Ang demograpiya ay ang pang-estadistika na pag-aaral ng populasyon, kabilang dito ang populasyon ng tao. Ito ay maaaring malawak na agham at maaaring gamitin sa kahit anong uri ng dinamikong populasyon ng tao. Ito ay kinapapalooban ng pag-aaral ng laki, estruktura at pamamahagi ng mga populasyon, at ang malawak at mapanahong pagbabago nito ayon sa ipinapanganak, migrasyon, pagtanda at pagkamatay.

Ang populasyon ng mundo.

Ang pagsusuring demograpiko ay maaaring gamitin sa lahat ng lipunan o sa pangkat na tinukoy ayon sa pamantayan gaya ng edukasyon, kabansaan, relihiyon, at etnisidad. Sa Akademya, ang demograpiya ay kadalasang tinutukoy na sangay ng alinman sa antropolohiya, ekonomiya, o sosyolohiya.[1] Kabilang sa pag-aaral ng demograpiya ay ang pag-aaral ng dami, kaayusan, at pamamahagi ng mga populasyong ito, at ang mga pananaliang pagbabago sa loob ng mga populasyon dulot ng pagsisilang, pangingibang-bayan, pagtatanda, at pagkamamatay. Galing sa pananaliksik tungkol sa demograpiya ng daigdig, ang populasyon ng daigdig hanggang sa taong 2050 at 2100 ay maaaring tantiyahin ng mga demograpo.

Etimolohiya

baguhin

Ang demo- mula sa wika ng mga sinaunang Griyegong δῆμος dēmos, ay nangangahulang “ang mga mamamayan” at –grapiya mula sa γράφω graphō, ay nagpapahiwatig ng pagsusulat, paglalarawan, o pagsusukat. Ang demograpiko ay ang mga mabibilang na katangian ng isang populasyon.

Ang panunuring demograpiko ay maaaring gamitin para sa mga lipunan, o mga grupo na mayroong itinakdang saligan katulad ng edukasyon, nasyonalidad, pananampalataya, at lahi. Kadalasan, tinuturing isang sangay ng sosyolohiya ang demograpiya ng mga institusyong edukasyon kahit mayroong ilang mga malayang kagawaran ng demograpiya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Andrew Hinde Demographic Methods Ch. 1 ISBN 0-340-71892-7

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.