Museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Ang Museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay isang museo ng mga barya, salaping papel at bagay-pananalapi na matatagpuan sa Pilipinas ng mga iba't ibang kapanahunang pangkasaysayan. Ito'y nasa loob ng hugnayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pangasiwaang sentral ng pananalapi ng bansa. Napasinaya ito noong 3 Enero 1999, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 50 taon sa pagbabangko sentral ng Pilipinas, ipinapakita sa publiko ng Museo ang mga koleksiyon ng mga pananalapi ng Bangko.
Bilang taguan at tagapangalaga ng mga pamanang numismatiko ng bansa, nangungulekta, pinag-aaralan at pinapangalagaan ng Museo ang mga barya, salaping-papel, medalya at bagay-pananalapi na matatagpuan sa Pilipinas noong panahon ng mga iba't ibang pangyayaring pangkasaysayan. Ang mga koleksiyong ito ay nakalagay nang nakalantad sa Museo.
Dinisenyo upang "lakaran" ng mga panauhin sa mga bilang ng galerya, inialay nang pangisahan sa isang tiyak na kapanahunang pangkasaysayan ng bansa, isinalaysay nang may matatanawan ng Museo ang mga kaunlaran ng ekonomiya, kabalalay sa ebolusyon ng pananalapi. Ang mga komplementaryong larawang-pinta mula sa koleksiyong pansining ng BSP, kasama ang mga napiling antigo, ay nagbibigay ng kasiglahan sa bawat galerya.
Isang panoramikong bagay pang-alaala ng 50 taon ng pagababangko sentral sa Pilipinas, ay ipinapakita sa taumbayan ang mga yangkaw na nilikha sa pagpapadala tungkol sa katatagan ng presyo, upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa bansa. Ang bulwagang eksibisyon ay nagdadala rin ng mga busto ng mga tagapagasiwa ng Bangko Sentral.
Tingnan din
baguhinMga panlabas na kawing
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.