Lapulapu
Si Lapulapu[1][2][3] (aktibo noong 1521) ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga taga-Europa. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes.[4] Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino.[5][6] Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu,[7] Si Lapu-Lapu,[8] Salip Pulaka,[9][note 1] at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco),[10] subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.
Lapulapu | |
---|---|
Kapanganakan | 1491 |
Kamatayan | 1542 (edad 50–51) |
Monumento | |
Ibang pangalan |
|
Kilala sa | Namuno sa mga hukbong Bisaya na pumatay kay Fernando Magallanes |
Titulo | Datu ng Mactan |
Si Lapulapu ay pinaniniwalaang isang Muslim na nagmula sa mga Tausug.[11] Pinaniniwalaan din na si Lapulapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.[12]
Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapulapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Lapulapu. Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang lusubin ang Mactan. Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapulapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ni Lapulapu.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ ABS-CBN News (Mayo 1, 2019). "It's Lapulapu: Gov't committee weighs in on correct spelling of Filipino hero's name". ABS-CBN News. Manila: ABS-CBN Corporation. Nakuha noong Marso 24, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mendoza, Norman (Nobyembre 14, 2019). "NQC: Lapulapu (without the hyphen) is Mactan ruler's name". Cebu Daily News. Lapu-Lapu City, Philippines. Nakuha noong Marso 24, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alipon, Joworski (Nobyembre 14, 2019). "National Historical Commission to improve Lapulapu monument in Cebu". ABS-CBN News. Cebu City: ABS-CBN Corporation. Nakuha noong Marso 24, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Briney, Amanda. "Ferdinand Magellan". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Pebrero 2017. Nakuha noong 6 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zaide, Sonia M. (1994). The Philippines: A Unique Nation. All-Nations Publishing Co., Inc. pp. 83–84. ISBN 971-642-005-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ De Guzman, Maria O. (1967). The Filipino Heroes. National Bookstore, Inc. p. 58. ISBN 971-08-2987-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Antonio Pigafetta (1812). "Pigafetta's Voyage Round the World". Sa John Pinkerton (pat.). A general collection of the best and most interesting voyages and travels in all parts of the world: many of which are now first translated into English ; digested on a new plan. Longman, Hurst, Rees, and Orme. p. 344.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Antonio de Morga (1559–1636) annotations by José Rizal (1890). Sucesos de las islas Filipinas por el doctor Antonio de Morga, obra publicada en Méjico el an̄o de 1609. nuevamente sacada à luz y anotada por José Rizal y precedida de un prólogo del prof. Fernando Blumentritt. Garnier hermanos. p. 4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ William Henry Scott (1994). Barangay: sixteenth-century Philippine culture and society. Ateneo de Manila University Pres. ISBN 9789715501354.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Albert P. Blaustein, Jay A. Sigler, Benjamin R. Beede (1977). "Republic of the Philippines: Cavite Declaration of 12 Hunyo 1898". Independence Documents of the World, Volume 2. Oceana Publications. p. 567. ISBN 0379007959.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ http://books.google.co.uk/books?id=U3rXBdkCnL0C&pg=PA41&dq=lapu-lapu+muslim&hl=en&sa=X&ei=f-iFUvaKJ6SS7QbszIDICw&ved=0CDAQ6AEwAA#v=onepage&q=lapu-lapu%20muslim&f=false
- ↑ http://books.google.co.uk/books?id=axwAwWsxYOUC&pg=PT497&dq=lapu-lapu+muslim&hl=en&sa=X&ei=f-iFUvaKJ6SS7QbszIDICw&ved=0CD0Q6AEwAg#v=onepage&q=lapu-lapu%20muslim&f=false
Tanda
baguhin- ↑ Salip (and its variants Sarripada, Sipad, Paduka, Seri Paduka, and Salipada, etc.) is a royal title derived from the Sanskrit title Sri Paduka, denoting "His Highness". It is not derived from the Islamic title Khalīfah (Caliph), despite common misconception. The title is still used today in Malaysia as Seri Paduka.
Mga dagdag na babasahin
baguhin- Agoncillo, Teodoro A. "Magellan and Lapu-Lapu". Fookien Times Yearbook, 1965, p. 634.
- Alcina, Francisco, Historia de las Islas e Indios de Bisaya, MS 1668.
- Correa, Gaspar, Lendas de India, Vol. 2, p. 630.
- Cruz, Gemma, "Making Little Hero of Maktan."
- Estabaya, D. M., "445 Years of Lapu-lapu", Weekly nation 1: 26–27, 25 Abril 1966.
- Pigafetta, Antonio, Primo Viaje en Torno al Globo Terraqueo, Corredato di Notte de Carlo Amoteti, Milano, 1800.