Enki

Diyos sa mitolohiyang Sumeryo
(Idinirekta mula sa Ea)

Si Enki' (play /ˈɛŋki/) (Sumerian: dEN.KI(G)𒂗𒆠) ay isang Diyos sa Mitolohiyang Sumeryo. Siya ay kalaunang nakilala bilang si Ea sa mitolohiyang Babilonyano at Akkadiano. Siya ay orihinal na patrong Diyos ng siyudad ng Eridud ngunit ang impluwensiya ng kulta ay kalaunang kumlata sa buong Mesopotamia at sa mga Cananeo, mga Hittite at mga Hurrian. Siya ang Diyos ng mga kasanayan (gašam); kapilyuhan, tubig, tubig dagat, tubig lawa (a, aba, ab), katalinuhan (gestú, literal na tenga) at paglikha (Nudimmud). Siya ay nauugnay sa katimugang banda ng mga konstelasyong tinatawag na mga bituin ni Ea pati sa konstelasyong AŠ-IKU, (Square of Pegasus).[1] Simula noong ika-2 milenyo BCE, siya ay minsang tinutukoy sa pagsulat sa pamamagitan ng kanyang ideogramang pambilang para sa "40" na minsang tinutukoy na kanyang "sagradong bilang."[2][3][4] Ang planteang Merkuryo na nauugnay sa Diyos na si Nabu(anak ni Marduk) ay kinilala kay Enki sa mga panahong Sumeryo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Origins of the ancient constellations: I. The Mesopotamian traditions by J.H. Rogers
  2. Jeremy A. Black, Jeremy Black, Anthony Green, Tessa Rickards, Gods, demons, and symbols of ancient Mesopotamia (1992), University of Texas Press, p. 145.
  3. Benjamin R. Foster, Chpt. 4 "Mesopotamia" from A Handbook of Ancient Religions edited by John R. Hinnells (2007), Cambridge University Press, p. 174.
  4. W. Röllig, "Götterzahlen", Reallexikon der Assyriologie, III (1957-1971), p. 500.