Bataan Nuclear Power Plant
Ang Bataan Nuclear Power Plant ay isang nuclear power plant na matatagpuan sa Bataan, may 100 km sa kanluran ng Maynila sa Pilipinas. Ito'y natapos itayo noong 1984, ngunit hindi kailan man pinagana. Matatagpuan ang naturang planta sa 3.57 km² lupang laan ng pamahalaan sa Napot Point, Barangay Nagbalayong sa bayan ng Morong. Ito ang kaisa-isang pagtatangka ng Pilipinas na makapagtayo ng plantang nuklear. Isinantabi ang pagpapatakbo sa planta dahil sa pangamba sa kaligtasan nito, dala ng nangyari sa Chernobyl sa dating Unyong Sobyet noong 1986,[1][2][3][4] at mga isyu ng katiwaliang bumabalot sa pagpapatayo nito.[5][6][7] Hanggang matapos ang nakatakdang itayong plantang nuklear sa Vietnam sa 2021, mananatiling tanging plantang nuklear sa Timog-silangang Asya ang Bataan Nuclear Power Plant.[8]
Kaligiran
baguhinNoong mga 1950, binigyan ng Estados Unidos ang Pilipinas ng isang nuclear fission reactor.[9] Sinundan ito ng pagtatatag ng Philippine Atomic Energy Commission (PAEC) sa bisà ng Batas Republika Blg. 2067[10] noong 1958 upang mailatag ang programang nuklear ng bansa. Ipinanukala naman ang pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant noong mga 1960 na pinahintulutan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa isang pahayag noong Hulyo 1973.[11] Isang pampanguluhang lupon at binuo upang makakuha ng pondo para sa dalawang 620 megawatt na nuclear reactor para sa pangangailangan sa enerhiya ng Luzon.[12]
Ito ang naging tugon ng pamahalaan sa krisis sa langis noong 1973 nang magkaroon ng embargo sa langis ang Gitnang Silangan na nagpahirap sa ekonomiya ng bansa. Ani ni Marcos, ang enerhiyang nuklear ang magiging solusyon upang matugunan ng bansa ang pangangailangan nito sa enerhiya at nang mabawasan ang pag-aangkat nito ng langis.[13]
Kontrobersiya
baguhinDalawang panukala ang inihain ng mga respetadong kompanya ng enerhiya—ang General Electric at Westinghouse Electric. Naghain ng panukalang naglalaman ng detalyadong ispesipikasyon ng plantang nuklear ang General Electric na tinatayang magkakahalaga ng US$700 milyon. Samantala, naghain ang Westinghouse ng higit na mababang halaga na tinatayang US$500 milyon, ngunit hindi ito naglalaman ng kahit anong detalye o ispesipikasyon.[9][12]
Pinili ng lupong inatasang mamanihala sa proyekto ang panukala ng General Electric, ngunit binaligtad ito ni Marcos noong Hunyo 1974 nang lagdaan niya ang letter of intent na naggagawad ng proyekto sa Westinghouse. Pagdating ng Marso 1975, lumobo ang tinatayang halaga ng proyekto sa US$1.2 bilyon nang wala man lang paliwanag. Kalaunan, naitayo ng National Power Corporation ang isa lamang na nuclear reactor plant na nagkakahalagang US$2.3 bilyon.[12][14]
Isa pang kontrobersiya ang pagkakuha ng Westinghouse sa kontrata ng Bataan Nuclear Power Plant. Dokumentado ang pakikipagnegosasyon ng National Power Corporation sa General Electric bago pa sumulpot ang Westinghouse. Ngunit, nang mamagitan para sa Westinghouse si Herminio Disini, isang malapít na kaibigan ni Marcos, napaniwala pa ng mga ito na may laban pa ang General Electric para sa kontrata. May dokumentasyong makapagsasabi na may nangyayari nang negosasyon bago pa makapaghain ng detalyadong panukala ang General Electric.[9]
Pagpapatayo
baguhinSinimulang ipatayo ang Bataan Nuclear Power Plant noong 1976. Ngunit pansamantala itong nahinto noong 1979, kasunod ang naganap na aksidente sa Three Mile Island sa Estados Unidos. Bunsod nito, nagkaroon ng pagsusuri sa kaligtasan ng planta kung saan nakitaan ito ng 4,000 depekto.[11] Ilan sa mga ito ay ang sinasabing malapit na fault line at ang noo'y natutúlog na Bulkang Pinatubo.[12][13]
Pumalò ang halaga ng pagpapatayo nito sa US$2.3 bilyon[12][14][15] na natapos naman noong 1984.[9][14] Taglay ang light water reactor mula sa Westinghouse, dinesenyo ito upang makalikha ng 621 megawatts ng elektrisidad.[13]
Kinahinatnan
baguhinNang mapatalsik sa kapangyarihan si Ferdinand Marcos noong Pebrero 1986 at pagkaraang maganap ang aksidenteng nuklear sa Chernobyl sa Unyong Sobyet, pinagpasyahan ng sumunod na administrasyon ni Corazon Aquino na hindi paganahin ang planta.[16] Isang hakbang na may halo na ring motibo dahil sa pagkakaugnay ng naturang planta kay Marcos.[11]
Noong Disyembre 1988, hinabla ng pamahalaan ng Pilipinas ang Westinghouse sa alegasyong panunuhol at pakikipagsabwatan nito kay Marcos, at sa labis na patong nito sa halaga ng pagpapatayo ng planta. Bagay na ibinasura ng mga hukuman sa Estados Unidos noong Mayo 1993[11][17] at Switzerland noong Oktubre 1993.[14] Ito'y sa kabila ng “huling alok” ng Westinghouse sa pamahalaan sa ilalim ni Fidel Ramos noong Disyembre 1992 na makipag-ayos na lamang at magbabayad ang Westinghouse ng US$100 milyong halaga ng salapi at kredito, pag-upgrade nito sa planta, at pagpapatakbo ng planta sa halagang US$40 milyon taon-taon kapalit ng pag-uurong ng pamahalaan ng mga kasong isinampa nito.[14]
Noong 2012, ipinag-utos ng Sandiganbayan na magbayad sa pamahalaan ng Pilipinas ang negosyante at crony ni Marcos na si Herminio Disini ng halagang aabot sa US$50 milyong dahil sa kaniyang naging papel sa panunuhol at pandurugas sa pamahalaan upang maipatayo ang Bataan Nuclear Power Plant.[18]
Pagbabayad utang
baguhinAng pagbabayad utang ng bansa para sa naturang planta ang naging nag-iisang pinakamalaking obligasyon nito. Mula 1986, aabot sa ₱64.7 bilyon—₱43.5 bilyon para sa principal amortization at ₱21.2 bilyon sa interes—ang ginugol ng pamahalaan bilang kabayaran sa Bataan Nuclear Power Plant. Natapos lang ito mabayaran noong 2007.[14]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Orejas, Tonette (16 Nobyembre 2016). "Risk too high for Bataan nuke plant, says scientist". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Marso 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Scientists, green group reject Bataan nuke plant reopening" (sa wikang Ingles). ABS-CBN News. 26 Enero 2009. Nakuha noong 12 Marso 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The folly of BNPP and nuclear power" (sa wikang Ingles). Davao Today. 5 Marso 2009. Nakuha noong 25 Marso 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cepeda, Mara (21 Setyembre 2016). "DOE: Nat'l consensus needed to reopen Bataan Nuclear Power Plant" (sa wikang Ingles). Rappler. Nakuha noong 12 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabato, Regine (4 Abril 2018). "Russian ambassador: Bataan nuclear power plant revival 'not possible at all'" (sa wikang Ingles). CNN. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Hunyo 2018. Nakuha noong 22 Hunyo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Olea, Ronalyn V. (31 Enero 2009). "Revival of Bataan Nuclear Power Plant a Source of Corruption?" (sa wikang Ingles). Bulatlat. Nakuha noong 21 Hunyo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ellao, Janess Ann J. (29 Hunyo 2009). "Reliving and Reviving '85 Welgang Bayan: Move to Open Bataan Nuclear Plant Opposed" (sa wikang Ingles). Bulatlat. Nakuha noong 22 Hunyo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Southeast Asia's only nuclear plant is a tourist site. That may change as Philippines weighs using it decades after it was built". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 23 Mayo 2018. Nakuha noong 25 Marso 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) allan domasian - ↑ 9.0 9.1 9.2 9.3 Camacho, Teo (24 Mayo 2017). "The Controversy of the Bataan Nuclear Power Plant" (sa wikang Ingles). Stanford University. Nakuha noong 26 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Science Act of 1958, §16" (sa wikang Ingles). The LawPhil Project. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 26 Marso 2019. Nakuha noong 26 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 11.2 11.3 "The Bataan plant - The sequel" (sa wikang Ingles). World Information Service on Energy. 3 Setyembre 1993. Nakuha noong 30 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 Magno, Alex R. (1998). Kasaysayan: The Story of the Filipino People Vol. 9. Asia Publishing Co. pp. 204–205. ISBN 962-258-232-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 Ong, Ghio; Flores, Helen (12 Disyembre 2007). "Bataan nuclear power plant safe for operation, says scientist". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Marso 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 14.5 "Mothballed plant cost $2.3 billion". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 2016. Nakuha noong 30 Marso 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pragacha, Romeo Jay C. (2 Hunyo 2011). "Financing nuclear power in the Philippines". Businessworld (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Lee, Yok-shiu F.; Jeff So; Alvin Y. (Oktubre 1999). Asia's Environmental Movements: Comparative Perspectives (Asia and the Pacific) (sa wikang Ingles). M E Sharpe Inc. ISBN 978-1-56324-909-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goodno, James (24 Hulyo 1993). "Fossil fuel plans for nuclear station". New Scientist (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Oktubre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salaverria, Leila B. (11 Mayo 2012). "Nuke plant bribery: PCGG wants Marcos, not just Disini, to pay". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Hunyo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)