Nabu
Si Nabu (Sa Hebreo ay Nebo נבו) ang Asiryo at Babilonyanong Diyos ng karunungan at pagsulat. Siya ay sinamba ng mga Babilonyano bilang anak na lalake ni Marduk at kanyang konsorteng si Sarpanitum at bilang apo ni Ea. Ang konsorte ni Nabu ay si Tashmetum. Si Nabu ay orihin al na isang Kanlurang Semitikong Diyos na ipinakilala ng mga Amoreo sa Mesopotamia na malamang sa parehong panahong kay Marduk sa sandaling pagkatapos ng 2000 BCE.[1] Habang naging pangunahing Diyos ng Babilonya si Marduk, si Nabu ay tumira sa kalapit na Borsippa sa kanyang templong E-zida. Siya ay unang tinawag na "skriba at ministro ni Marduk" at kalaunang isinama bilang minamahal na anak ni Marduk mula sa Sarpanitum. Tuwing Pistang Bagong Taon ng Babilonya, ang estatwang kulto ni Nabu ay dinadala mula sa Borsippo tungo sa Babilonya upang makasama ang kanyang amang si Marduk. Si Nabu ay kalaunang naging isa sa mga pangunahing Diyos ng Assyria at mga Asiryo na tinatawag sa maraming mga panalangin at mga inskripsiyon kay Nabu at nagpangalan ng mga anak sa kanya. Si Nabu ang Diyos ng pagsulat at mga skriba at taga-ingat ng mga Tableta ng Tadhana kung saan ang kapalaran ng sangkatauhan ay itinatala. Siya ay minsan ring sinasamba bilang diyos ng pertilidad at bilang isang Diyos ng tubig.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Nabu - Myth Encyclopedia - mythology, god, ancient, children". Mythencyclopedia.com. Nakuha noong 2010-12-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)