30°48′57.02″N 45°59′45.85″E / 30.8158389°N 45.9960694°E / 30.8158389; 45.9960694

Hammurabi's Babylon.

Ang Eridu (Cuneiform: NUN.KI 𒉣 𒆠; Sumerian: eriduki; Akkadian: irîtu) ay isang sinaunang siyudad ng Sumerya sa ngayong Tell Abu Shahrain, Dhi Qar Governorate, Iraq. Ang Eridu ay matagal na itinuturing na pinakamaagang siyudad sa katimugang Mesopotamia at hanggang sa kasalukuyang ay ikinakatwirang ang pinakamatandang siyudad sa buong mundo.[1] Ito ay matatagpuan na 12 km na timog kanluran ng Ur. Sa mitolohiyang Sumeryo, ang Eridu ang orihinal na tahanan ni Enki na itinuturin gna nagtatag ng siyudad na kalaunang kinilala ng mga Akkadian bilang si Ea. Ang kanyang templo ay tinawag na E-Abzu dahil si Enki ay pinaniwalaang nabuhay sa Abzu(Malalim na Karagatan) na isang aquifer kung saan ang lahat ng buhay ay pinaniniwalaang nagmula.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Leick, Gwendolyn (2002), "Mesopotamia: The Invention of the City" (Penguin)