Wikang Malayo

(Idinirekta mula sa Wikang Malay)

Ang wikang Malayo (Malayo: bahasa Melayu) ay isang wikang Austronesyong sinasalita sa Malaysia, Brunei, timog Thailand, timog Pilipinas, Singapura, Indonesia (kilala bilang Bahasa Indonesia), at Timor Leste (Ang Bahasa Indonesia at Ingles ay opisyal na wikang ginagamit). Opisyal itong wika sa Indonesia, Malaysia, Brunei, at Singapura. Ilan sa mga standard nito ang ginagamit sa Malaysia at sa Indonesia. Ang opisyal na pamantayan ng Malayo, sang-ayon sa pinagkasunduan ng Indonesia, Malaysia, at Brunei, ay ang anyong sinasalita sa Kapuluang Riau ng Indonesia, sa may timog lamang ng Singapura.

Sistema ng pagsulat

baguhin

Ang Malayo ay nakasulat ngayon gamit ang iskrip na Latin, na kilala bilang Rumi sa Brunei, Malaysia at Singapura o Latin sa Indonesia, bagaman mayroon ding isang iskrip na Arabe na tinatawag na Arab Melayu o Jawi. Ang iskrip na Latin ay opisyal sa Malaysia, Singapura, at Indonesia. Gumagamit ang Malayo ng mga numerong Hindu-Arabe.

Ang Rumi at Jawi ay ko-opisyal sa Brunei lamang. Ang mga pangalan ng mga institusyon at samahan ay kailangang gumamit ng mga iskrip ng Jawi at Rumi (Latin). Ganap na ginagamit ang Jawi sa mga paaralan, lalo na sa paaralang pampananampalataya, o Sekolah Agama, na kompulsoryo sa hapon para sa mga estudyanteng Muslim na may edad na mula 6-7 hanggang 12-14.

Kasalukuyang sinisikap ng ilan upang mapanatili ang Jawi sa mga kanayunan ng Malaysia. May mapagpipilian ang mga mag-aaral na kumukuha ng mga pagsusulit sa Bahasa Melayu sa Malaysia na sagutin ang mga katanungan gamit ang Jawi.

Sa Thailand, ito ay nakasulat gamit ang Thai Alphabet na kilala bilang Yawi. Gayunpaman, sa ngayon ay isinasaalang-alang ng Lokal na Pamahalaan sa Thailand na gamitin din ang Latin.

Gayunpaman, ang iskrip na Latin ay ang pinakakaraniwang ginagamit sa Brunei at Malaysia, kapwa para sa opisyal at di-pormal na layunin.

Mga pagkakaiba ng mga baryante ng Malaysia at Indonesia

baguhin

Ang mga pagkakaiba ng Bahasa Melayu at Indonesio o Bahasa Indonesia ay maihahambing sa mga pagkakaiba ng Espanyol sa Espanya at sa Latinoamerika. Nagkakaintindihan ang mga nagsasalita nito, kahit na may ilang mga pagkakaiba sa ortograpiya at bokabularyo.

Mga wikang kaugnay

baguhin

Dahil sa naunang pakikipag-ugnay sa Pilipinas, naisama sa Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas ang mga salitang Malayo — tulad ng dalam hati (dalamhati), luwalhati, tengah hari (tanghali), at sedap (masarap).

Mga halimbawa

baguhin

Mga pariralang Malayo

baguhin

Sa Malaysia at Indonesia, tinuturing na masyadong pormal ang pagbati ng "Selamat pagi" o "Selamat sejahtera", at mas karaniwan sa magkakaibigan ang hiniram na salita na Ingles na "Hi"; gayundin ang salitang "Bye-bye" na ginagamit kadalasan kapag magpapaalam na aalis. Bagaman, kung ikaw ay isang Muslim at ang kinakausap mo ay Muslim din, mas angkop na gamitin ang pambating Islam na Assalamualaikum. Bihira gamitin ng mga Malayo na Muslim, lalo na sa Malaysia, Singapura at Brunei, ang selamat pagi (magandang umaga), selamat siang (magandang "maagang" hapon), selamat petang o selamat sore na madalas gamitin sa Indonesia (magandang "huling bahagi" ng hapon), selamat malam (magandang gabi) o selamat tinggal/jalan (paalam) kapag nakikipag-usap sa isa't isa.

Malayo IPA Tagalog
Selamat datang /səlamat dataŋ/ Maligayang pagdating (gamit sa pagbati)
Selamat jalan /səlamat dʒalan/ Isang ligtas na paglalakbay (katumbas ng "paalam", ginagamit ng naiwan)
Selamat tinggal /səlamat tiŋɡal/ Isang ligtas na pamamalagi (katumbas ng "paalam", ginagamit ng aalis)
Terima kasih /tərima kasih/ Maraming Salamat
Sama-sama /samə samə/ Walang anuman (sa Malayo nakabaybay ito bilang "samə-samə", bilang tugon sa Salamat atbp.)
Selamat pagi /səlamat paɡi/ Magandang umaga
Selamat petang /səlamat pətaŋ/ Magandang hapon/gabi (tandaan na ang 'Selamat petang' na parang good night sa Ingles. Sa pangkalahatang pagbati, dito ginagamit ang 'Selamat sejahtera')
Selamat sejahtera /səlamat sədʒahtərə/ Mga pagbati (pormal). Bagaman, bihira lamang gamitin ang pagbati ito, lalo na sa Singapura. Maaring nakakahiya sa tatanggap ng pagbating ito ngunit ginagamit pa rin ito sa mga paaralan bilang pagbati sa pagitan ng mga mag-aaral at guro.
Selamat malam /səlamat malam/ Magandang gabi
Jumpa lagi Sa muling pagkikita
Siapakah nama awak/kamu?/Nama kamu siapa? Anong pangalan mo
Nama saya ... Ang pangalan ko ay ... (Sinusundan ng pangalan ng nagsasalita)
Apa khabar/kabar? Khabar/kabar ka?' (Literal, "Anong balita?")
Khabar/kabar baik Mabuti, magandang balita
Saya sakit May sakit ako/hindi ako mabuti
Ya /jə/ Oo
Tidak ("tak" sa kolokyal) Hindi
Ibu (Saya) sayang engkau/kamu (awak) Mahal kita o Ako'y nagmamahal sa iyo (Upang maging mas panglipi o magiliw na uri ng pag-ibig, halimbawa: ina sa anak na babae, ipatungkol ng ina ang sarili bilang "Ibu" o "Emak" [na ibig sabihin ay "Ina"] imbis na "Saya" [Ako]. Ginagamit din ng ina ang impormal na salitang "engkau" imbis na "awak" para sa "ikaw." Sa pangkalahatan sa mga katutubong Malayo, tinturing na magaspang ang pagtukoy sa ina bilang "engkau" samantalang angkop na tukuyin ng isang ina ang kanyang anak bilang "engkau.")
Aku (Saya) cinta pada mu (awak) Mahal kita o "Ako'y nagmamahal sa iyo" (Romantikong pag-ibig. Sa romantikong situwasiyon, gamitin ang impormal na "Aku" imbis ang "Saya" para sa "Ako" at ang "Kamu" o "Mu" para sa "kita" o "iyo". Sa iniirog, sa malapit na kamag-anak, at sa mga awitin, ginagamit ang mga panghalip na impormal.). Sa wikang Malayo, kailangan gamitin ang angkop na panghalip na pansarili, depende sa (1) kung ang situwasiyon ay pormal o di-pormal, (2) ang katayuang panlipunan na nasa palibot ng nagsasalita at (3) ang kaugnayan ng nagsasalita sa kinakausap nito at/o sa mga nasa paligid nito. Para sa mga nag-aarala ng wikang Malayo, pinapayuhan na gumamit ng pormal na panghalip na pansarili kapag nakikipag-usap sa mga Malayo ng Indonesia. Maaring ituring na walang pakundangan ang mga taong gumagamit na impormal na panghalip na pansarili sa mga di-angkop na mga situwasiyon.
Saya benci awak/kamu Ayaw ko sa iyo o Hindi kita gusto o Kinamumuhian kita
Saya tidak faham/paham (o pinapayak na "tak faham" sa kolokyal) Hindi kita maiintindiihan (o "hindi maintindihan" sa kolokyal)
Saya tidak tahu (o "tak tau" sa kolokyal o "sik tau" sa Sarawak) Hindi ko alam (o "di alam" sa kolokyal)
(Minta) maaf Patawad (isang pakiusap ang 'minta' i.e. "magpagtawad")
Tumpang/numpang tanya "Maaari bang magtanong...?" (ginagamit kapag may tinatanong)
(Minta) tolong Paki-tulungan (ako) ('Tolong!' ay nangangahulugang "tulong")
Apa Ano
Tiada/tidak ada Wala
Kamu boleh bercakap Bahasa Melayu? Marunong ka bang magsalita ng wikang Malayo?
 
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Malayo

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.