Risa Hontiveros-Baraquel
Si Risa Hontiveros (ipinanganak bilang Ana Theresia Hontiveros noong 24 Pebrero 1966) [1] ay isang Pilipinong politiko, mamamahayag aktibista na kumatawan sa Akbayan Partylist sa Mababang Kapulungan mula 2004-2010. Kasalukuyan siyang naglilingkod bilang Senador ng Pilipinas matapos manalo sa Pangkahalatang Halalan ng Pilipinas noong 2016, at nakuha ang pang-siyam na puwesto. Siya ang nakatatandang kapatid ng mamamahayag na si Pia Hontiveros. Naging usap-usapan sa madla ang naging galaw ng senadora noong siya’y nanunungkulan pang Philhealth Director dahil sa pagkakadawit sa korapsyon ng bilyon-bilyong pondo sa nasabing pinamunuang ahensya.[2][3][4][5][6]
Risa Hontiveros | |
---|---|
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 30 Hunyo 2016 | |
Tagapangulo ng Women, Family Relations and Gender Equality Committee | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 25 Hulyo 2016 | |
Nakaraang sinundan | Pia Cayetano |
Tagapangulo ng Health and Demography Committee | |
Nasa puwesto 25 Hulyo 2016 – 27 Pebrero 2017 | |
Nakaraang sinundan | Teofisto Guingona III |
Sinundan ni | JV Ejercito |
Kasapi ng Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas bilang kinatawan para sa Akbayan | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2004 – 30 Hunyo 2010 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Ana Theresia Hontiveros 24 Pebrero 1966 Maynila, Pilipinas |
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Akbayan Citizens' Action Party (2004–kasalukuyan) |
Ibang ugnayang pampolitika | Liberal Party (2010–kasalukuyan) Team PNoy (2013) Koalisyon ng Daang Matuwid (2016) |
Asawa | Francisco Baraquel, Jr. (k. 1990–2005) |
Anak | 4 |
Kaanak |
|
Alma mater | Pamantasang Ateneo de Manila (A.B.) |
Trabaho | Aktibista |
Propesyon | mambabatas, mamamahayag |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Hontiveros noong 24 Pebrero 1966 sa Maynila. Sa gulang na 14, naging isa siya sa mga gumanap bilang anak ng Von Trapp sa adaptasyon ng Repertory Philippines ng The Sound Of Music, kabilang sina Lea Salonga, Monique Wilson at Raymond Lauchengco.[7] Noong mga panahong ding iyon ay una siyang naipakilala upang makibahagi sa mga gawaing aktibista bilang tagapangasiwa ng kampanya laban sa Bataan Nuclear Power Plant noong siya ay nasa mataas na paaralan.[8][9] Nakapagtapos siya Hontiveros bilang cum laude sa Batsilyer ng Sining sa Agham Panlipunan mula sa Pamantasang Ateneo de Manila. Habang nasa Ateneo, aktibo siya sa mga lupon ng mga mag-aaral, kung saan lumahok siya sa mga adbokasiya para sa kapayapaan at katarungan sa mga maralitang mamamayan.[10][11]
Naging mamamahayag din siya sa telebisyon at nagtrabaho sa dalawang himpilang pangtelebisyon, sa IBC (Headline Trese) at sa GMA Network (GMA Network News).[12]
Sa karera ni Hontiveros bilang aktibista, napaanib siya sa ilang mga samahan at kilusan:[13][14]Coalition for Peace (naglingkod bilang Pangkahalatang Kalihim mula 1988 hanggang 1992), National Peace Conference (naglingkod sa Governing Council nito simula 1990), Government Panel for Peace Talks with the National Democratic Front (tagapangulo ng Panel's Reciprocal Working Committee on Socio-Economic Reforms mula Agosto 1998 hanggang 1999), Pandayan para sa Sosyalistang Pilipinas ), isang organisasyong politikal na demokratiko-sosyalista (nahalal muli bilang Tagapangulo noong Agosto 2001), "Pilipina", isang samahang para sa karapatan ng mga kababaihan, Amnesty International Pilipinas (kasapi ng Pangasiwaan).
Bago ang kanyang pagpasok sa politika, isang mamamahayag si Hontiveros na nagbigay sa kanya ng karangalan bilang Golden Dove Awards' Best Female Broadcaster ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Nagkamit din siya ng nominasyon mula sa Nobel Peace Prize noong 2005 dahil sa kanyang natatanging kontribusyon para sa pagdaloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front mula 1998 hanggang 1999.
Sa anim na taong pamamalagi niya sa Kamara bilang kongresista, si Hontiveros ang pangunahing naglathala ng Cheaper Medicines Law at Comprehensive Agrarian Reform Program Extension With Reforms (CARPER) Law sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nilathala rin niya ang ilang panukalang batas tulad ng Anti-Prostitution Bill, Anti-Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) Discrimination Bill, at ang Students' Rights and Welfare (STRAW) Bill.
Noong 2010, tumakbo si Hontiveros bilang Senador sa ilalim ng partido ni Benigno Aquino III. Bagamat hindi pinalad, nagtapos sa ika-labintatlong puwesto si Hontiveros sa karera sa pagka-senador - na isang puwesto lamang ang pagitan sa ika-labindalawang panalong senador. Sa kasalukuyan, siya ang Tagapangulo ng Akbayan Partylist, at isa sa mga prominenteng personalidad sa kampanya para sa pagsasabatas ng Reproductive Health (RH) Bill sa Kongreso.
Noong administrasyon ni Rodrigo Duterte, pinuna ni Hontiveros and giyera laban sa droga pagkatapos malaman sa imbestigasyin sa Senado ang dami ng mga pinatay na batang Pilipino na walang kinalaman sa droga, katulad ni Kian delos Santos. Ayon sa datos ng mga experto, mahigit 30,000 na may Pilipino ang pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Pinuna rin ni Hontiveros ang pro-China foreign policy ni Duterte, kung saan pinili ni Duterte na palaganapin ang mga Chinese-owned gambling corporation katulad ng POGOs sa bansa at huwag ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Pagkatapos ng pagpuna ni Hontiveros, dumami ang mga pekeng balita laban sa kanya ukol PhilHealth, na kung saan nadiskobre ng mga fact-checking organizations na karamihan sa mga pekeng accounts na nagpapalaganap ng pekeng balita ay nagmumula sa bansang Tsina. Samantalang mas lalo pang pinalawak ng mga Duterte vloggers ang pekeng mga balita sa social media. Kalaunan ay napatunayan na walang anomalyang ginawa si Hontiveros noong nakaupo siya sa PhilHealth board noong November 2014 hanggang October 2015. Ayon mismo sa Commission on Audit (COA), hindi kasama si Hontiveros sa mga sinabi ng agency na umabuso sa "bonuses" ng PhilHealth. Dagdag pa ng mga datos, ang "bonuses issue" na pilit pinupukol kay Hontiveros ng mga Duterte vloggers at Chinese bot accounts ay nirelease ng PhilHealth bago pa naitalaga si Hontiveros sa PhilHealth.[15]
Mga kawing na panlabas
baguhin
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ http://www.abs-cbnnews.com/research/2010-candidate-profiles/senatorial-candidates/05/05/10/profile-ana-theresia-%E2%80%9Crisa%E2%80%9D-hontiveros-baraquel Naka-arkibo 2011-11-12 sa Wayback Machine.) PROFILE: Ana Theresia “RISA” Hontiveros-Baraquel
- ↑ http://manilastandard.net/mobile/article/203507
- ↑ https://philnews.ph/2017/06/27/public-calls-senator-risa-hontiveros-accountable-missing-p1-7-b-philhealth-funds/
- ↑ http://www.asianpolicy.press/2018/05/10b-budget-nawalarisa-hontiveros-dawit.html?m=1
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-01. Nakuha noong 2019-10-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ arriaga66 (31 Disyembre 1969). "The Sound of Music – Repertory Philippines 1980". Nakuha noong 17 Pebrero 2017 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TeamHontiveros (4 Marso 2013). "Risa Hontiveros, Lumalaban". Nakuha noong 17 Pebrero 2017 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Women Leaders (Philippines)". Resources, publications, and papers of the Center for Asia Pacific Women in Politics. Center for Asia Pacific Women in Politics. Oktubre 16, 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-12. Nakuha noong 2008-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Risa Hontiveros to continue women's, social justice advocacies in the Senate". Liberal Party of the Philippines. Pebrero 28, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 28, 2020. Nakuha noong Mayo 14, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""The beautiful fight": Risa Hontiveros". Philippine Online Chronicles. Abril 1, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 5, 2016. Nakuha noong Mayo 14, 2016.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Silvestre, Edmund (Mayo 2, 2016). "The Risa that I know". The Philippine Star. Nakuha noong Mayo 23, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hontiveros-Baraquel, Risa". Member Information – 14th Congress. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-28. Nakuha noong 2008-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rep. Risa Hontiveros". AKBAYAN: Ibangon Dangal ng Pilipino (Party Website). Akbayan Citizens' Action Party. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-13. Nakuha noong 2008-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Files, VERA (2020-08-14). "VERA FILES FACT CHECK: Hontiveros NOT involved in P15 billion corruption mess in PhilHealth". VERA Files (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)