Kasaysayan ng teknolohiya

Ang kasaysayan ng teknolohiya ay ang kasaysayan ng pagkaimbento ng mga kasangkapan at mga teknik, at kahalintulad ng maraming mga paraan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang panlikurang sanligan o kaalaman ay nagbigay ng kakayahan sa mga tao upang makalikha ng bagong mga bagay at maraming mga pagsusumikap na pang-agham na naging maaari dahil sa teknolohiya na nakakatulong sa mga tao upang makapaglakbay at marating ang mga pook o lugar na hindi nila mapupuntahan, at kilatisin o siyasatin ang kalikasan ng uniberso na lalong mas detalyado kaysa sa napapahintulutan lamang ng likas na mga pandama.

Ang artipaktong pangteknolohiya ay mga produkto ng sistemang pang-ekonomiya, isang puwersa para sa kaunlarang pangkabuhayan, at isang malaking bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang mga inobasyong pangteknolohiya ay nakakaapekto sa at naaapektuhan din ng mga kaugaliang pangkalinangan ng isang lipunan. Ang mga ito ay isa ring kaparaanan o kagamitan upang makapagpaunlad at makapagpamukha o makapagpamalas ng kapangyarihang pangmilitar.

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.