Sabah
Ang Sabah (pagbigkas: sá•ba) na dating Hilagang Borneo, ay isa sa dalawang estado ng Malaysia sa pulo ng Borneo (ang Sarawak ang isa pa nitong estado). May ibang antas ng awtonomiya ang naturang lupain sa pangangasiwa, pandarayuhan, at hudikatura na siyang nagtatangi rito sa mga estado at iba pang estado sa Tangway ng Malaysia. Matatagpuan ang Sabah sa hilagang Borneo, kahangganan ang estado ng Sarawak sa timog-kanluran, Kalimantan ng Indonesia sa timog, habang nahihiwalay naman ng dagat mula sa Pederal na Lupain ng Labuan sa kanluran, at sa Pilipinas sa hilaga at silangan. Kota Kinabalu ang kabiserang lungsod ng Sabah na siya ring lunduyan ng kalakalan ng estado at luklukan ng pamahalaan. Kabilang sa mga pangunahing bayan ng Sabah ay ang Sandakan at Tawau. Batay sa senso noong 2015 ng Malaysia, 3,543,500 ang bilang ng tao sa buong estado.[1] May klimang ekwatoryal ang Sabah at may kagubatang tropikal na sagana sa mga iba't ibang uri ng hayop at halaman. May mahabang bulubundukin ang estado sa kanlurang bahagi na bumubuo sa Crocker Range National Park. Ang Ilog Kinabatangan, ang ikalawang pinakamahabang ilog sa Malaysia, at ang Bundok Kinabalu, ang pinakamatayog na tuktok ng Malaysia ay pawang matatagpuan sa Sabah.
Sabah | |||
---|---|---|---|
Negeri Sabah نڬري سابه | |||
| |||
Kinaroroonan ng Sabah sa Malaysia | |||
Mga koordinado: 5°15′N 117°0′E / 5.250°N 117.000°E | |||
Kabisera | Kota Kinabalu | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 72,500 km2 (28,000 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2015)[1] | |||
• Kabuuan | 3,543,500 | ||
• Kapal | 49/km2 (130/milya kuwadrado) | ||
Demonym | Sabahan |
Tinatayang 20,000–30,000 taon na ang nakararaan nang manirahan ang tao sa Sabah sa paligid ng Look ng Darvel at mga yungib ng Madai-Baturong. May kalakalan nang nagaganap sa pagitan ng mga taga-Sabah at Tsina mula pa noong ika-14 na dantaon. Napasailalim ito sa Imperyo ng Brunei noong ika-15 dantaon at sa Sultanato ng Sulu sa pagitan ng ika-17 hanggang ika-18 dantaon. Pinangasiwaan naman ang estado ng North Borneo Chartered Company noong ika-19 hanggang ika-20 dantaon. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop ng Japan ang estado sa loob ng tatlong taon bago ito ipasa bilang British Crown Colony noong 1946. Ginawaran naman ng mga Briton ng malasariling pamahalaan ang Sabah noong Agosto 31, 1963. Kasunod nito, isa ang Sabah sa mga nagtaguyod ng Pederasyon ng Malaysia (itinatag noong Setyembre 16, 1963) kasama ng Sarawak, Singapore (pinatalsik noong 1965), at ng Pederasyon ng Malaya. Subalit, tinutulan ito ng Indonesia, na nauwi sa Engkwentro (Konfrontasi sa wikang Indonesian) nang higit sa tatlong taon kasabay ng pag-aangkin ng Pilipinas na patuloy hanggang sa ngayon, bagaman hindi na ito aktibong isinusulong.[2]
Ang puno ng estado ay ang Gobernador na kilala rin bilang Yang di-Pertua Negeri, habang ang puno ng pamahalaan ay ang Punong Ministro. Halos isinunod ng sistemang pampamahalaan ng estado ang sistemang Westminster at may isa sa pinakaunang pang-estadong batasan sa Malaysia. Nahahati ang estado sa mga pampangasiwaang sangay at mga purok. Opisyal na wika ng estado ang Malay[3][4] at Islam naman ang opisyal na relihiyon.[5] Kilala ang estado sa tradisyonal na instrumentong pantugtugin na sompoton. Kapuna-puna rin ang yaman ng etnisidad, kalinangan at mga wika ng Sabah.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Population by States and Ethnic Group" (sa wikang Ingles). Department of Information, Ministry of Communications and Multimedia, Malaysia. 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 12, 2016. Nakuha noong Pebrero 12, 2015.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Calica, Aurea (Marso 19, 2013). "Revival of Sabah claim under review". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 3, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BM is Sabah's official language – Keruak" (sa wikang Ingles). The Borneo Post. Nobyembre 22, 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 25 Hunyo 2016. Nakuha noong Hunyo 25, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National Language (Application) Enactment 1973" (PDF) (sa wikang Ingles). Sabah State Government (State Attorney-General's Chambers). Setyembre 27, 1973. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Hunyo 25, 2016. Nakuha noong Hunyo 25, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Constitution of the State of Sabah". Sabah State Government (State Attorney-General's Chambers). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hunyo 15, 2016. Nakuha noong Hunyo 15, 2016.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)