Lipunan
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Lipúnan o sósyedád ang pangkat ng mga indibidwal na may kaugnayan sa isa't-isa, madalas base sa kultura, kaugalian, at saloobin, at naninirahan sa isang tiyak na teritoryo pinamumunuan ng isang pinuno o grupo ng mga pinuno. Sa mga tao, isa itong komplikadong istraktura na kooperatibo sa pamamagitan ng paghahati sa trabaho base sa mga inaasahang gampanin ng bawat isa sa naturang pangkat. Nakaayon ang mga gampanin na ito sa mga konsepto ng lipunan na kinokonsiderang tama o mali, kilala rin sa tawag na mga norm. Dahil sa kolaborasyong kaakibat nito, nagagawa ng mga lipunan ang mga bagay na hindi magagawa nang mag-isa.
Magkakaiba-iba ang mga lipunan base sa kanilang natamong antas ng teknolohiya at ekonomiya. Madalas, mas dominante at hiyarkikal ang mga lipunan may sobra-sobrang pagkain. Magkakaiba rin ang anyo ng pamamahala sa mga lipunan, gayundin sa mga pagpapamilya at gampanin ng kasarian. Nakaangkla ang kaugalian ng tao sa lipunan; bagamat tao ang humuhulma sa mga lipunan, hinuhulma ng lipunan ang ugali ng mga tao.
Kahalagahan
baguhinAng kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.
Uri ng lipunan
baguhinAyon kay Fr. De Torre, mauuri ang lipunan sa dalawa - natural at artipisyal. Sinasabing natural ang isang lipunan kung ito ay naitatag nang kusa dala ng likas na pangangailangan ng tao, gaya ng pamilya at lipunan sibil. Samantala, Maituturing itong artipisyal na lipunan kung ang dahilan ng pagkakatatag nito ay sinadya para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ang halimbawa ng artipisyal ay gaya ng paaralan, samahang panghanapbuhay, mga NGO's, at iba pa.
Katayuang panlipunan
baguhinSa sosyolohiya o antropolohiya, ang katayuang panlipunan o kalagayang panlipunan (Ingles: social status) ay ang karangalan o ranggo (kahanayan) ng posisyon o puwesto ng isang tao sa loob ng isang lipunan. Ang mga tao ay nagkakamit ng katayuan sa lipunan sa papamagitan ng sarili nilang gawa o pagsusumikap, at tinatawag na katayuang nakamtan o kalagayang nakamit. O kaya, ang mga tao ay nagkakaroon ng lugar o estado sa isang sistemang panlipunan sa pamamagitan ng pagkakapanganak sa loob ng katayuang ito, at tinatawag ang namanang posisyong ito bilang naitalagang kalagayan o nakatalagang katayuan.
Kontratang panlipunan
baguhinAng panlipunang kontrata ay isang kasangkapang intelektwal na naglalayong ipaliwanag ang karapatdapat na ugnayan ng mga indibidwal at mga pamahalaan. Ang panlipunang kontrata ay nagsasaad na ang mga indibidwal ay nagkakaisa sa isang lipunang pampolitika sa pamamagitan ng proseso ng mutwal na pag-ayon, pagpayag na sumunod sa isang hanay ng patakaran at pagtanggap ng kaakibat na mga katungkulan upang maprotektahan ang mga sarili at ang bawat isa mula sa mga karahasan at ibang uri ng mga panganib.
Sekularisasyon
baguhinAng sekularisasyon ay pagbabago ng isang lipunan mula sa mga pinapahalagahang pang-relihiyon patungo sa mga pinapahalagahang hindi pang-relihiyon at mga sekular na institusyon.
Sanggunian
baguhinPagsipi
baguhinPinagkunan
baguhin- Brown, Donald E. (1988). Hierarchy, History, and Human Nature: The Social Origins of Historical Consciousness. University of Arizona Press. ISBN 0-8165-1060-1. LCCN 88015287. OCLC 17954611.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Conerly, Tanja; Holmes, Kathleen; Tamang, Asha Lal (2021). Introduction to Sociology (PDF) (ika-3rd (na) edisyon). Houston, TX: OpenStax. ISBN 978-1-711493-98-5. OCLC 1269073174. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2022. Nakuha noong 9 Enero 2024.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard E.; Lenski, Jean (1974). Human Societies: An Introduction to Macrosociology (ika-2nd (na) edisyon). New York: McGraw-Hill, Inc. ISBN 978-0-07-037172-9. LCCN 73008956. OCLC 650644.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard E.; Lenski, Jean (1987). Human Societies: An Introduction to Macrosociology (ika-5th (na) edisyon). McGraw-Hill Book Company. ISBN 0-07-037181-4. LCCN 86010586. OCLC 13703170.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Nolan, Patrick; Lenski, Gerhard Emmanuel (2009). Human Societies: An Introduction to Macrosociology (ika-Rev. and Updated 11th (na) edisyon). Boulder: Paradigm Publishers. ISBN 978-1-59451-578-1. LCCN 2008026843. OCLC 226355644.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Magbasa pa
baguhin
- Bicchieri, Cristina; Muldoon, Ryan; Sontuoso, Alessandro (24 Setyembre 2018). "Social Norms". Sa Zalta, Edward N. (pat.). Stanford Encyclopedia of Philosophy (ika-Winter 2018 (na) edisyon). Metaphysics Research Lab, Stanford University. ISSN 1095-5054. LCCN sn97004494. OCLC 37550526. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2020. Nakuha noong 12 Enero 2024.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Boyd, Robert; Richerson, Peter J. (12 Nobyembre 2009). "Culture and the evolution of human cooperation". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences. 364 (1533): 3281–3288. doi:10.1098/rstb.2009.0134. LCCN 86645785. OCLC 1403239. PMC 2781880. PMID 19805434.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Calhoun, Craig, pat. (2002). Dictionary of the Social Sciences. New York, NY: Oxford University Press. ISBN 0-19-512371-9. LCCN 00068151. OCLC 45505995.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Clutton-Brock, T.; West, S.; Ratnieks, F.; Foley, R. (12 Nobyembre 2009). "The evolution of society". Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences. 364 (1533): 3127–3133. doi:10.1098/rstb.2009.0207. LCCN 86645785. OCLC 1403239. PMC 2781882. PMID 19805421.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Griffen, Leonid (2021). "The Society as a Superorganism" (PDF). The Scientific Heritage. 5 (67): 51–60. ISSN 9215-0365. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2021. Nakuha noong 12 Enero 2024.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Jenkins, Richard (2002). Foundations of Sociology: Towards a Better Understanding of the Human World. London, UK: Palgrave MacMillan. ISBN 978-0-333-96050-9. LCCN 2002071539. OCLC 49859950.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lenski, Gerhard (1966). "Agrarian Societies [Parts I & II]". Power and Privilege: A Theory of Social Stratification. McGraw-Hill Book Company. pp. 189–296. ISBN 0-07-037165-2. LCCN 65028594. OCLC 262063.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Postone, Moishe (1993). Time, Labour, and Social Domination: A Reinterpretation of Marx's Critical Theory. United Kingdom: Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-56540-0. LCCN 92035758. OCLC 26853972.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Rummel, Ruldolph Joseph (1976). "The State, Political System and Society". Understanding Conflict and War, Vol. 2: The Conflict Helix. SAGE Publications. ISBN 978-0-470-15123-5. LCCN 74078565. OCLC 59238703. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Marso 2022. Nakuha noong 12 Enero 2024.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Williams, Raymond (1976). Keywords: A Vocabulary of Culture and Society. London, UK: Fontana/Croom Helm. ISBN 0-85664-289-4. LCCN 76377757. OCLC 2176518.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)