Ang Malaysia /ma·ley·sya/ (Malay: Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labintatlong mga estado at tatlong teritoryong federal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329 847 kilometro kuwadrado.[2][13] Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang federal. Ang populasyon ng bansa ay umaabot sa mahigit 25 milyon.[2] Ang bansa ay nahahati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang Malaysia.[2] Kahangganan ng Malaysia ang mga bansang Thailand, Indonesia, Singapore. Brunei at Pilipinas.[2] Ang bansa ay malapit sa ekwador at nakakatamasa ng klimang tropikal.[2] Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari' o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang punong ministro.[14][15] Ang pamahalaan ay kahalintulad nang bahagya o ibinatay sa sistemang parliyamentaryo ng Westminster.[16]

Malaysia
مليسيا(Jawi)

A blue rectangle with a gold star and crescent in the canton, with 14 horizontal red and white lines on the rest of the flag
Watawat
Shield showing symbols of the Malaysian states with a star and crescent above it and a motto below it supported by two tigers
Coat of arms
Salawikain: "Bersekutu Bertambah Mutu"[1]
"Kalakasan ang Pagkakaisa"
Awit: Negaraku
Aking Bansa
Location of Malaysia
KabiseraPutrajaya
Pinakamalaking lungsodKuala Lumpur
Opisyal na wikaMalaysian Malay
Malay (Latin) alphabet
Recognised languages
English
Pangkat-etniko
([2])
KatawaganMalaysian[3]
PamahalaanFederal parliamentary
constitutional monarchy
, Elective monarchy
• Hari
Abdullah ng Parang
Muhyiddin Yasin
LehislaturaParliamento
Kapulungang Pambansa
Kapulungang Pambayan
Independence 
31 August 1957[4]
22 July 1963[5]
31 August 1963[6]
16 September 1963
Lawak
• Kabuuan
329,847 km2 (127,355 mi kuw) (67th)
• Katubigan (%)
0.3
Populasyon
• Pagtataya sa 2021
33,261,000[7] (42nd)
• Senso ng 2010
28,334,135[8]
• Kapal
92/km2 (238.3/mi kuw) (116th)
GDP (PPP)Pagtataya sa 2014
• Kabuuan
$555.912 billion[9]
• Kada kapita
$18,509[9]
GDP (nominal)Pagtataya sa 2014
• Kabuuan
$367.712 billion[9]
• Kada kapita
$12,243[9]
Gini (2009)46.2[10]
mataas · 36th
HDI (2013)0.773[11]
mataas · 62nd
SalapiRinggit (RM) (MYR)
Sona ng orasUTC+8 (MST)
• Tag-init (DST)
UTC+8 (not observed)
Ayos ng petsadd-mm-yyyy
Pagmaneholeft
Kodigong pantelepono+60
Kodigo sa ISO 3166MY
Dominyon sa Internet.my, مليسيا.[12]

KasaysayanBaguhin

Nagkaroon na ng patunay ng pagkakaroon ng mga pamayanan sa Malaysia. Humihigit-kumulang ang simula ng kasaysayan ng Malaysia ay 40,000 taon makalipas.[17] Pinaniniwalaang ang mga unang tumira sa tangway ay mga Negrito.[18] Nakisalamuha ang mga taga-Malaysia sa mga taga-India at Tsina, na patuloy na nagpalaganap sa kani-kanilang kultura.

Lumaganap ang Islam sa Malaysia sa pagdating ng mga Arabong mangangalakal na tumulong sa bahaginan ng kultura.[19]

Nakalaya ang Malaysia mula sa Britanya noong 1957, at tuluyang lumabas ang Singapura mula sa sakop ng Kalipunan noong 1965.

Pinanggalingan ng SalitaBaguhin

 
Ang salitang Malaysia na mababasa sa isang mapa noong 1914 mula sa isang Amerikanong atlas

Ang pangalang "Malaysia" ay ginamit noong 1963 nang ang Kalipunan ng Malaya, Singapura, Hilagang Borneo at Sarawak ay bumuo ng isang pederasyong may 14 na estado.[20] Subalit bago mabuo ang pederasyon, ang pangalang ito ay madalang na ginamit upang tukuyin ang mga pook sa Timog Silangang Asya. Isang mapa ang inilathala noong 1914 sa Chicago na may nakatalang salitang Malaysia ang nagsasabi sa ilang mga teritoryo sa loob ng Arkipelago ng Malay.[21] Minsan rin naisip ng Pilipinas na gamitin ng kanilang bansa ang pangalang "Malaysia", subalit ginamit na ito ng Malaysia noong 1963 bago man gawan ito ng hakbang Pilipinas.[22] Ang iba pang pangalang naisip noong 1963 ay ang Langkasuka, na hango sa dating kaharian na sa hilagaang bahagi ng Tangway ng Malay noong unang sanglibong taon.[23]

Paghahating PampolitikaBaguhin

Ang Malaysia ay binubuo ng 13 bansa (negeri) (Johor, Kedah, Kelantan, Melaka, Negeri Sembilan, Pahang, Penang, Perak, Perlis, Sarawak, Sabah, at Terengganu), at 3 teritoryong pederal (Kuala Lumpur, Labuan, at Putrajaya).

DemograpiyaBaguhin

Ang populasyon ng Malaysia ay binubuo ng maraming lahi, na ang lahing Malay at iba pang katutubo (bumiputra) sa Sabah at Sarawak ang bumubuo ng may 65%[24] ng buong populasyon. Nakabatay sa Saligang Batas na ang mga Malay ay mga Muslim na nakasayanan sa kaugalian at kulturang Malay. Kaya ang isang Muslim ng kahit anong lahi na nakasanayan sa kaugalian at kalinangang Malay ay maituturing na isang Malay at may pantay-pantay na karapatan pagdating sa karapatang Malay na nakabatay sa saligang batas. Mga pangkat na katutubo ngunit hindi Malay ay bumubuo ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng Sarawak (30% ay mga Iban), at nasa 60% ng populasyon ng Sabah (18% ang mga Kadazan-Dusun, at 17% naman ang mga Bajau)[24]. Mayroon ding iba pang grupong katutubo sa kanlurang bahagi ng bansa, na ang tawag sa kanila ay "Orang Asli".

Ang mga Tsino ay nasa 26% ng populasyon, samantalang ang mga Indiyan ay nasa 8% [24]. Ang karamihan sa mga Indio ay Tamil.

PananampalatayaBaguhin

Islam ang opisyal na relihiyon ng Malaysia bagaman ang bansa ay may maraming relihiyon. Ayon sa Population and Housing Census ng taong 2000, humigit-kumulang na 60.4 porsyento ng populasyon ay sinasampalatayanan ang relihiyong Islam; Budismo na may 19.2 porsyento; Kristiyanismo na may 9.1 porsyento; Hinduismo na 6.3 percent; at tradisyonal na relihiyong Tsino (2.6%).[24] Ang nalalabing 2 porsyento ay naitala sa ibang pananampalataya, kasama na ang Animismo at Sikhismo.[24]

Ang Saligang Batas ng Malaysia ay tumitiyak ng kalayaan sa pananampalataya, ngunit ito ay hinihigpitan sa kasalukuyan. Lahat ng etnikong Malay ay Muslim ayon na rin sa Saligang Batas ng Malaysia.[25] Idagdag pa ang lahat ng mga hindi Muslim na nag-asawa sa isang Muslim ay kailangang itakwil ang kanilang kinaaanibang relihiyon at lumipat sa relihiyong Islam. Kapag ang isang tao ay naging Muslim, hindi na siya puwedeng itakwil ang relihiyong Islam at lumipat sa ibang pananampalataya. Samantala ang mga hindi Muslim ay nakakaranas ng pagbabawal sa ibang gawain tulad ng pagtayo ng gusaling panrelihiyon at pagdaos ng kaganapang panrelihiyon sa ibang bahagi ng bansa.[26][27] Ang mga Muslim ay inoobligahang sundin ang mga pasya ng hukumang Sharia pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang relihiyon. Ang sakop ng hukumang Sharia ay umaaplika lamang sa mga Muslim ukol sa bagay na may kinalaman sa pananampalataya at mga tungkulin bilang isang Muslim, kasama ang pag-aasawa, pamana, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa. Hindi saklaw ng hukumang Sharia ang kasong kriminal.

Mga kawing panlabasBaguhin

  1. "Malaysian Flag and Coat of Arms". Malaysian Government. Nakuha noong 9 September 2013.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 CIA. The World Fact Book: Malaysia. Retrieved 9 Disyembre 2006.
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang state.gov); $2
  4. Derek Mackay (11 June 2005). Eastern Customs: The Customs Service in British Malaya and the Opium Trade. The Radcliffe Press. mga pa. 240–. ISBN 978-1-85043-844-1. Nakuha noong 28 August 2013.
  5. Frans Welman. Borneo Trilogy Sarawak: Volume 2. Booksmango. mga pa. 134–. ISBN 978-616-245-089-1. Nakuha noong 28 August 2013.
  6. Frans Welman. Borneo Trilogy Volume 1: Sabah. Booksmango. mga pa. 159–. ISBN 978-616-245-078-5. Nakuha noong 28 May 2013.
  7. "Malaysia Population Clock". Department of Statistics, Malaysia. Nakuha noong 16 March 2014.
  8. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Population); $2
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 "Malaysia". International Monetary Fund. Nakuha noong 23 January 2013.
  10. "Gini Index". World Bank. Nakuha noong 2 March 2011.
  11. "2014 Human Development Report Summary" (PDF). United Nations Development Programme. 2014. mga pa. 21–25. Nakuha noong 27 July 2014.
  12. "Delegation of the مليسيا domain representing Malaysia in Arabic". Internet Assigned Numbers Authority. Nakuha noong 16 June 2013.
  13. Article 1. Constitution of Malaysia.
  14. Article 33. Constitution of Malaysia.
  15. Article 43. Constitution of Malaysia.
  16. Ang Federation of International Trade Associations. General Information of Malaysia. Retrieved 7 Disyembre 2007.
  17. Holme, Stephanie (13 Pebrero 2012). "Getaway to romance in Malaysia". stuff.co.nz. Isinangguni noong Ika-10 ng Marso, 2018.
  18. Fix, Alan G. (Hunyo1995). "Malayan Paleosociology: Implications for Patterns of Genetic Variation among the Orang Asli". American Anthropologist. New Series. 97(2): 313–323. doi:10.1525/aa.1995.97.2.02a00090. JSTOR 681964.
  19. W.P. Groeneveldt, 1877, Notes on the Malay Archipelago and Malacca (Mga Tala sa Kapuluang Malay at Malacca), Batavia : W. Bruining. Isinangguni noong ika-10 ng Marso, 2018.
  20. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang am002); $2
  21. The New Student's Reference Work. 1914.
  22. Sakai, Manako. Reviving Malay Connections in Southeast Asia.
  23. Page 46–47. Suarez, Thomas. Early Mapping of Southeast Asia.
  24. 24.0 24.1 24.2 24.3 24.4 "Population and Housing Census" Press statement , Department of Statistics, Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (sa Ingles)
  25. Artikulo 160 (2). Saligang Batas ng Malaysia.
  26. Inter Press Service: Temple Demolitions Spell Creeping Islamisation. Nakuha noong 2008-07-15. (sa Ingles)
  27. BBC : Pressure on multi-faith Malaysia. Nakuha noong 2008-07-15. (sa Ingles)