Laban ng Demokratikong Pilipino
Ang Laban ng Demokratikong Pilipino ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas na itinatag noong taong 1988. Ang kasalukuyang pinuno ng partido ay si Senador Juan Edgardo Angara.
Laban ng Demokratikong Pilipino | |
---|---|
Pinuno | Bellaflor Angara-Castillo |
Tagapangulo | Sonny Angara |
Punong-Kalihim | Arthur Angara |
Itinatag | Setyembre 16, 1988 |
Humiwalay sa | PDP–Laban |
Punong-tanggapan | 3-B Osmena Bldg., 1991 A. Mabini St., Malate, Manila |
Palakuruan | Fiscal conservatism Liberal conservatism Big tent |
Posisyong pampolitika | Centre to Centre-right |
Kasapaing pandaigdig | Centrist Democrat International |
Opisyal na kulay | Asul at Dilaw |
Website | |
www.edangara.com |
Sa kalagitnaan ng dekada '80, naging kasapi ang Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP), at ang partidong Lakas ng Bansa sa koalisyong UNIDO na sumusuporta sa kandidatura ni Corazon Aquino bilang Pangulo at Salvador Laurel bilang Pangalawang Pangulo sa Snap Election noong Pebrero 1986. Noong taong 1986, nagsanib ang PDP at Lakas ng Bayan (LABAN), at nabuo ang PDP-LABAN.
Noong Halalan 1987, ang UNIDO (bilang Lakas ng Bayan) ay naging dominant party sa parehong kapulungan ng Kongreso, at naihalal nila si Ramon Mitra bilang Ispiker ng mababang kapulungan. Hindi nagtagal at nabuwag ang UNIDO. Noong 1988, nahati ang PDP-LABAN sa dalawang paksiyon: ang paksiyon na pinamumunuan ni Aquilino Pimentel, Jr., at ang paksiyon ni Jose "Peping" Cojuangco. Nabuo ang LDP mula sa pagsasanib ng dalawang partido: ang paksiyon ni Cojuangco (ng PDP-LABAN), at ang Lakas ng Bansa ni Ramon Mitra noong 1988.
Noong 1994, nagsanib puwersa ang LDP sa partido Lakas upang bumuo ng alyansa o koalisyon para sa Halalan ng sumunod na taon, at nakakuha sila ng mayorya sa parehong kapulungan ng Kongreso.
Sinuportahan ng LDP ang pagtakbo ni Joseph Estrada bilang Pangulo, at nakipag-alyansa sa dalawa pang partido at itinawag itong Laban ng Makabayang Masang Pilipino.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.