Pamantasang Stanford

(Idinirekta mula sa Stanford University)

Ang  Pamantasang Stanford (Ingles: Stanford University, opisyal: Leland Stanford Junior University, kolokyal: The Farm) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik sa Stanford, California, katabi ng Palo Alto at nasa pagitan ng San Jose at San Francisco. Ang undergraduate program ng Stanford ay pinakaselektibo sa Estados Unidos. Dahil sa kanyang akademikong lakas, yaman, at kalapitan sa Silicon Valley, ito ay madalas na binabanggit bilang isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa mundo.

Pasukan sa pangunahing patyo sa loob

Ang unibersidad ay itinatag noong 1885 nina Leland at Jane Stanford sa alaala ng kanilang nag-iisang anak na si Leland Stanford Jr., na namatay sa sakit na tipus sa edad na 15 ng nakaraang taon.

Ang kaguruan at alumno ng ay nagtatag ng malaking bilang ng mga kumpanya na nakapagprodyu ng higit pa kaysa sa $2.7 trillion sa taunang kita, na katumbas ng ika-10 pinakamalaking ekonomiya sa mundo.[1] Ito ang alma mater ng 30 buhay na bilyonaryo, 17 astronaut, at 20 Turing Award laureates. Animnapung-apat na Nobel laureates at pitong Fields Medalists ang konektado sa Stanford bilang mag-aaral, alumno, guro, o kawani.

View of the main quadrangle of Stanford University with Memorial Church in the center background from across the grass covered Oval.
View of the main quadrangle of Stanford University with Memorial Church in the center background from across the grass covered Oval.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Beckett, Jamie (24 October 2012). "Study shows Stanford alumni create nearly $3 trillion in economic impact each year". Stanford Report. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 Septiyembre 2020. Nakuha noong 13 July 2016. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

37°25′39″N 122°10′12″W / 37.4275°N 122.17°W / 37.4275; -122.17   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.