Hammurabi
Si Hammurabi (c. 1810 BK - 1750 BK) ang ikaanim na hari ng Unang Dinastiyang Babilonyo mula 1792 BK hanggang 1750 BK, ayon sa Gitnang Kronolohiya. Sinundan niya ang kanyang amang si Sin-Muballit na nagbitiw dahil sa kanyang humihinang kalusugan. Kanyang pinalawig ang kontrol ng Babilonya sa Mesopotamya sa pamamagitan ng mga kampanyang militar. Si Hammurabi ay kilala para sa Kodigo ni Hammurabi, isa sa mga pinakamaaagang nabubuhay na mga kodigo ng batas sa naitalang kasaysayan. Ang pangalan na Hammurabi ay nanggagaling sa Amoreong termino na ʻAmmurāpi ("ang kamag-anak ay isang manggagamot") mula sa ʻAmmu, ("pang-amang kamag-anak") at Rāpi, ("manggagamot").
Hammurabi | |
---|---|
Kapanganakan | c. 1810 BK Babilonya |
Kamatayan | 1750 BK gitnang kronolohiya (kasalukuyang-araw na Jordan at Syria) (edad c. 60) Babilonya |
Kilala sa | Kodigo ni Hammurabi |
Titulo | Hari ng Babilonya |
Termino | 42 years; c. 1792 – 1750 BC (middle) |
Sinundan | Sin-Muballit |
Sumunod | Samsu-iluna |
Anak | Samsu-iluna |
Pamamahala at mga pananakop
baguhinSi Hammurabi ay dating Unang Dinastiyang Amoreong hari ng lungsod-estado ng Babilonya, at nagmana ng kapangyarihan mula sa kanyang amang si Sin-Muballit, noong c. 1792 BK.[3]
Kodigo ni Hammurabi
baguhinSi Hammurabi ay mahusay na kilala sa kanyang pagpapakilala ng isang bagong kodigo ng batas na Babilonio na tinatawag na Kodigo ni Hammurabi. Ito ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isang stela at inilagay sa lugar na pampubliko upang mabasa ng lahat. Ang stela na ito ay kalaunang kinuha ng mga taga-Elam at inalis sa kabisera nitong Susa. Ito ay muling natuklasan noong 1901 at nakalagak ngayon sa Louvre Museum sa Paris. Ito ay naglalaman ng 282 batas na isinulat ng mga skriba sa 12 tableta. Hindi tulad ng mas maagang mga batas, ito ay isinulat sa wikang Akkadian na pang-araw araw na wika ng Babilonya at kaya ay mababasa ng sinumang nakakabasang tao sa siyudad. Sinasabing ang mga kaparusahan nito ay napakabagsik sa mga modernong pamantayan na ang maraming mga kasalanan ay nagreresulta sa kamatayan, pananakit o paggamit ng pilosopiyang "mata sa mata; ngipin sa ngipin". Ang kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakamaagang halimbawa ng ideya ng pagpapalagay ng kainosentehan ng nagkasala at ang akusado at nag-akusa ay may pagkakataon na magpakita ng ebidensiya. Ikinatwiran ni David P. Wright na ang mga batas ng Hudaismo o kautusan ni Moises ay gumamit sa kodigo ni Hammurabi bilang isang modelo na gumagaya sa istruktura at nilalaman nito.[4]
Mga depiksyon
baguhinDahil sa reputasyon ni Hammurabi bilang tagapagbigay ng batas, siya ay ipinapakita sa mga gusaling pampamahalaan ng Estados Unidos. Siya ang isa sa 23 tagapagbigay ng batas na nasa mga bas-relief ng kamara ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos sa Kapitolyo ng Estados Unidos.[5] Ang isang frieze ni Adolph Weinman na nagpapakita ng "mga dakilang tagapagbigay ng batas sa kasaysayan" na kinabibilangan ni Hammurabi ay nasa pader na timog ng Gusali ng Korte Suprema ng Estados Unidos.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ancient Iraq by Georges Roux, Chapter 17 The Time of Confusion p. 266
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-06-10. Nakuha noong 2013-09-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Van De Mieroop 2005, p. 1
- ↑ David P. Wright, Inventing God's Law: How the Covenant Code of the Bible Used and Revised the Laws of Hammurabi (Oxford University Press, 2009), page 3 and passim.
- ↑ "Hammurabi". Architect of the Capitol. Nakuha noong 2008-05-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Courtroom Friezes" (PDF). Supreme Court of the United States. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2010-06-01. Nakuha noong 2008-05-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan: Sin-muballit |
Hari ng Babilonya | Susunod: Samsu-iluna |