Inang diwa

Paaralan o pamantasan na dinaluhan ng isang tao

Ang inang diwa (o inang-diwa) ay isang parirala na mas kilala bilang alma mater, isang pariralang Latin na nangangahulugang "inang nagpapalusog".[1] Ginamit ang parirala sa sinaunang Roma upang tumukoy sa ilang mga inang diyosa, lalo na kay Seres o Sibeles, at ng mga Kristiyano noong Gitnang Panahon bilang pantukoy sa Mahal na Birheng Maria.

Bantayog ng Inang Diwa sa Unibersidad ng Illinois sa Urbana-Champaign

Sa kasalukuyan, ginagamit ang parirala upang tumukoy sa paaralan, dalubhasaan o pamantasan na ikinatapos ng isang mag-aaral at kung saan kinuha niya ang kanyang katibayan ng pagtatapos: diploma, batsilyer o doktorato man. Maaari rin itong tumukoy sa isang awit o himno na may kaugnayan sa nasabing paaralan, dalubhasaan o pamantasan: halimbawa, ang U.P. Naming Mahal ay kinikilala na awiting alma mater ng Unibersidad ng Pilipinas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Alma mater, paaralang pinagtapusan (ng pag-aaral); inang-diwa, awit ng paaralang pinagtapusan (ng pag-aaral), alma mater. - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Silipin din

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.