Ikalawang Rebolusyong Industriyal
Ang Pangalawang Rebolusyong Industryal, kilala din bilang ang Rebolusyong Teknolohikal, ay bahagi ng mas malaki pang Rebolusyong Industryal na kaayon sa kahulihang bahagi ng ikalabing-siyam na siglo, sa pagitan ng taong 1840 at 1860 hanggang sa Unang Digmaang Pandaigdig. Itinuturing na nagsimula ito sa oras ng pagpapakilala ng Bessemer Steel noong 1850 at humantong ito sa maagang pagsasakuryente ng mga pabrika, produksyong maramihan at linya ng produksyon.
Kilala ang Panglawang Pang-Industryal rebulosyon sa pagpapatayo ng riles ng tren, ang malaking produksyon ng bakal, ang malaganap na paggamit ng makinarya sa pagawaan, labis na paggamit ng enerhiyang singaw, paggamit ng langis, ang umpisa ng koryente at ang mga komunikasyong pangkoryente. Mabilis itong nakakita ng pang-industriya na pag-unlad, lalo na sa Alemanya at Estados Unidos, at sa Britanya, Pransiya, ang mga Mababang Bansa at ang Hapon. Sumunod ito mula sa Unang Rebolusyong Indutryal na nagsimula sa Britanya noong huling ikalabing-walong siglo na kumalat sa buong Kanlurang Europa at Hilagang Amerika.
Ang konseptong ito ay pinakilala ni Patrick Geddes sa Cities In Evolution (1910), ngunit ang paggamit ni David Landes ng termino sa kanyang 1966 na sanaysay at sa The Unbound Prometheus ay nag paulira ng depenisyon ng termino na matinding itinaguyod ni Alfred Chandler.