Para sa ibang gamit, tingnan ang Bakal (paglilinaw), Hero (paglilinaw), Yero (paglilinaw) at Iron (paglilinaw).

Ang bakal, yero, iyero, uwit, hero, o hiero (Kastila: hierro, Ingles: iron), may atomikong bilang na 26, atomikong timbang na 55.845±0.002, punto ng pagkatunaw na 1811 K ​(1538 °C, ​2800 °F), punto ng pagkulo na 3134 K ​(2861 °C, ​5182 °F), ay isang elementong kimikal at metal na may simbolong Fe. Makinang ito at may hawig ang kaputian sa kulay ng pilak. Napupukpok ito, nahuhubog, at nababatak. Nakakagawa mula rito ng balani. Sa teknolohiya at industriya, nagagamit ang elementong ito sa konstruksiyon at paggawa ng mga makinarya, sa napakaraming kaparaanan.[9]

Iron, 26Fe
Pure iron chips with a high purity iron cube
Iron
Allotropestingnan ang mga alotropo ng bakal
Appearancelustrous metallic with a grayish tinge
Standard atomic weight Ar°(Fe)
  • 55.845±0.002
  • 55.845±0.002 (pinaikli)[1][2]
Iron sa talahanayang peryodiko
Hydrogen Helium
Lithium Beryllium Boron Carbon Nitrogen Oxygen Fluorine Neon
Sodium Magnesium Aluminium Silicon Phosphorus Sulfur Chlorine Argon
Potassium Calcium Scandium Titanium Vanadium Chromium Manganese Iron Cobalt Nickel Copper Zinc Gallium Germanium Arsenic Selenium Bromine Krypton
Rubidium Strontium Yttrium Zirconium Niobium Molybdenum Technetium Ruthenium Rhodium Palladium Silver Cadmium Indium Tin Antimony Tellurium Iodine Xenon
Caesium Barium Lanthanum Cerium Praseodymium Neodymium Promethium Samarium Europium Gadolinium Terbium Dysprosium Holmium Erbium Thulium Ytterbium Lutetium Hafnium Tantalum Tungsten Rhenium Osmium Iridium Platinum Gold Mercury (element) Thallium Lead Bismuth Polonium Astatine Radon
Francium Radium Actinium Thorium Protactinium Uranium Neptunium Plutonium Americium Curium Berkelium Californium Einsteinium Fermium Mendelevium Nobelium Lawrencium Rutherfordium Dubnium Seaborgium Bohrium Hassium Meitnerium Darmstadtium Roentgenium Copernicium Nihonium Flerovium Moscovium Livermorium Tennessine Oganesson


Fe

Ru
manganeseironcobalt
Atomikong bilang (Z)26
Group8
Period4
Block  d-block
Electron configuration[Ar] 3d6 4s2
Electrons per shell2, 8, 14, 2
Physical properties
Phase at STPsolido
Melting point1811 K ​(1538 °C, ​2800 °F)
Boiling point3134 K ​(2861 °C, ​5182 °F)
Density (at 20° C)7.874 g/cm3[3]
when liquid (at m.p.)6.98 g/cm3
Heat of fusion13.81 kJ/mol
Heat of vaporization340 kJ/mol
Molar heat capacity25.10 J/(mol·K)
Vapor pressure
P (Pa) 1 10 100 1 k 10 k 100 k
at T (K) 1728 1890 2091 2346 2679 3132
Atomic properties
Oxidation states−4, −2, −1, 0, +1,[4] +2, +3, +4, +5,[5] +6, +7[6] (isang anpoterong oksido)
ElectronegativityPauling scale: 1.83
Ionization energies
  • 1st: 762.5 kJ/mol
  • 2nd: 1561.9 kJ/mol
  • 3rd: 2957 kJ/mol
  • (more)
Atomic radiusempirical: 126 pm
Covalent radiusLow spin: 132±3 pm
High spin: 152±6 pm
Van der Waals radius194 [1] pm
Color lines in a spectral range
Mga linyang espektral ng iron
Other properties
Natural occurrenceprimordiyal
Crystal structureα-Fe: ​body-centered cubic (bcc) (cI2)
Lattice constant
Body-centered cubic crystal structure for α-Fe: iron
a = 286.65 pm (at 20 °C)[3]
Crystal structureγ-Fe (912–1394 °C): ​face-centered cubic (fcc) (cF4)
Lattice constant
Face-centered cubic crystal structure for γ-Fe (912–1394 °C): iron
a = 364.68 pm (at 916 °C)[7]
Thermal expansion12.07×10−6/K (at 20 °C)[3]
Thermal conductivity80.4 W/(m⋅K)
Electrical resistivity96.1 nΩ⋅m (at 20 °C)
Curie point1043 K
Magnetic orderingferromagnetic
Young's modulus211 GPa
Shear modulus82 GPa
Bulk modulus170 GPa
Speed of sound thin rod5120 m/s (at r.t.) (electrolytic)
Poisson ratio0.29
Mohs hardness4
Vickers hardness608 MPa
Brinell hardness200–1180 MPa
CAS Number7439-89-6
History
Discoverybefore 5000 BC
Symbol"Fe": mula sa Latin na ferrum
Isotopes of iron
Main isotopes[8] Decay
abun­dance half-life (t1/2) mode pro­duct
54Fe 5.85% stable
55Fe synth 2.73 y ε 55Mn
56Fe 91.8% stable
57Fe 2.12% stable
58Fe 0.28% stable
59Fe synth 44.6 d β 59Co
60Fe trace 2.6×106 y β 60Co
Kategorya Kategorya: Iron
| references

Ang pagkuha ng magagamit na metal mula sa inang-bato ng bakal ay nangangailangan ng mga tapahan (kiln) o hurno na may kakayahang umabot sa 1,500 °C (2,730 °F), mga 500 °C (932 °F) na mas mataas kaysa sa kinakailangan para matunaw ang elemental na tanso. Ang mga tao ay nagsimulang makabisado ang prosesong iyon sa Eurasia noong ika-2 milenyo BC at ang paggamit ng mga kasangkapang bakal at armas ay nagsimulang palitan ang mga haluang tanso - sa ilang mga rehiyon, mga 1200 BC lamang. Itinuturing ang kaganapang iyon na paglipat mula sa Panahong Bronse patungo sa Panahong Bakal. Sa modernong mundo, ang mga bakal na haluang metal, tulad ng aserong bakal, hindi kinakalawang na asero, pundidong bakal (cast iron) at mga espesyal na bakal, ay sa ngayon ang pinakakaraniwang pang-industriya na mga metal, dahil sa kanilang mga mekanikal na katangian at katipiran. Napakahalaga ang industriya ng bakal at asero sa ekonomiya, at pinakamurang metal ang bakal, na may prinepresyuhan kada kilo.

Ang katawan ng isang nasa hustong gulang na tao ay naglalaman ng humigit-kumulang 4 na gramo (0.005% sa timbang ng katawan) ng bakal, karamihan ay nasa hemoglobina at miyoglobina. Gumaganap ang dalawang protinang ito ng mahahalagang papel sa paghahatid ng oksiheno sa pamamagitan ng dugo at imbakan ng oksiheno sa mga kalamnan. Upang mapanatili ang mga kinakailangang antas, nangangailangan ang metabolismo ng bakal ng tao ng isang pinakamababang bakal sa diyeta. Ang bakal ay ang metal din sa aktibong lugar ng maraming mahahalagang ensimang rodoks na may kinalaman sa respirasyong selular at oksihenasyon at pagbawas sa mga halaman at hayop.[10]

Pinagmulan at pagkakaroon sa kalikasan

baguhin

Ang kasaganaan ng bakal sa mga mabatong planeta tulad ng Daigdig ay dahil sa masaganang produksyon nito sa panahon ng nakawalang pagsasanib at pagsabog ng isang uri ng Ia supernovae, na kinalat ang bakal sa kalawakan.[11][12]

Bihirang makita ang bakal na metaliko o katutubo sa ibabaw ng Daigdig dahil may posibilidad ito na mag-oksida. Gayunpaman, ang parehong panloob at panlabas na core o gitna ng Daigdig, na magkakasamang bumubuo ng 35% ng masa ng buong Daigdig, ay pinaniniwalaan na, higit sa lahat, bakal na haluang metal, na posibleng may nikel. Pinaniniwalaan na ang mga daloy elektriko sa likidong panlabas na gitna na ang pinagmulan ng lawak magnetiko (magnetic field) ng Daigdig. Ang iba pang mga terestriyal na planeta (Merkuryo, Benus, at Marte) gayundin ang Buwan ay pinaniniwalaang may metalikong gitna na binubuo karamihan ng bakal.

Ayon sa ulat ng Metal Stocks in Society (Mga Nakalaang Metal sa Lipunan) ng International Resource Panel (Internasyunal na Panel sa Yaman), ang pandaigdigang nakalaang bakal na ginagamit sa lipunan ay 2,200 kg bawat kapita. Naiiba ang mga mas maunlad na bansa sa bagay na ito mula sa mga hindi gaanong maunlad na bansa (7,000–14,000 laban sa 2,000 kg bawat kapita).[13]

Ipinakita ng agham sa karagatan ang papel ng bakal sa mga sinaunang dagat sa parehong biyota ng dagat at klima.[14]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Standard Atomic Weights: Iron" (sa wikang Ingles). CIAAW. 1993.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Prohaska, Thomas; Irrgeher, Johanna; Benefield, Jacqueline; Böhlke, John K.; Chesson, Lesley A.; Coplen, Tyler B.; Ding, Tiping; Dunn, Philip J. H.; Gröning, Manfred; Holden, Norman E.; Meijer, Harro A. J. (2022-05-04). "Standard atomic weights of the elements 2021 (IUPAC Technical Report)". Pure and Applied Chemistry (sa wikang Ingles). doi:10.1515/pac-2019-0603. ISSN 1365-3075.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN 978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ram, R. S.; Bernath, P. F. (2003). "Fourier transform emission spectroscopy of the g4Δ–a4Δ system of FeCl". Journal of Molecular Spectroscopy (sa wikang Ingles). 221 (2): 261. Bibcode:2003JMoSp.221..261R. doi:10.1016/S0022-2852(03)00225-X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Demazeau, G.; Buffat, B.; Pouchard, M.; Hagenmuller, P. (1982). "Recent developments in the field of high oxidation states of transition elements in oxides stabilization of six-coordinated Iron(V)". Zeitschrift für anorganische und allgemeine Chemie (sa wikang Ingles). 491: 60–66. doi:10.1002/zaac.19824910109.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lu, J.; Jian, J.; Huang, W.; Lin, H.; Li, J; Zhou, M. (2016). "Experimental and theoretical identification of the Fe(VII) oxidation state in FeO4". Physical Chemistry Chemical Physics (sa wikang Ingles). 18 (45): 31125–31131. Bibcode:2016PCCP...1831125L. doi:10.1039/C6CP06753K. PMID 27812577.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cardarelli, François (2008). Materials Handbook: A Concise Desktop Reference. London: Springer. p. 65. ISBN 1-84628-668-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kondev, F. G.; Wang, M.; Huang, W. J.; Naimi, S.; Audi, G. (2021). "The NUBASE2020 evaluation of nuclear properties" (PDF). Chinese Physics C. 45 (3): 030001. doi:10.1088/1674-1137/abddae.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Gaboy, Luciano L. Iron, Fe, bakal, yero, uwit, hero - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  10. "Iron". Micronutrient Information Center, Linus Pauling Institute, Oregon State University, Corvallis, Oregon. Abril 2016. Nakuha noong 6 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Aron, Jacob. "Supernova space bullets could have seeded Earth's iron core". New Scientist (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Croswell, Ken. "Iron in the Fire: The Little-Star Supernovae That Could". Scientific American (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Metal Stocks in Society: Scientific synthesis, 2010, International Resource Panel, UNEP (sa Ingles)
  14. Stoll, Heather (2020-02-17). "30 years of the iron hypothesis of ice ages". Nature (sa wikang Ingles). Springer Science and Business Media LLC. 578 (7795): 370–371. Bibcode:2020Natur.578..370S. doi:10.1038/d41586-020-00393-x. ISSN 0028-0836. PMID 32066927.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)