Kolusyon
Ang kolusyon o pakikipagsabwatan (Ingles: collusion) ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o maraming mga indibidwal na minsan ay ilegal at sikretibo upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, panliligaw o panloloko ng ibang mga tao sa kanilang mga legal na karapatan, o upang magkamit ng obhektibong pinagbababawal na batas sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo o limitahan ang produksiyon. Ito ay maaaring sumangkot sa pagmamanipula ng sahod, kickbacks, o maling pagkakatawan sa indepediyensa ng ugnayan sa pagitan ng mga partido nagsasagawa ng kolusyon. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga gawain apektado ng kolusyon ay tinuturing na walang saysay.
Depinisyon
baguhinSa pag-aaaral ng ekonomika at kompetisyon sa pamilihan, ang kolusyon ay nangyayari sa loob ng industriya kung ang mga magkakatunggaling kompanya ay nagkakaisa para sa parehong kapakinabangan ng mga ito. Ang kolusyon ay halos kalimitang nangyayari sa loob ng istaktura ng pamilihan ng oligapolyo kung saan ang desisyon ng ilang mga kompanya na magsagawa ng kolusyon ay labis makakaapekto sa pamilihan sa kabuuan. Ang mga kartel ang espesyal na kaso ng hayagang kolusyon. Sa kabilang dako, ang kolusyon na hindi hayagan ay tinatawag na "tacit collusion".
Mga bariasyon (uri)
baguhinAyon sa neoklasikong teoriya ng pagtukoy ng presyo at teoriya ng laro, ang independensiya ng mga suplayer ay pumupwersa sa mga presyo sa minimum nito na nagdadagdag ng kahusayan at nagbabawas ng kakayahang tumukoy ng presyo ng mga indibidwal na kompanya (firm). Gayumpaman, kung ang mga kompanya ay magsabwatan upang dagdagan ang mga presyo, ang kawalan ng benta ay napapaliit dahil ang konsumer ay walang mga alternatibong pagpipilian upang bababaan ang mga presyo. Ito ay nagbibigay ng pakinabang sa mga nagsasabwatang kompanya kapalit ng pinsala sa kaigihan ng lipunan.
Ang isang bariasyon o uri ng teoriyang tradisyonal na ito ang teoriya ng nagusot na pangangailangan (theory of kinked demand). Ang mga kompanya (firm) ay nahaharap sa isang kurbang nagusot na pangangailangan kung ang isang kompanya ay nagbawas ng presyo, ang ibang mga kompanya ay sumunod dito upang magpanatili ng mga benta at kung ang isang kompanya ay nagtaas ng presyo, ang mga katunggali nito ay malamang hindi susunod dito dahil ang mga ito ay mawawalan ng pakinabang na benta na makukuha ng mga ito sa pagpapanatili ng mga presyo sa nakaraang lebel. Ang teoriya ng nagusot na pangangailangan ay potensiyal na nagpapaunlad ng supra-kompetetibong mga presyo dahil ang kahit sinumang isang kompanya ay tatanggap ng nabawasang pakinabang sa pagbaba ng presyo na salungat sa mga benepisyong dumadagdag sa ilalim ng teoriyang neoklasiko at ilang mga modelong teoriya ng laro gaya ng kompetisyong Bertrand.
Mga indikator (tanda)
baguhinAng mga kasanayan na nagmumungkahi ng kolusyon ay kinabibilangan ng:
- Pantay na presyo
- Isang parusa sa diskuwento ng presyo
- Paunang abiso ng pagbabago ng presyo
- Palitan ng impormasyon
Mga halimbawa
baguhinAng kolusyon ay ilegal sa Estados Unidos, Canada at karamihan sa mga bansa sa Unyon ng Europa dahil sa batas ng kompetisyon/antitrust ngunit ang hindi hayagang kolusyon sa anyo ng pamumuno ng presyo at mga pagkaunawang hindi hayagan ay nangyayari pa rin. Ang ilang mga halimbawa ng kolusyon sa Estados Unidos ay kinabibilangan ng:
- Paghahati ng pamilihan at pagmamanipula ng presyo sa mga manupakturer (tagagawa) ng mabibigat na kasangkapang elektrikal noong 1960 kabilang ang General Electric.
- Pagtatangka ng mga may ari mg Ligang Mayor ng Beysbol na takdaan ang mga sahod ng mga manlalaro nito noong gitna ng 1980.
- Ang pagsasalo ng potensiyal na mga termino ng kontrata ng mga malayang ahente ng NBA sa pagpupunyaging tulungan ang isang inaasintang prankisa na lagpasan ang kap ng sahod ng mga manlalaro nito.
- Pagmamanipula ng presyo sa loob ng mga manupakturer ng mga pagkain na naghahatid ng pagkain ng kapeteriya sa mga paaralan at militar noong 1993.
- Paghahati ng pamilihan (market) at pagtukoy ng output ng aditibo ng pagkain ng mga bakang tinatawag na lysine ng mga kompanya sa Estados Unidos, Hapon at Timog Korea noong 1996 na ang Archer Daniel ang pinakakilala sa mga ito.
- Pagtatapon ng chip sa larong poker o iba pang may mataas nataya na mga laro ng baraha.
Maraming mga paraan na ang isang hindi hayagang kolusyon ay kagawiang nabubuo:
- Ang kasanayan ng mga tawag kumperensiya ng mga nagsusuri ng stock at mga pagpupulong ng mga kalahok sa industriyang ito ay halos hindi maiiwasang magresulta sa labis na halaga ng stratehiko at transparensiya ng presyo. Ito ay pumapayag sa bawat kompanya na makita kung paano at bakit ang ibang mga kompanya ay nagpepresyo ng kanilang mga produkto.
- Kung ang pagsasanay ng industriya ay nagsasanhi ng mas komplikadong pagpepresyo na mahirap para sa konsumer na maunawaan (gaya ng batay sa panganib na pagpepresyo, mga nakatagong buwis at kabayaran sa walang kableng industriya, maa-areglong pagpeperesyo), ito ay maaaring magsanhi ng kompetisyon batay sa presyo na maging walang saysay (dahil ito ay magiging labis na komplikado na ipaliwanag sa kustomer sa isang maikling anunsiyo). Ito ay nagsasanhi sa mga industriya na esensiyal na magkaroon ng parehong mga presyo at magtunggali sa pag-aanunsiyo at imahe na sa teoretikal na paglalarawan ay nakapipinsala sa mga konsumer gaya ng pagmamanipula ng normal na presyo.
Mga harang
baguhinMayroon mga mahahalagang harang sa kolusyon. Sa anumang ibinigay na industriya, ito ay maaaring kinabibilangan ng:
- Bilang ng mga kompanya (firm): Habang ang bilang ng mga kompanya sa isang industriya ay dumadami, mas mahirap na matagumpay na bumubuo, magsabwatan at makipagtalastasan.
- Pagkakaiba ng gastos at pangangailangan (demand) sa pagitan ng mga kompanya: Kung ang gastos ay nag-iiba ng labis sa pagitan ng mga kompanya, imposibleng magtakda ng presyo kung saan itatakda ang output.
- Panlilinlang: May labis na pabuya sa panlilinlang (cheat) sa mga kasunduang kolusyon. Bagaman ang pagbaba ng mga presyo ay maaaring magpasimula ng digmaan sa presyo, sa maikling termino, ang tumalikod na kompanya ay makikinabang ng labis. Ang penomenon na ito ay kalimitang tinatawag na "chiseling".
- Potensiyal na pagpasok: Ang mga bagong kompanya ay maaaring pumasok sa industriya na magtatakda ng bagong batayang presyo at mag-aalis ng kolusyon (bagaman ang mga batas na anti-pagtatapon at taripa) ay maaaring pumigil sa mga dayuhang kompanya na pumasok sa pamilihan.
- Resesyong ekonomiko: Ang tumaas na aberaheng kabuuang gastos o pagbaba ng kita ay nagbibigay ng insentibo (pabuya) na makipagtunggali sa mga katunggaling kompanya upang makakakuha ng mas malaking bahagi ng pamilihan at magpataas ng pangangailangan.