Dalawampung Libong mga Liga sa Ilalim ng Dagat
Ang Twenty Thousand Leagues Under the Sea (Pranses: Vingt mille lieues sous les mers) o Dalawampung Libong mga Liga sa Ilalim ng Dagat o Dalawampung Libong mga Milya sa Ilalim ng Dagat ay isang klasikal na nobelang kathang-isip na kuwentong makaagham na isinulat ng manunulat na Pranses na si Jules Verne, at nailathala noong 1870. Naglalahad ito ng kuwento hinggil kay Kapitan Nemo at ng kaniyang submarinong Nautilus magmula sa perspektibo o pananaw ni Propesor Pierre Aronnax. Ang edisyong orihinal ay walang mga ilustrasyon o kasamang mga ginuhit na larawan; ang unang edisyong mayroong ilustrayon ay inilathala ni Pierre-Jules Hetzel, na ang mga larawan ay iginuhit nina Alphonse de Neuville at Édouard Riou.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.