Sasakyan
Ang sasakyan ay ano mang kagamitang naigagalaw at mapaglalagyan ng ano mang bagay at maipanghahatid dito tungo sa isang patutunguhan.
Kasaysayan
baguhinPanimula
baguhinAng mga pinakauna sa sandaigdigan na sinasakyan upang makapaglakbay sa kalupaan ay mga hayop katulad ng kamelyo at kabayo. Nang lumaon ay gumawa na rin ang mga tao ng mapaglalagyan at mapagsisidlan katulad ng kariton o karwahe na gawa sa kahoy na ipinahihila kung hindi sa hayop ay sa tao. Idinagdag din ang gulong upang mapabilis ang pagkalipat ng sasakyan at nang lumaon pa ay napabilis ang pagpapaikot ng gulong at napadali ang pagtulak sa sasakyan dahil sa pagkakalikha sa makina o motor.[1]
Paggamit ng kuryente at motor
baguhinNoong taóng 1815 ay nalikha ni Karl Benz, isang manlilikha ng mga pinaiinitang tagapagpagalaw, ang unang kotseng de-makina. Ang unang kotseng maihahalintulad sa kasalukuyan ay ang Volkswagen Beetle na unang ginawa noong taóng 1957. Nagpatuloy sa paggawa ng mga de-makinang sasakyang panlupa hanggang sa ngayon ang mga nagpangunang kompanya gaya ng Ford Motor Corporation at Mercedes-Benz, kung saan maibibilang ang ilang tanyag na modelo tulad ng Ford Ranger[2] at Mercedes-Benz G-Class.
Pagpapahusay
baguhinIba't-ibang kasangkapan ang nilikha upang padaliin at paginhawain ang pagmamaneho ng sasakyan katulad ng windshield wipers, manibela, pang-iba ng temperatura, car audio, radar detector,[3] at iba pa.[4]
Sa Pilipinas
baguhinNoong 1960 inilabas ang unang plakang pansasakyang panlupa sa Pilipinas. Unang ipinatala ang mga kotse saka sinundan ng mga traysikel at dyip.
Mga uri
baguhinIlang uri ng sasakyang ginagamit sa Pilipinas:
Mga sanggunian
baguhin- ↑ History of Cars. Explain That Stuff. Hinango noong 05 Nobyembre 2018.
- ↑ History of the Ford Ranger. Naka-arkibo 2019-02-26 sa Wayback Machine. Motor Industry Org. Hinango noong 09 Disyembre 2018.
- ↑ How does a GPS tracking system work? EE Times. Hinango noong 05 Nobyembre 2018.
- ↑ Car Accessories and Features. Naka-arkibo 2016-04-19 sa Wayback Machine. Project Listen. Hinango noong 05 Nobyembre 2018.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.