Programang Apollo
Ang Programang Apollo (o Proyektong Apollo) ay isang proyekto ng NASA ng Estados Unidos. Ang layunin nito ay ang magpadala ng isang tao upang galugarin ang buwan at madalang ligtas ang taong ito pabalik sa mundo. Sinimulan ito ng Pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy noong 1961. Ang unang taong nakalakad sa buwan ay si Neil Armstrong ng Apollo 11 noong Hunyo 20, 1969. Isang dahilan ng pagsisimula ng programang ito ay nang maging unang bansang nakapagpadala ng isang tao sa kalawakan ang Unyong Sobyet. Dahila naganap ito noong Digmaang Malamig, marami sa mga nasa Estados Unidos ang nag-isip na kailangang maging palaging nangunguna ang Estados Unidos kaysa USSR sa panggagalugad sa kalawakan. Nagwakas ang Programang Apollo noong 1972. Pagkaraan nito, nagsimulang magsagawa ang NASA ng programa ng bombinang pangkalawakan, ng Pandaigdigang Pangkalawakang Estasyon, at maraming walang-taong mga proyektong panggagalugad ng kalawakan. Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.