas na kapulungan ng Philippine Legislature, at ang Philippine Assembly bilang mga halal na kinatawan ng mababang kapulungan. Kasabay nito, ang gobernador-heneral ang nagsisilbing sangay na tagapangulo.

Noong Agosto 29, 1916, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Philippine Autonomy Act o higit na kilala bilang "Jones Law", na nagbuo sa Philippine Legislature, na nahahati sa dalawang kapulungan, ang Senado bilang Mataas na kapulungan, at ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Nanatiling Tagapangulo ang Gobernador-Heneral ng Pamahalaang Insular.

Nagpatuloy ito hanggang 1935, nang maipasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Philippine Independence Act o ang "Tydings–McDuffie Act", na nagbibigay karapatan sa mga Pilipino magbuo ng kanilang sariling saligang batas bilang paghahanda sa kanilang kasarinlan, kung saan itinatag nila ang isang unikameral na Pambansang Asambleya, na nagbuwag sa Senado. Bago pa man gamitin ang saligang batas ng 1935, may ilang mga susog na ang iminungkahi. Noong 1938, sinimulang kilalanin ng Pambansang Asambleya ang mga mungkahing ito, na kinabibilangan ng pagpapanatili ng Senado bilang mataas na kapulungan ng Kongreso. Ang susog ng saligang batas ng 1935 na gawing lehislaturang bikameral ay naipasa noong 1940 at isinigawa ang halalan para sa bagong mataas na kapulungan noong Nobyembre 1941.

Komposisyon

baguhin
 
Resulta ng Halalan mula 1916 hanggang kasalukuyan.

Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 2 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang senado ay dapat buuin ng dalawampu’t apat na Senador na dapat ihalal sa kalahatan ng mga kwalipikadong botante ng Pilipinas, ayon sa maaaring itadhana ng batas.[1]

Ang komposisyon ng Senado ay higit na maliit kung ihahambing sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Ang mga kasapi ng kapulungan na ito ay halal ng kalahatan ng mga kwalipikadng botante. Ang makatwirang paliwanag dito ay upang gawin ang senado bilang sanayan para maging pambansang tagapamuno o maging Pangulo ng Pilipinas.

Pinipili ang mga kandidatong senador ng mga pinuno ng mga pangunahing partidong politikal o mga koalisyon ng mga partido. Ang proseo sa pagpili ay hindi malinaw at isinasagawa ng pribado. Kaya ang kawalan ng rehiyunal na pagkatawan sa Senado ay nagpapalala sa sistema ng pamamahala, na ang halos lahat ng kapangyarihan ay nagmumula sa Kalakhang Maynila. Madalas iminumungkahi na ang bawat rehiyon ng bansa ay dapat maghalat ng kani-kaniyang mga senador, upang magkaroon ng wastong pagkatawan ang mga tao.


Kwalipikasyon

baguhin

Nakasaad sa Artikulo VI, Seksiyon 3, ng saligang batas ng 1987 ang mga kwalipikasyon upang maging isang senador sa Pilipinas:

  • Hindi dapat maging senador anga sino mang tao matangi kung siya ay katutubong inaanak na mamamayan ng Pilipinas, at, sa araw ng halalan, tatlumpu’t limang taong gulang man lamang, nakababasa at nakasusulat, rehistradong botante, at naninirahan sa Pilipinas sa loob ng panahong hindi kukulangin sa dalawang taon kagyat bago sumapit ang araw ng halalan.

Kapangyarihan

baguhin

Inihulma ang Senado ng Pilipinas sa Senado ng Estados Unidos; may dalawang kapulungan ng mga kinatawan, na may halos pantay na kapangyarihan, at bawat panukalang batas o resolusyon na dadaan sa parehong kapulungan ay kinakailangan na may pahintulot sa parehong kapulungan bago ito maipasa upang lagdaan ng pangulo. Kapag hindi naipasa ang panukalang batas sa Senado, hindi na ito magiging ganap na batas. Kapag ang panukalang batas ay pinagtibay ng senado sa ikatlong basa, ang panukalang batas ay ipapasa sa mababang kapulungan, maliban na lamang kung mayroong itong kahalintulad na batas sa mababang kapulungan. Kapag ang kahalintulad na panukalang batas sa mababang kapulungan ay iba sa naipasa ng senado, maaaring magkaroon ng bikameral na pagpupulong na binubuo ng mga kasapi ng dalawang kapulungan upang pagtugmain ang pagkakaiba ng panukalang batas, o maaari rin na alin man sa kapulungan ang pagtibayin ang kahalintulad na panukala ng kabilang kapulungan.

Kasalukuyang mga kasapi

baguhin
Senador Partido Mga Panunungkulan
Bilang Simula Dulo
Sonny Angara LDP 2 Hunyo 30, 2019 Hunyo 30, 2025
Nancy Binay UNA 2
Pia Cayetano Nacionalista 1
Ronald dela Rosa PDP–Laban 1
Bong Go PDP–Laban 1
Lito Lapid NPC 1
Imee Marcos Nacionalista 1
Koko Pimentel PDP–Laban 3
Grace Poe Independent 2
Bong Revilla Lakas–CMD 1
Francis Tolentino PDP–Laban 1
Cynthia Villar Nacionalista 2
Alan Peter Cayetano Independent 1 Hunyo 30, 2022 Hunyo 30, 2028
JV Ejercito NPC 1
Francis Escudero NPC 1
Jinggoy Estrada PMP 1
Win Gatchalian NPC 2
Risa Hontiveros Akbayan 2
Loren Legarda NPC 1
Robin Padilla PDP–Laban 1
Raffy Tulfo Independent 1
Joel Villanueva Independent 2
Mark Villar Nacionalista 1
Migz Zubiri Independent 2

Partido komposisyon

baguhin
Party Total %
Nacionalista 5 21%
UNA 5 21%
Liberal 4 17%
Lakas 2 8%
NPC 2 8%
PDP-Laban 1 4%
LDP 1 4%
PRP 1 4%
Independent 3 13%
Total 24 100%

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-11-22. Nakuha noong 2017-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.