Baryang isang-sentimo ng Pilipinas
Ang baryang isang-sentimo ng Pilipinas (1¢) ay ang pinakamaliit na denominasyong barya ng piso ng Pilipinas. Ito ay ginamit na magmula pa noong panahon ng Amerikano noong 1903.[1] Ito ay naging pinakamaliit na yunit na halaga ng pananalapi ng Pilipinas nang matanggal ang kalahating sentimong barya noong 1908.[2]
Pilipinas | |
Halaga | 0.01 piso ng Pilipinas |
---|---|
Timbang | 1.9 g |
Diyametro | 15.00 mm |
Kapal | 1.5 mm |
Gilid | Makinis |
Komposisyon | Nikel na tinubog sa bakal |
Taon ng paggawa | 1903–kasalukuyan |
Obverse | |
Disenyo | Denominasyon, pangalan ng bansa sa wikang Tagalog, taon, at inistilong hitsura ng watawat ng Pilipinas |
Petsa ng pagkadisenyo | 2017 |
Reverse | |
Disenyo | Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at halamang mangkono |
Petsa ng pagkadisenyo | 2017 |
Kasaysayan
baguhinBago ang kalayaan
baguhinWalang sang-kasandaang yunit na barya habang panahon ng mga Kastila, dahil ang sampung sentimong barya ang pinakamababang denominasyon ng peso Filipino fuerte (1861–1898).
Ang kaunaunahang isang-sentimong barya ay unang nilabas noong 1903. Ito ay itinampok sa harapan ang nakatira sa islang malapit sa bulkan na may nakasulat ng 'One Centavo' (isang sentimo) sa itaas na bahagi, at 'Filipinas' sa ibabang bahagi. Ang likuran naman ay itinampok ang sagisag ng Pilipinas noong panahon ng Amerikano na may nakasulat na 'United States of America' (Estados Unidos ng Amerika) sa itaas na bahagi, at ang taon ng pagkagawa sa ibabang bahagi.[1] Ang baryang ito ay ginawa hanggang 1936, na pinalitan ng sagisag ng Pilipinas. Ang pangalawang baryang ito ay ginawa hanggang 1944.[3]
Panahon ng kalayaan
baguhin- English Series (seryeng Ingles); Noong 1958, ang baryang ito ay ginawa na nasa likuran ang kasalukuyang sagisag ng Pilipinas.[4] Ang kasulatan sa looban ng sagisag ng Pilipinas ay 'Central Bank of the Philippines'.
- Seryeng Pilipino; Noong 1967, ang baryang ito ay naipalit patungong wikang Tagalog, at ang komposisyon nito ay pinalitan sa aliminyo. Ang harapan ng baryang ito ay makikita si Lapu-Lapu, ang katutubong namumuno sa pulo ng Mactan na nakipaglaban mula sa kolonya ng Espanya.[5] Ang kasulatan sa likuran ng barya ay ang sagisag ng Pilipinas na May nakalagay na 'Republika ng Pilipinas'
- Seryeng Ang Bagong Lipunan; Ang pangalawang aluminyong barya ay ginawa mula 1975 hanggang 1982, at ang hugis ay kwadrado.[6] Tampok pa rin sa harapan si Lapu-Lapu. Sa likuran naman, tampok ang dating sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas at May nakasulat na 'Ang Bagong Lipunan'. Ang mga baryang ito na may taong 1979 hanggang 1982 ay mayroong marka sa ilalim ng barya.[7]
- Seryeng Flora and Fauna; Mula taong 1983 hanggang 1993, ang baryang ito ay inisyu na may diyametrong 15.5 milimetro, at may timbang na 0.7 gramo. Ito ay tampok pa rin si Lapu-Lapu sa harapan ng barya.[8]
- Seryeng barya ng BSP; Mula sa pagkakilala ng uri ng baryang ito noong 1995, ito ay gawa sa tanso tubog sa bakal, at walang kahit anong mukhang nakalagay sa barya. Ang likuran naman ay sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na ginamit sa lahat ng barya sa seryeng ito.[9] Sa ganitong disenyo ng isang-sentimong barya, mga 18 milyong piraso lamang ang ginawa,[10] na ang kahulugan ng pagtataya sa populasyon ng Pilipinas noong taong 2010 na may populasyong 94 milyon,[11] ito ay humigit kumulang na apat na tao na magkakaroon ng isang sentimong barya.
- Seryeng barya ng Pananalaping Bagong Henerasyon; Sa seryeng ito, ang uri ng baryang isang-sentimong barya ay unang nilabas noong taong 2018, na nakatampok sa harapan ang nakaestilong watawat ng Pilipinas, ang tatlong bituin at ang araw, ang pangalan na 'Republika ng Pilipinas', taon at denominasyo. Sa likuran naman, nakatampok ang bulaklak na Magkono (Xanthostemon verdugonianus) at ang kasalukuyang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Seryeng Ingles (1958–1967) |
Seryeng Pilipino (1967–1974) |
Seryeng Ang Bagong Lipunan (1975–1982) |
Seryeng Flora and Fauna (1983–1993) |
Seryeng barya ng BSP (1995–2017) |
Seryeng barya ng Pananalaping Bagong Henerasyon (2018–kasalukuyan) | |
---|---|---|---|---|---|---|
Harapan | ||||||
Likuran |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 km163 1 Centavo (1903-1936)&query=Philippines
- ↑ http://worldcoingallery.com/countries/display.php?image=img5/142-162&desc=Philippines km162 1/2 Centavo (1903-1908)&query=Philippines
- ↑ km179 1 Centavo (1937-1944)&query=Philippines
- ↑ km186 1 Centavo (1958-1963)&query=Philippines
- ↑ km196 1 centavo (1967-1974)&query=Philippines
- ↑ km205 1 centavo (1975-1978)&query=Philippines
- ↑ km224 1 centavo (1979-1982)&query=Philippines
- ↑ km238 1 centavo (1983-1993)&query=Philippines
- ↑ km273 1 centavo (1995--)&query=Philippines
- ↑ Jeroen Hellingman. "Philippine Coins". Bohol.ph. Nakuha noong 2013-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1] Naka-arkibo August 11, 2011, sa Wayback Machine.