Piso ng Pilipinas

pera ng Pilipinas

Ang Piso ng Pilipinas (Ingles na Pilipinong pagbigkas: /ˈpɛs/, /ˈpis/; Filipino: [ˈpiso] o [pɪˈso]; simbolo ng salapi: ₱; kodigo: PHP), ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang Kastila na ang piso ay nangangahulugang "timbang". Nahahati ang bawat piso sa 100 sentimos. Ang "PHP" ay ang kodigo nito sa ISO 4217. Ang Pilipinas ay isa mga bansang naging Kolonya ng Espanya na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng Mehiko, Kolombiya at Arhentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 569.2 bilyong piso (halos USD 11.5 bilyon).

Piso ng Pilipinas
Salaping papel at barya na piso ng Pilipinas
Salaping papel na piso ng Pilipinas
na kasalukuyang ginagamit
Salaping barya na piso ng Pilipinas
na kasalukuyang ginagamit
Kodigo sa ISO 4217PH
Bangko sentralBangko Sentral ng Pilipinas
 Websitewww.bsp.gov.ph
User(s)Pilipinas Pilipinas
Pagtaas6.0%[1]
 PinagmulanBangko Sentral ng Pilipinas, Oktubre 2018[1]
Subunit
 1/100Sentimo o centavo
Sagisag
Perang barya
 Pagkalahatang ginagamit₱1, ₱5, ₱10, ₱20
 Bihirang ginagamit, , 10¢, 25¢
Perang papel
 Pagkalahatang ginagamit₱20, ₱50, ₱100, ₱500, ₱1000
 Bihirang ginagamit₱200
Limbagan ng perang baryaThe Security Plant Complex
 Websitebsp.gov.ph
Gawaan ng perang baryaThe Security Plant Complex
 Websitebsp.gov.ph

Bago pa ang 1967, nang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos, ang wikang ginagamit sa perang papel at barya ay nasa Ingles; kaya “peso” ang ginamit noon. Ngayong Filipino na ang gamit sa mga salaping papel at barya, naging “piso” na ang pangalan ng salapi ng Pilipinas.

Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1. Ang simbolo maipalalabas sa mga sulat-tala (Ingles: word processor) sa pamamagitan ng pagpindot ng “20B1” at pindutin ang Alt at X nang sabay.[2] Ang simbolong ito ay natatangi sa Pilipinas dahil ang mga bansang gumagamit ng piso tulad ng Mehiko at ang mga iba pang dating sakop ng Espanya sa Amerikang Latino ay gumagamit ng “$”.

Ang mga salaping papel at barya ng Pilipinas ay nililimbag at ginagawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa Lungsod Quezon.[3]

Kasaysayan

baguhin

Bago ang Panahong Kastila

baguhin

Ang pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga mangangalakal gáling sa mga kalapit pulo ay sinasagawa sa pamamagitan ng palítan ng mga bagay. Ang hindi magandang naidudulot ng palítan na ito ay nagbunsod ng paggamit ng ginto bílang sukatán ng palítan.

Kastilang Kolonyal na Panahon

baguhin

Dala-dala ng mga Kastila ang kanilang salaping barya ng dumating sila noong 1521. Ang teston o apat na reales na baryang pilak ang tinuturing na kaunaunahang baryang Europeo na nakarating sa isla ng Pilipinas sabay sa pagdating ni Ferdinand Magellan. Ang teston ay naging de facto na yunit ng kalakalan sa pagitan ng mga Espanyol at Pilipino bago ang pagbangon ng Maynila noong 1574. Ang katutubong pangalan sa Tagalog ng barya ay "salapi".

Salaping barya

baguhin

BSP Serye ng Salaping Barya (BSP Coin Series, 1995 – 2017)

baguhin

Noong 1995, isang bagong pangkat ng salaping barya at papel ang nilabas na tampok ang sagisag ng bagong BSP: 5- at 1- piso at 25-, 10-, 5- at 1-sentimo. Noong 10 Hulyo 2001, nilabas ng BSP ang 10-pisong barya para sa pangkalahatang sirkulasyon upang ipagunita ang ikawalong taóng anibersaryo nito. Tampok dito ang magkasamang tagiliran nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini sa tagiliran ng barya. Tampok sa baliktaran ang selyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kasang-ayon sa karaniwang baliktarang disenyo ng iba pang anim na halaga ng salaping barya. Ito ay karagdagang halaga sa kasalukuyang sirkulasyon ng barya at pamalit sa 10-pisong Serye ng Bagong Disenyong salaping papel.[4]

Serye ng Salaping Barya
Talaksan Halaga Teknikal na parametro Deskripsyon Taon ng Unang Isyu
Tagiliran Baliktaran Dyametro Bigat Komposisyon Gilid Tagiliran Baliktaran
    1 sentimo 15.5 mm 2.0 g Bakal na tubog sa tanso Payak "Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
    5 sentimos 15.5 mm 1.9 g Payak

(may 4 mm butas sa gitna)

"Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
    10 sentimos 17.0 mm 2.5 g Mala-tinubuan ng tambo "Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
    25 sentimos 20.0 mm 3.8 g Tanso Payak "Republika ng Pilipinas", halaga at taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
3.6 g Bakal na tubog sa tanso 2004
    1 piso 24.0 mm 6.1 g Cupronikel Mala-tinubuan ng tambo Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas

"Republika ng Pilipinas", tagiliran ni Jose Rizal, halaga at taon ng paggawa ng salaping barya

Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
5.35 g Bakal na tubog sa nikel 2004
    5 piso 27.0 mm 7.7 g 70% tanso

5.5% nikel

24.5% sink

Payak 12-tulis na disenyong mala-kabibe sa tagiliran, "Republika ng Pilipinas", tagiliran ni Emilio Aguinaldo, halaga at taon ng paggawa ng salaping barya 12-tulis na disenyong mala-kabibe sa tagiliran, Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
    10 piso 26.5 mm 8.7 g Argola: Cupronickel Naantalang pagkabyaw Argola: "Republika ng Pilipinas", taon ng paggawa ng salaping barya Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 2000
Gitna: Tansong aluminyo Gitna: Tagiliran nina Andrés Bonifacio at Apolinario Mabini, halaga

Serye ng Bagong Salinlahing Baryang Salapi (New Generation Currency Coin Series, 2018 - Kasalukuyan)

baguhin

Noong 26 Marso 2018, ipinakita ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang New Generation Currency Coin Series na ipinamamahagi sa pamamagitan ng mga bangko noong Marso 27. Nagtatampok ang bagong serye ng katutubong flora ng Pilipinas. Gayunpaman, ang 10-sentimo na barya ay hindi kasama sa serye na ito, dahil ito ay inalis bilang isang pangkalahatang barya sa sirkulasyon.[5]

Serye ng Bagong Salinlahing Baryang Salapi (2018)
Tagiliran Baliktaran Halaga Dyametro Bigat Kapal ng Gilid Komposisyon Gilid Tagiliran Baliktaran Taon ng Unang Isyu
    1 sentimo 15 mm 1.90 g 1.54 mm Bakal na tubog sa nikel Payak "Republika ng Pilipinas"; Tatlong bituin at ang araw (inistilong representasyon ng Watawat ng Pilipinas); Halaga; Taon ng paggawa; Marka ng mint Xanthostemon verdugonianus (Mangkono); tatak ng Bangko Sentral ng Pilipinas 2018
    5 sentimo 16 mm 2.20 g 1.60 mm Bakal na tubog sa nikel Mala-tinubuan ng tambo "Republika ng Pilipinas"; Tatlong bituin at ang araw (inistilong representasyon ng Watawat ng Pilipinas); Halaga; Taon ng paggawa; Marka ng mint Calotropis gigantea (Kapal-kapal Baging); tatak ng Bangko Sentral ng Pilipinas 2018
    25 sentimo 20 mm 3.60 g 1.65 mm Bakal na tubog sa nikel Payak "Republika ng Pilipinas"; Tatlong bituin at ang araw (inistilong representasyon ng Watawat ng Pilipinas); Halaga; Taon ng paggawa; Marka ng mint Dillenia philippinensis (Katmon); tatak ng Bangko Sentral ng Pilipinas 2018
    ₱1 23 mm 6.00 g 2.05 mm Bakal na tubog sa nikel Naantalang pagkabyaw "Republika ng Pilipinas"; José Rizal; Halaga; Taon ng paggawa; Marka ng mint Vanda sanderiana (Waling-waling); tatak ng Bangko Sentral ng Pilipinas 2018
    ₱5 25 mm 7.40 g 2.20 mm Bakal na tubog sa nikel Payak "Republika ng Pilipinas"; Andrés Bonifacio; Halaga; Microprint ng "Republika ng Pilipinas"; Taon ng paggawa; Marka ng mint Strongylodon macrobotrys (Tayabak); tatak ng Bangko Sentral ng Pilipinas; Microprint ng "Bangko Sentral ng Pilipinas" 2017
    ₱10 27 mm 8.00 g 2.05 mm Bakal na tubog sa nikel Mala-tinubuan ng tambo na may letrang "BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS" "Republika ng Pilipinas"; Apolinario Mabini; Halaga; Microprint ng "Republika ng Pilipinas"; Taon ng paggawa; Marka ng mint Medinilla magnifica (Kapa-kapa); tatak ng Bangko Sentral ng Pilipinas; Microprint ng "Bangko Sentral ng Pilipinas"; Microdots 2018

Salaping papel

baguhin

Serye ng Bagong Salinlahing Salapi (New Generation Currency, 2010 - Kasalukuyan)

baguhin

Noong 2009, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagpahayag na maglulunsad ito ng malawakang pagbabago sa disenyo ng kasalukuyang salaping papel at barya upang paigtingin pa ang mga tampok na panseguridad at kalidad nito.[6] Ang mga kasapi ng munismatikong komite ay sina Deputy Governor Diwa Guinigundo at Ambeth Ocampo, Chairman ng Pambansang Pangkasaysayang Institusyon (Ingles: National Historical Institute). Tampok sa bagong disenyo ng mga salapi ang mga sikát na Pilipino at tanawin. Ang BSP ay nagsimulang magpaikot ng unang pangkat ng mga bagong salaping papel noong Disyembre 2010.

Serye ng Bagong Salinlahing Salapi
Talaksan Halaga Pangunahing Kulay Deskripsiyon Taon ng Unang Isyu
Tagiliran Baligtaran Tagiliran Baligtarin
₱20 Kahel 2010
₱50 Pula 2010
₱100 Lila 2010
₱100 Lila 2015
₱200 Luntian 2010
₱200 Luntian 2017
₱500 Dilaw 2010
₱1000 Bughaw 2010
₱1000 Bughaw 2017

Pagkakamali

baguhin

Ilang pagkakamali ang natuklasan sa mga salapi ng seryeng Bagong Salinlahi at naging paksa ng panlilibak sa social networking sites. Kabílang sa mga ito ang pagbukod sa Batanes mula sa mapa ng Pilipinas sa likod ng lahat ng salaping papel, ang maling kinalalagyan ng Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa sa likod ng 500-pisong salaping papel at ng Bahurang Tubbataha sa likod ng 1000-pisong salaping papel, at ang maling pagkukulay sa tuka at mga balahibo ng blue-naped parrot sa 500-pisong salaping papel,[7][8] ngunit agad natuklasan ito na dulot ng limitasyon ng kulay ng intalioung paglilimbag.[9] Ang pang-agham na mga pangalan ng mga hayop na tampok sa likod ng lahat ng salaping papel ay nalimbag na mali rin.[10]

Pinagmulan

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-06. Nakuha noong 2016-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://techmagus.ninja/how-to-type-the-peso-sign/[patay na link]
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-06. Nakuha noong 2016-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-11. Nakuha noong 2016-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cabuenas, Jon Viktor D. (Marso 26, 2018). "BSP releases New Generation Currency Coins". GMA News.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-06. Nakuha noong 2016-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-01-07. Nakuha noong 2016-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://news.abs-cbn.com/business/12/19/10/errors-found-new-peso-bills
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-06. Nakuha noong 2016-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. http://philmoney.blogspot.com/2010/12/problem-with-scientific-names-in-new.html

Kawing panlabas

baguhin