Ang lungsod o siyudad ay isang pook na may makapal na populasyon. Binubuo ito ng mga gusali o bahay na pantirahan, pangindustriya at pangkalakal kasama ng mga gawaing pangangasiwa na maaaring makipagugnay sa isa pang malaking lugar. Mga lansangan, kalye at bahay ang malaking bahagdan ng isang lungsod.

Tokyo, isa sa mga pinakamalaking lungsod sa mundo.
Lungsod Quezon, Pilipinas.
Lungsod New York, ang pinakamalaking lungsod sa Estados Unidos.

Kasaysayan

baguhin

Ang mga lungsod at bayan ay mayroong mahabang kasaysayan, kahit na ang mga opinyon ay nagkakaiba-iba kung ituturing na lungsod ang ibang mga sinaunang mga pamayanan.

Ang mga unang lungsod ay naitatag upang magsilbing sentro ng kalakalan para sa ikabubuti ng mga mamamayan na nabibilang dito. Ang mga unang bayan ay minsa'y itinuturing na mga malalaking pamayanan kung saan ang mga nakatira dito ay hindi na mga simpleng magsasaka ng isang lugar, kundi ay nagtrabaho na ng ibang mas mataas na trabaho kaysa magsasaka.

Sinaunang Panahon

baguhin
 
Mohenjo-daro, isa sa mga pangunahing lungsod noong sinaunang panahon.

Ang mga unang lungsod na naitatag sa daigdig ay matatagpuan sa Mesopotamya kagaya ng Eridu, Uruk at Ur, at sa Ehipto na matatagpuan sa Ilog Nile, sa Lambak ng Indus at Tsina. Sa mga unang lungsod, ang Mohenjo-daro ng Lambak ng Indus ang isa sa mga pinakamalaki, at mayroong populasyon na 41,250, at ito rin ang isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa maraming larangan.

Ang paglago ng populasyon, ang pagkabuo ng mga imperyo na naka-tutok sa kapangyarihang pampolitika, at ang paglago ng komersyo at produksiyon ay nag-resulta sa pagpapatayo ng mas malaking mga kabiserang lungsod at sentro ng komersyo at industriya. Ang mga halimbawa ng kabiserang lungsod na ito ay ang lungsod ng Alexandria, Antioch at Seleucia ng sibilisasyong Helenistiko, Pataliputra ng India, Chang'an sa Tsina, at Kartago sa sinaunang Roma.

Gitnang Panahon

baguhin

Sa kasagsagan ng Gitnang Panahon sa Europa, ang isang bayan ay may pampolitika na pagkakakilanlan bilang koleksiyon ng mga kabahayan. Ang ibang mga lungsod, kagaya ng Venezia, Genova o Lübeck, ay naging makapangyarihang mga estado. Minsan, ang mga lugar sa paligid nila ay sinakop nila at ipinailalim nila sa kanilang kapangyarihan.