Singapore
Ang Singapura (pagbigkas: sí•nga•púra), na may opisyal na pangalang Republika ng Singapura ay isang pulo, lungsod-estado, na matatagpuan sa Timog-silangang Asya, sa timog ng estado ng Johor sa tangway ng Malaysia at hilaga ng kapuluang Riau ng Indonesia.
Republika ng Singapura | |
---|---|
Salawikain: "Majulah Singapura" (sa Malay) "Pagsulong, Singapura" | |
Awiting Pambansa: Majulah Singapura | |
Kabisera | Singapura |
Wikang opisyal | Ingles Malay Mandarin Tamil |
Katawagan | Singaporean |
Pamahalaan | Parliamentary republic |
• Pangulo | Tharman Shanmugaratnam |
Lawrence Wong | |
Kalayaan | |
• lungsod | 24 Hulyo 1951 |
• Sariling pamamahala sa ilalim ng United Kingdom | 3 Hunyo 1959[1] |
31 Agosto 1963 | |
• Pagsasanib sa Malaysia | 16 Setyembre 1963 |
• Paghihiwalay sa Malaysia | 9 Agosto 1965 |
Lawak | |
• Kabuuan | 707.1 km2 (273.0 mi kuw) (190th) |
• Katubigan (%) | 1.444 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2008 | 4,839,400[2] (ika-114) |
• Senso ng 2000 | 4,117,700 |
• Densidad | 6,489/km2 (16,806.4/mi kuw) (ika-3) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $228.303 bilyon[3] |
• Bawat kapita | $49,754[3] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $161.349 atos / bilyon[3] |
• Bawat kapita | $35,162[3] |
TKP (2007) | 0.922 napakataas · ika-25 |
Salapi | Singapore dollar (SGD) |
Sona ng oras | UTC+8 (SST) |
Kodigong pantelepono | 65 |
Internet TLD | .sg |
Kasaysayan
baguhinAng pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni Lakan Parameswara sa pangalang Singapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)” noong ika-16 siglo.
Noong 1819, napunta sa kontrol ni Thomas Stamford Raffles ang lungsod upang hadlangan ang dominasyong pangkalakalan (commercial) ng mga Olandes sa rehiyon. Noong 1826, ang mga kolonya ng istretso ay binubuo ng Singapura, Malaka at Penang.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman, mula 15 Pebrero 1942, napasailalim ang pulo sa Imperyong Hapon,
Pagkatapos ng digmaan, napiling punong ministro si Lee Kuan Yew. Ang kanyang partido na People's Action Party ay nagmungkahi para sa integrasyon nito sa kalipunan ng Malaysia, at napabilang ito sa Malaysia hanggang Setyembre ng taong 1963. Taong 1964, pinahayag ang kagustuhan nitong humiwalay dahil sa mga pagkakaiba at noong 9 Agosto 1965 pinahayag ang kasarinlan ng Republika ng Singapura.
Politika
baguhinAng parlamentarismong Ingles ang nagbigay-diwa sa saligang-batas ng Singapura. Ang People's Action Party (Partido ng Kilusang Popular) ang nangingibabaw sa politika ng bansa pagkaraan ng pagpapahayag ng kasarinlan. Ang sistema ng pamahalaan ay mas hawig sa awtoritarianismo kaysa sa isang demokrasyang pangmaramihang-partido.
Subalit, sa kabaligtaran, masasabing isang modelo ng transparency ang ekonomiyang pamilihan ng Singapura at halos walang katiwalian na nangyayari sa pamahalaan. Ang Singapura ay isang miyembro ng ASEAN.
Pangalan | Termino | Komento |
---|---|---|
Lee Kuan Yew | 1965–1990 | |
Goh Chok Tong | 1990–2004 | |
Lee Hsien Loong | mula 12 Agosto 2004 | Anak ni Lee Kuan Yew. |
Mga teritoryong pampangasiwaan
baguhinEkonomiya
baguhinAng Singapura ay nagtataglay ng isang ekonomiyang pamilihan na malaya at masagana at may open environment malaya sa katiwalian. Matatag ang kanyang pananalapi at ang GDP nito ay ang pinakamataas sa mundo. Nakadepende ang ekonomiya sa pag-luwas, partikular ang sa sektor ng elektroniko at industriya.
Noong 2001, ang pag-urong sa buong daigdig pati ang pagbagsak ng sektor ng teklonohiya ay nakaapekto sa ekonomiya ng bansa (ang GDP nito ay bumaba ng 2%). Ang epidemya ng SARS na nagsimula noong 2003 ay nakapagpabigat din dito. Maliit lang ang bansang ito at limitado ang yamang likas. Subalit ang mga pinuno ay napakahusay na nag-tuon ng kanilang pansin sa kalakalan at masiglang nakikipag-ugnayan sa mga bansang mauunlad, Bumuo ng patakarang kapakipakinabangan isinaalang-alang ang kapakinabangan ng bansa na pinag-tuonan ng pansin ng pamahalaan.
Mga sanggunian
baguhinGabay sa Pagkain sa Singapura Naka-arkibo 2015-07-03 sa Wayback Machine.
- ↑ "Singapore: History". Asian Studies Network Information Center. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-03-23. Nakuha noong 2007-11-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Population - latest data". Singapore Department of Statistics Singapore. 2008-10-17. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-12-26. Nakuha noong 2008-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "Singapore". International Monetary Fund. Nakuha noong 2008-10-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Gabay panlakbay sa Singapore mula sa Wikivoyage
- Midyang kaugnay ng Singapore sa Wikimedia Commons
- Mayroong datos pang-heograpiya ang OpenStreetMap tungkol sa Singapore
- Singapore Government Online Portal
- Singapore from UCB Libraries GovPubs
- Singapore profile from the BBC News
- Wikimedia Atlas ng Singapore (sa Ingles)