Teknolohiya
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Téknolohíya[a][2] ang paglapat sa kaalaman sa praktikal na paraan, lalo na sa paraang nauulit.[3] Sa karaniwang diskurso, maaari ring tumukoy ang salita sa mga produktong resulta ng paglalapat na ito,[4] kagaya ng mga pisikal na bagay tulad ng kagamitan at makina, at di-pisikal tulad ng software. Mahalaga ang papel ng teknolohiya sa maraming larangan, at madalas teknolohiya ang resulta ng mga ito, kagaya ng sa agham at inhinyera.
Nakakapagpabago ang pag-usad ng teknolohiya sa direksiyon ng lipunan. Kabilang sa mga pinakaunang teknolohiya ng mga tao ay ang mga kagamitang yari sa bato at ang pagkontrol sa apoy, na parehong nagpabilis sa paglaki ng utak ng tao, na humantong kalaunan sa pag-usbong ng mga wika noong Panahon ng Yelo. Lumawak ang malalakbay ng mga tao nang maimbento ang gulong noong Panahon ng Bronse, na nagpasimula sa paggawa sa mga mas komplikadong makina. Pagkatapos nito, ilan sa mga mahahalagang imbensiyon ng tao ay ang limbagan, makinang pinasisingawan, sasakyan, at ang internet, na nagpasimula sa ekonomiyang makakaalaman.
Bagamat direktang nakakaambag sa paglago ng ekonomiya, sanhi rin ang teknolohiya ng polusyon at pagkaubos ng yaman. Nakakaapekto rin ito sa lipunan sa negatibong paraan, kagaya ng kawalang-trabaho dulot ng teknolohiya dahil sa otomasyon. Bilang result nito, nagkaroon ng mga debate sa politika at pilosopiya ukol sa gampanin ng teknolohiya, ang etika nito, gayundin ang paghahanap sa mga paraan upang mabawasan ang mga masasamang epekto nito.
Etimolohiya
baguhinNagmula ang salitang "teknolohiya" sa wikang Espanyol na tecnología.[2] Nagmula ito sa salitang Griyego na tekhnología (Griyego: Τεχνολογία, lit. na 'kaalaman sa sining'), na ginamit noong Renasimiyento sa kahulugang "sistematikong pagtrato".[5] Sa kahulugan nito sa sinaunang wikang Griyego, saklaw ng salita ang kaalaman sa paano gawin ang mga bagay-bagay, tulad halimbawa ng sa arkitektura.[6]
Simula noong ika-19 na siglo sa Europa, nagsimulang gamitin ang mga salitang Teknik (mula wikang Aleman) at technique (mula wikang Pranses) upang tumukoy sa "pagsasagawa sa isang bagay". Kasama sa mga tinutukoy ng mga salitang ito ang mga teknikal na sining katulad ng sayaw, nabigasyon, at paglilimbag; walang kinalaman ang paggamit sa kagamitan o instrumento upang matawag na Teknik o technique ang isang gawain.[7] Sa panahong ito, tumutukoy ang salitang technologie sa isang akademikong disiplina na nag-aaral sa "mga kaparaanan ng sining at paggawa", o di kaya sa politikal na disiplinang "nakatuon sa pagsasabatas sa mga gawain ng sining at paggawa".[8] Dahil wala sa wikang Ingles ang pagkakaibang ito sa mga salita, pareho itong naisalin bilang technology, ang kahulugan na ginagamit din sa wikang Tagalog. Bihira noon ang paggamit sa salitang Ingles sa ganitong kahulugan, at madalas itong tumutukoy sa disiplina, kagaya ng kaso ng Massachusetts Institute of Technology.[9] Gayunpaman, pagsapit ng ika-20 siglo at ang Ikalawang Rebolusyong Industriyal, nawala na ang pagiging disiplina ng teknolohiya at nanatili ang kasalukuyan nitong kahulugan na tumutukoy sa praktikal na paraan upang sistematikong magamit ang kaalaman.[10]
Kasaysayan
baguhinPrehistoriko
baguhinNagawa ng mga unang hominid na gumamit ng mga kagamitan sa pamamagitan ng obserbasyon o paulit-ulit na pagsubok (Ingles: trial and error). Tinatayang 2 milyong taon ang nakaraan, nalaman nila kung paano gumawa ng mga kagamitang yari sa bato sa pamamagitan ng paghampas sa mga tuklap ng mga maliliit na bato upang makagawa ng isang de-kamay na palakol (Ingles: hand axe). Napahusay ito bandang 75,000 taon ang nakaraan, nang ginamit nila ang proseso ng pagtuklap sa bato sa pamamagitan ng pagbabawas.
Ang pagtuklas sa apoy ng mga sinaunang tao ang kinokonsidera ng marami, tulad ni Charles Darwin, bilang ang pinakamahalagang imbensiyon ng sangkatauhan. Ayon sa arkeolohiya, tinatayang gumagamit na ang mga tao ng apoy noon pang 1.5 milyong taon ang nakaraan. Dahil sa apoy, na nagagawa sa pamamagitan ng paggamit sa kahoy at uling, nagawa ng mga sinaunang tao na mailuto ang mga pagkain nila. Nagresulta ito sa pagtaas sa sustansiyang kinakain ng mga tao gayundin ang paglawak ng mga pwedeng kainin nila dahil hindi na limitado sila sa oras bago masira ang pagkain. Ito ang sentrong paksa ng hinuha ng pagluto, na nagsasabing dahil sa abilidad ng pagluto sa mga pagkain, lumaki ang sukat ng utak ng mga tao, bagamat hindi lahat ng mga siyentipiko ay pabor sa ideyang ito. May mga nakita ring dapog (Ingles: hearth) na tinatayang nagamit noong 790,000 taon ang nakaraan. Naniniwala ang mga siyentipiko na sa mga lugar na ito nagsimula ang pakikihalubilo ng mga tao at nagresulta sa pag-usbong ng mga pinakaunang wika.
Bukod dito, ilan sa mga sinaunang teknolohiyang nagawa sa panahong Paleolitiko ang pananamit at bahay. Hindi nagkakasundo ang mga siyentipiko ukol sa kung kailan naimbento ang mga ito, bagamat may mga ebidensiya sa arkeolohiya na nagtuturo sa mga damit na tinatayang nagawa noong 90,000 hanggang 120,000 taon ang nakaraan, at mga bahay na tinirhan noong tinatayang 450,000 taon ang nakaraan. Sa paglipas ng Paleolitiko, lalong naging sopistikado ang mga bahay; simula pa noong tinatayang 380,000 taon ang nakaraan, nagtatayo na ang mga tao ng mga pansamantalang pamamahay. Dahil sa damit, lalo na yung mga yari sa balat ng mga hayop, nagawa ng mga tao na makapasok sa mga mas malalamig na rehiyon. Nagsimulang lumabas ang mga tao mula sa Aprika bandang 200,000 taon ang nakaraan, at nagsimulang lumipat sa Eurasya bago sila kumalat sa iba't ibang panig ng mundo.
Pagbabago sa Teknolohiya
baguhinKadalasan kapag sinabing bago, lalo itong mabuti sa teknolohiya at mga lipon ng inhinyeriya. Ang kuro ng nakalateknolohiya na sumulong noong ika-20 siglo na isinalarawan ang katayuan kung saan di kanais-nais gamitin ang pinakabagong teknolohiya o iyong mga nangangailan ng daan sa mga ilang sentralisadong inspraktura o bahagi o kasanayan na inangkat sa ibang dako. Nanggaling ang kilusang eco-village dahil sa ganitong hinaing. Tinutukoy ng teknolohiyang intermediate, mas tinatalakay sa ekonomiya, ang kompromiso sa pagitan ng sentral at mahal na teknolohiya ng mga bansang nakasulong at iyong mga bansang sumusulong pa lamang na hinahanap ang pinakamabisang pamamangalat ng sobrang trabaho, at di kasapatan ng salapi. Sa pangkalahatan, palagiang "intermediate" ang "nakalaang" teknolohiya.
Kasalungat naman ang mga palagay na itinataguyod ng transhumanismo, posthumanismo, technological singularity, na sama-samang isinasalarawan bilang "Cosmist" na pananaw ni Hugo de Garis. Sa idelohiyang ito, isang mabuting moral ang pagsulong ng teknolohiya. Nakikita ang ideolohiyang ito bilang sintomas ng syentisimo at mathematical fetishism ng mga taong gumagamit ng katagang ito. Tinatanggap din ng iba na sintomas ito ng paniniwala sa kapitalismo.
Sa ekonomiya, kadalasang magkakaugnay sa isa o higit pa sa nabanggit na kuro sa itaas ang kahulugan ng progreso o paglago. Naidala sa mga kaisipang di maka-ekonomiyang paglago o pagsukat sa well-being ang paghamon sa namamayaning kuro tungkol sa teknolohiya at kanyang kabuluhan.
Kaisipan sa teknolohiya
baguhin- Teknolohikal na singgularidad
- Prinsipyong pag-iingat
- Istratehiya ng teknolohiya (maestratehiyang gamit ng mapagpaunang teknolohiya)
- Teknokapitalismo
- Lumilitaw na pilosopiya
- Transhumanismo
- Posthumanismo
- Teknolohiyang intermediyaryo
- Nakalaang teknolohiya
- Paglipat ng teknolohiya
- Inog-buhay ng teknolohiya
- Modelo sa pagtanggap sa teknolohiya
- Internet
- Komunikasyon
Talababa
baguhinSanggunian
baguhinPagsipi
baguhin- ↑ "aghímuan": Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.). Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p. 77.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "téknolohíya". KWF Diksiyonáryo ng Wikang Filipíno. Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong 11 Hulyo 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Skolnikoff, Eugene B. (1993). "The Setting" [Ang Lugar]. The Elusive Transformation: Science, Technology, and the Evolution of International Politics [Ang Mailap na Transpormasyon: Agham, Teknolohiya, at ang Ebolusyon ng Pandaigdigang Politika] (sa wikang Ingles). Princeton University Press. p. 13. ISBN 0-691-08631-1. JSTOR j.ctt7rpm1. LCCN 92022141. OCLC 26128186.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mitcham, Carl (1994). Thinking Through Technology: The Path Between Engineering and Philosophy [Pag-iisip sa Teknolohiya: Ang Daan sa Pagitan ng Inhinyera at Pilosopiya] (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. ISBN 0-226-53196-1. LCCN 93044581. OCLC 29518988.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Simpson, J.; Weiner, Edmund, mga pat. (1989). "technology" [teknolohiya]. The Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0198611868.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aristoteles (2009). Brown, Lesley (pat.). The Nicomachean Ethics [Etikang Nikomakea]. Oxford World's Classics (sa wikang Ingles). Sinalin ni Ross, David. Oxford University Press. p. 105. ISBN 978-0-19-921361-0. LCCN 2009005379. OCLC 246896490.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salomon 1984, pp. 114–115.
- ↑ Salomon 1984, p. 117.
- ↑ Schatzberg, Eric (2006). ""Technik" Comes to America: Changing Meanings of "Technology" before 1930" [Pumasok sa Amerika ang "Technik": Pagbabago sa Kahulugan ng "Teknolohiya" bago ang 1930]. Technology and Culture (sa wikang Ingles). 47 (3): 486–512. doi:10.1353/tech.2006.0201. ISSN 0040-165X. JSTOR 40061169. S2CID 143784033. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salomon 1984, p. 119: "With the industrial revolution and the important part England played in it, the word technology was to lose this meaning as the subject or thrust of a branch of education, as first in English and then in other languages it embodied all technical activity based on the application of science to practical ends."
Pinagkunan
baguhin- Baum, S. D. (1 Mayo 2009). "Cost–benefit analysis of space exploration: Some ethical considerations". Space Policy. 25 (2): 75–80. Bibcode:2009SpPol..25...75B. doi:10.1016/j.spacepol.2009.02.008. ISSN 0265-9646. S2CID 5930045. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2024. Nakuha noong 11 Setyembre 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Bernstein, Jared (7 Oktubre 2014). "It's Not a Skills Gap That's Holding Wages Down: It's the Weak Economy, Among Other Things". The American Prospect. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2024. Nakuha noong 11 Setyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Dietrich, O.; Notroff, J.; Schmidt, J. (2017). "Feasting, Social Complexity, and the Emergence of the Early Neolithic of Upper Mesopotamia: A View from Göbekli Tepe". Sa Chacon, R. J.; Mendoza, R. G. (mga pat.). Feast, Famine or Fighting?. Studies in Human Ecology and Adaptation. Bol. 8. Cham: Springer International Publishing. pp. 91–132. doi:10.1007/978-3-319-48402-0_5. ISBN 978-3319484020. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2024. Nakuha noong 11 Setyembre 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Cohen, Benjamin; Ottinger, Gwen (2011). "Introduction: Environmental Justice and the Transformation of Science and Engineering". Sa Ottinger, Gwen; Cohen, Benjamin (mga pat.). Technoscience and Environmental Justice: Expert Cultures in a Grassroots Movement. MIT Press. pp. 1–18. ISBN 978-0262015790.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Heidegger, Martin (1977). "The Question Concerning Technology". The Question Concerning Technology and Other Essays. Sinalin ni Lovitt, W. New York: HarperCollins. pp. 25–26.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Huesemann, M.H.; Huesemann, J.A. (2011). Technofix: Why Technology Won't Save Us or the Environment. New Society Publishers. ISBN 978-0865717046. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Agosto 2019. Nakuha noong 25 Nobyembre 2013.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kelly, K. (2010). What Technology Wants. New York: Viking Press. ISBN 978-0670022151.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kremer, M. (1993). "Population Growth and Technological Change: One Million B.C. to 1990". Quarterly Journal of Economics. 108 (3): 681–716. doi:10.2307/2118405. ISSN 0033-5533. JSTOR 2118405. S2CID 139085606.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Kuijt, I. (2006). Life in Neolithic Farming Communities: Social Organization, Identity, and Differentiation. Springer Science & Business Media. ISBN 978-0306471667. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2024. Nakuha noong 13 Setyembre 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Morozov, Evgeny (2013). To Save Everything, Click Here: The Folly of Technological Solutionism. New York: PublicAffairs. ISBN 978-1610391399.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Mumford, L. (2010). Technics and Civilization. University of Chicago Press. ISBN 978-0226550275.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Ord, T. (2020). The Precipice: Existential Risk and the Future of Humanity. Hachette Books. ISBN 978-0316484893. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2024. Nakuha noong 13 Setyembre 2022.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Ottinger, Gwen (2011). "Rupturing Engineering Education: Opportunities for Transforming Expert Identities Through Community-Based Projects". Sa Ottinger, Gwen; Cohen, Benjamin (mga pat.). Technoscience and Environmental Justice: Expert Cultures in a Grassroots Movement. MIT Press. pp. 229–248. ISBN 978-0262015790.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Rhodes, R. (2000). Visions of Technology: A Century of Vital Debate about Machines, Systems, and the Human World. Simon & Schuster. ISBN 0-684-86311-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Salomon, Jean-Jacques (1984). "What is technology? The issue of its origins and definitions". History and Technology. 1 (2): 113–156. doi:10.1080/07341518408581618. eISSN 1477-2620. ISSN 0734-1512. LCCN 88656216. OCLC 8682103.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Schuurman, E. (1997). "Philosophical and Ethical Problems of Technicism and Genetic Engineering". Society for Philosophy and Technology Quarterly Electronic Journal. 3 (1): 27–44. doi:10.5840/techne19973111. ISSN 1091-8264. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Setyembre 2022. Nakuha noong 11 Setyembre 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Shaar, R.; Matmon, A.; Horwitz, L. K.; Ebert, Y.; Chazan, M.; Arnold, M.; Aumaître, G.; Bourlès, D.; Keddadouche, K. (1 Mayo 2021). "Magnetostratigraphy and cosmogenic dating of Wonderwerk Cave: New constraints for the chronology of the South African Earlier Stone Age". Quaternary Science Reviews. 259: 106907. Bibcode:2021QSRv..25906907S. doi:10.1016/j.quascirev.2021.106907. ISSN 0277-3791. S2CID 234833092.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Sharma, M. R. (2020). A Treatise on Science Technology and Society. Laxmi Publications Pvt Limited. ISBN 978-8131806678. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Abril 2021. Nakuha noong 19 Hunyo 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Teich, A.H. (2008). Technology and the Future (ika-11th (na) edisyon). Wadsworth Publishing. ISBN 978-0495570523.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Tooze, A. (6 Hunyo 2019). "Democracy and Its Discontents". The New York Review of Books. Bol. LXVI, blg. 10. pp. 52–53, 56–57. ISSN 0028-7504. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2023. Nakuha noong 1 Enero 2024.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Turchin, A. (2018). "Approaches to the Prevention of Global Catastrophic Risks". Human Prospect. 7 (2): 52–65. S2CID 135224906. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Setyembre 2022. Nakuha noong 11 Setyembre 2022.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Wilson, G. (1855). What is technology?: an inaugural lecture delivered in the University of Edinburgh on November 7, 1855 (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Edinburgh: Sutherland and Knox. Wikidata Q26221492.
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Wright, R.T. (2008). Technology (ika-5th (na) edisyon). Goodheart-Wilcox Company. ISBN 978-1590707180.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Padron:History of technologyPadron:Science and technology studies