Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa sosyolohiya, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao.

Pamamahagi ng Populasyon ng Daigdig noong 1984.

Ang densidad ng populasyon o kapal ng populasyon ang tawag sa pamantungang bilang ng tao sa isang lugar. Maraming tao ang isang lugar kung ito ay may mataas na densidad ng populasyon. Mayroong mababang densidad ng populasyon naman kung maliit ang populasyon.

Ang laki ng populasyon ay ang dami ng mga taong naninirahan sa isang pook sa isang tanging panahon.

Mga sanggunian

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.