Sumerya
Ang Sumerya, Sumeria o Sumer (mula sa wikang Akkadiano Šumeru; Sumeryo 𒆠𒂗𒂠 ki-en-ĝir15, tinatayang "lupain ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain")[1] ay ang unang urban na kabihasnan sa makasaysayan na rehiyon ng silanganing Mesopotamya, kasulukuyang araw na timog Irak, noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso, at marahil ang unang kabihasnan sa mundo kasama ang Sinaunang Ehipto. Habang naninirahan sa kahabaan ng lambak ng Tigris at Euphrates (Mesopotamya ay Griyego para sa lupa sa pagitan ng dalawang ilog), ang mga Sumeryong magsasaka ay nakapagtanim ng kasaganaan ng mga butil at iba pang mga pananim, ang kalabisan ng mga ito ang nagbigay-daan upang manirahan sa isang lugar.
| |
Geographical range | Mesopotamia, Sinaunang Malapit na Silangan, Gitnang Silangan |
---|---|
Period | Huling Neolitiko, Gitnang Panahong Bronse |
Dates | c. 4500 – c. 1900 BCE |
Preceded by | Panahong Ubaid |
Followed by | Imperyong Akkadio |
Sinaunang Mesopotamia |
---|
Eufrates · Tigris |
Mga Imperyo/Lungsod |
Sumerya |
Eridu · Kish · Uruk · Ur Lagash · Nippur · Ngirsu |
Elam |
Susa |
Imperyong Akkadiano |
Akkad · Mari |
Amorreo |
Isin · Larsa |
Babilonya |
Babilonya · Caldea |
Asiria |
Assur · Nimrud Dur-Sharrukin · Nineve |
Ang kauna-unahang pagsusulat sa bago ang kasaysayan ay masusundan sa c. 3000 BK. Iminungkahi ng mga modernong historyador na ang Sumeria ay unang permanenteng tinirhan noong pagitan ng c. 5500 at 4000 BK ng mga Kanlurang Asya na mga tao na maaring nagsalita ng wikang Sumeryo (dahil sa mga pangalan ng mga lungsod, mga ilog, mga simpleng trabaho, atbp. bilang katibayan).[2]
Ang mga pinagpapalagay na sinaunang-panahon na mga taong ito ay tinatawag ngayon ng mga iskolar na mga "proto-Euphratean" o mga "Ubaidian",[3] na pinaniniwalaang nanggaling mula sa kalinangang Samarra ng Hilagang Mesopotomya (Asiria).[4][5][6][7] Ang mga Ubaidian ang mga unang nagpaunlad ng kabihasnan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng irigasyon, pagpapaunlad ng kalakalan, pagtatatag ng mga industriya kabilang ang paghahabi, pagkakatad, pagmemetal, masonriya at pagpapalayok.[3] Ang kabihasnang Sumeryo ay nagkaanyo sa panahong Uruk (ika-4 milenyo BK) na nagpatuloy hanggang sa Jemdat Nasr at mga panahong Maagang Dinastiko. Noong ika-3 milenyo BK, ang isang malapit na simbiosis na kultural ay nabuo sa pagitan ng mga Sumeryo (na nagsasalita ng Hiwalay na wika) at mga tagapagsalitang Semitikong Akkadiano na kinabibilangan ng malawakang bilingualismo.[8] Ang impluwensiya ng wikang Sumerian sa wikang Akkadian at bise bersa ay ebidente sa lahat ng mga sakop mula sa malawakang panghihiram na leksikal hanggang sa pagtatagpong sintaktiko, morpolohikal at ponolohikal.[8] Ito ay nagtulak sa mga skolar na tukuyin ang wikang Sumerian at Akkadian noong ikatlong milenyo BK bilang isang sprachbund.[8] Ang Sumeria ay sinakop ng mga nagsasalita ng Semitikong mga hari ng Imperyong Akkadian noong mga 2270 BK (maikling kronolohiya) ngunit ang wikang Sumeryo ay nagptuloy bilang isang sagradong wika. Ang katutubong pamumunong Sumeryo ay muling umahon sa loob ng isang siglo ng Ikatlong Dinastiya ng Ur (Renasimiyentong Sumeryo) ng ika-21 hanggang ika-20 siglo BK ngunit ang wikang Akkadian ay nanatiling ginagamit sa panahong ito. Ang siyudad na Sumeryong Eridu sa baybayin ng Golpong Persiko (Persian Gulf) ang kauna-unahang siyudad sa mundo kung saan ang tatlong magkakahiwalay na mga kultura ay nagsama-ng mga magsasakang Ubaidiano na nabubuhay sa mga kubong putik at brick at nagsasanay ng irigasyon, mga nomadikong Semitikong mga magpapastol na nabubuhay sa mga itim na told at nagpapastol ng mga tupa at kambing, at mga mangingisda na nabubuhay sa mga kubong reed na maaaring mga ninuno ng mga Sumeryo.[9]
Ang labis na maiimbak na mga pagkain na nalikha ng ekonomiyang ito ay pumayag sa populasyon ng rehiyong ito na tumira sa isang lugar sa halip na magpagala-gala bilang mga mangangaso. Ang Sumeria ay lugar rin ng maagang pag-unlad ng pagsusulat na sumulong mula sa isang yugto ng proto-pagsusulat noong gitnang ika-4 milenyo BK hanggang sa kuneipormang Sumeryo sa ikatlong milenyo BK.
Mga siyudad-estado sa Mesopotamia
baguhinSa huling ika-4 na milenyo BK, ang Sumeria ay nahahati sa mga dosenang independiyenteng mga siyudad-estado na nahahati ng mga kanal at mga hangganang bato. Ang bawat isa ay nakasentro sa isang templong inalay sa isang partikular na patrong Diyos o Diyosa ng siyudad at pinamumunuan ng isang saserdoteng gobernador (ensi) o ng isang hari (lugal) na malapit na nakatali sa mga ritong panrelihiyon ng siyudad. Ang limang mga unang siyudad ay sinasabing nagsanay ng pre-Dinastikong paghahari:
- Eridu (Tell Abu Shahrain)
- Bad-tibira (Tell al-Madain)
- Larsa (Tell as-Senkereh)
- Sippar (Tell Abu Habbah)
- Shuruppak (Tell Fara)
Ang ibang mga pangunahing siyudad ang:
- Uruk (Warka)
- Kish (Tell Uheimir & Ingharra)
- Ur (Tell al-Muqayyar)
- Nippur (Afak)
- Lagash (Tell al-Hiba)
- Girsu (Tello or Telloh)
- Umma (Tell Jokha)
- Hamazi 1
- Adab (Tell Bismaya)
- Mari (Tell Hariri) 2
- Akshak 1
- Akkad 1
- Isin (Ishan al-Bahriyat)
(1ang lokasyon ay hindi matiyak )
(2isang malayong siyudad sa hilagaang Mesopotamia )
Ang mga maliliit na siyudad mula timog hanggang hilaga:
- Kuara (Tell al-Lahm)
- Zabala (Tell Ibzeikh)
- Kisurra (Tell Abu Hatab)
- Marad (Tell Wannat es-Sadum)
- Dilbat (Tell ed-Duleim)
- Borsippa (Birs Nimrud)
- Kutha (Tell Ibrahim)
- Der (al-Badra)
- Eshnunna (Tell Asmar)
- Nagar (Tell Brak) 2
(2isang malayong lugar sa hilagaang Mesopotamia) Maliban sa Mari na nasa buong 330 km (205 mi) hilagang kanluran ng Agade ngunit kinikilala sa talaan ng haring Sumeryo na nagsanay ng paghahari sa panahong simulang Dinastiko II at Nagar, ang mga siyudad ay lahat nasa kapatagang alubyal na Euprates-Tigris sa timog ng Baghdad sa ngayong Bābil, Diyala, Wāsit, Dhi Qar, Basra, Al-Muthannā at mga gobernadoradang Al-Qādisiyyah ng Iraq.
Kasaysayan
baguhinAng kasaysayan ng Sumeria na kinabibilangan ng prehistorikong mga panahong Ubaid at panahong Uruk ay sumasaklaw mula ika-5 hanggang ika-3 milenyo BK na nagtapos sa Ikatlong Dinastiya ng Ur noong 2047–1940 BK na sinundan ng transisyonal na panahon ng mga estadong Amoreo.
Ang unang lugar na tinirhan ng mga tao sa katimugang Mesopotamia ang Eridu. Inangkin ng mga Sumeryo na ang kanilang kabihasnan ay dinala sa siyudad ng Eridu ng kanilang Diyos na si Enki o kanyang tagapayong si Adapa. Dinala ng mga unang tao ng Eridu ang kulturang Samarran mula sa hilagaang Mesopotamia na kinikilalang panahong Ubaid ngunit hindi pa matiyak kung ang mga ito ay mga Sumeryo na nauugnay sa kalaunang panahong Uruk.
Ang mga siyudad-estado o lungsod-estado na Sumeryo ay umakyat sa kapangyarihan noong prehistorikal na panahong Ubaid at panahong Uruk. Ang Klasikong Sumeryo ay nagwakas sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Akkadiano noong ika-23 siglo BK Pagkatapos ng panahong Gutian, may isang maikling Renasimiyentong Sumeryo noong ika-21 siglo BK na pinatigil noong ika-20 siglo BK ng mga pananakop ng mga Amoreong Semitiko. Ang "dinastiyang Isin" ng Amoreo ay nagpatuloy hanggang ca. 1700 BK nang ang Mesopotamia ay pinag-isa sa ilalim ng pamumuno ng Babilonia. Ang mga Sumeryo ay kalaunang isinama sa populasyong Akkadian (Assyro-Babylonian).
- Panahong Ubaid: 5300 – 4100 BK (Palayukang Neolitiko hanggang Chalcolithic)
- Panahong Uruk: 4100 – 2900 BK (Huling Chalcolithic hanggang Maagang Panahong Tanso I)
- Uruk XIV-V: 4100 – 3300 BK
- Panahong Uruk IV : 3300 – 3000 BK
- Panahong Jemdet Nasr (Uruk III): 3000 – 2900 BK
- Maagang panahong Dinastiko (Maagang panahong Tanso II-IV)
- Panahong Maagang Dinastiko I: 2900–2800 BK
- Panahong Maagang Dinastiko II : 2800–2600 BK (Gilgamesh)
- Panahong Maagang Dinastiko IIIa: 2600–2500 BK
- Panahong Maagang Dinastiko IIIb : ca. 2500–2334 BK
- Panahong Imperyong Akkadian : ca. 2334–2218 BK (Sargon)
- Panahong Gutian: ca. 2218–2047 BK (Maagang panahong Tanso IV)
- Panahong Ur III: ca. 2047–1940 BK
Ang talaan ng mga haring Sumeryo ay nagtatala ng mga hari ng Sumeria. Bagaman ang mga dinastiyang namuno ay itinalang magkakasunod dito, ang ilan sa mga pinunong ito ay aktuwal na namuno ng sabay sa mga magkaibang lugar.
Panahong Pre-dinastiya
baguhinAng panahong pre-dinastiya sa talaan ng mga haring Sumeryo ay nagpapakita ng pagpasa ng kapangyarihan mula sa Eridu tungo sa Shuruppak bago ang isang malaking baha . Ayon sa talaan ng mga haring Sumeryo, ang paghahari ay bumaba mula sa langit sa Eridu at si Alulim ang unang haring nanamuno ng 28,000 taon. Ang Eridu ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Bad-tibira. Ang Bad-tibira ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Larag. Ang Larag ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Zimbir. Ang Zimbir ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Shuruppak. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng malaking baha sa Shuruppak. Ang mga ebidensiya ng paghuhukay sa Iraq ay nagpapakita ng isang lokal na baha sa Shuruppak. Nakumpirma ng mga arkeologo ang presensiya ng isang malawakang patong ng mga depositong silt sa mga bangko ng ilog sa Shuruppak na pinetsahan ng radio carbon na nangyari noong ca. 2900 BK sa sandaling pagkatapos ng osilasyong Piora na gumambala sa pagkakasunod ng pagtira ng tao na nag-iwan ng ilang talampakan ng dilaw na sedimento sa mga siyudad ng Shuruppak at Uruk at hanggang sa Kish sa hilaga. Ang mga palayukang polychrome mula sa panahong Jemdet Nasr (3000–2900 BK) ay natuklasan ng agaran sa ilalim ng stratum o patong ng baha sa Shuruppak. Ang panahong Jemdet Nasr ay sinundan ng mga artipakto ng panahong Maagang Dinastiko I sa itaas ng patong na sedimento ng baha. Ayon sa resensiyong WB-62 ng talaan ng mga haring Sumeryo, si Ziusudra ng Shuruppak ang huling hari ng Sumeria bago ang baha. Ang mito ng paglikha ng Sumeria ay nagsasalaysay rin ng pagkakalikha ng mga tao, pagbaba ng paghahari mula sa langit at pagkakatag ng unang limang mga siyudad na Eridu, Bad-tibira, Larsa (Larag), Sippar (Zimbir), at Shuruppak, ang bahang ipinadala ng mga Diyos na sina An, Enlil, Enki at Ninhursanga at paggawa ng isang bangka ni Ziusudra at pagbibigay kay Ziusudra ng buhay na walang hanggan ng mga Diyos. Pagkatapos ng baha sa Sumeria, ang hegemonya ay muling lumitaw sa hilagaang siyudad ng Kish sa pasimula ng panahong Maagang Dinastiko.
Panahong Maagang Dinastiko
baguhinAng panahong Maagang Dinastiko ay nagsimula pagkatapos ng isang patid sa kultura dahil sa isang baha sa mas naunang panahong Jemdet Nasr na pinetsahan ng radio carbon noong mga 2900 BK. Ang panahong Maagang Dinastiko II ang panahon na ang hari ng Uruk na si Gilgamesh ay namuno. Ang hegemonya na ipinagkakaloob ng saserdote ng Nippur ay naghalili sa isang bilang ng mga magkakatunggaling dinastiya mula sa siyudad-estado ng Sumeria kabilang ang Kish, Uruk, Ur, Adab at Akshak gayundin mula sa labas ng katimugang Mesopotamia gaya ng Awan, Hamazi, at Mari, hanggang sakupin ni Sargon ng Akkad ang mga sakop nito.
Unang Dinastiya ng Kish
baguhinPagkatapos ng malaking baha sa Sumeria, ang paghahari ay nagpatuloy sa Kish. Ang pinuno ng Kish na si Enmebaragesi (ca. 2600 BK) ang unang pinunong sa talaan ng mga haring Sumeryo na pinatunayan ng arkeolohiya. Tinalo ni Enmebaragesi ang Elam at itinayo ang templo ng Diyos na si Enlil sa Nippur. Ang kahalili ni Enmebaragesi na si Aga ng Kish ay nakipaglaban kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Pagkatapos na matalo ang Kish sa labanan, ang paghahari ay inilipat sa E-ana.
Unang Dinastiya ng Uruk
baguhinSi Mesh-ki-ang-gasher ang unang hari ng Uruk. Siya ay sinundan ni Enmerkar. Ang epikong Enmerkar at ang Panginoon ng Aratta ay nagsasalaysay ng kanyang paglalakbay sa Aratta. Ang epiko ni Enmerkar at ang Panginoon ng Aratta ay posibleng nakaimpluwensiya sa mas kalaunang kuwento ng Tore ng Babel sa Tanakh ng Hudaismo. Hiniling ni Enmerkar sa Diyos na si Inanna na ipailalim sa kanya ang Aratta at paghatirin ang mga tao ng Aratta ng isang tributo ng mga mahahalagang metal at hiyas para sa pagtatayo ng isang matayog na Abzu ziggurat ni Enki sa Eridu gayundin para sa pagpapalamuti ng sariling santuwaryo ni Inanna sa Uruk. Pinayuhan ng Diyos na si Inanna si Enmerkar na magpadala ng isang sugo sa mga kabundukan ng Susin at Anshan sa panginoon ng Aratta upang hilingin ang kanyang pagpapailalim at ang kanyang tributo. Si Enmerkar ay pumayag at nagpadala ng sugo kasama ng mga spesipikong banta na wawasakin ang Aratta at papakalatin ang mga tao kung hindi sila magpapadala sa kanya ng tributo. Sa karagdagan, siya ay bibigkas ng isang "Inkantasyon ng Nudimmud" na isang himnong nagsusumamo kay Enki na ibalik ang pagkakaisa sa wika ng mga tinatahanang rehiyon na pinangalanang Shubur, Hamazi, Sumeria, Uri-ki (ang rehiyon sa palibot ng Akkad) at ang lupaing Martu: "Ang buong uniberso, ang mahusay na nabantayang mga tao— nawa'y kanilang magkakasamang pagsalitaan si Enlil sa isang wika." Si Enmerkar ay sindundan ni Lugalbanda at ni Dumuzid ang Mangingisda. Si Dumuzid ay sinundan ni haring Gilgamesh na bida sa Epiko ni Gilgamesh na nakaimpluwensiya sa kuwentong Arko ni Noe sa Bibliya.
Ang Uruk ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Ur.
Unang Dinastiya ng Ur
baguhinAng dinastiyang ito ay umiral noong mga ika-26 siglo BK. Si Meskalamdug ang unang hari ng Ur na pinatayunan ng arkeolohiya.
Mga sumunod pang dinastiya
baguhinAng Ur ay natalo at ang pahahari ay dinala sa Awan. Ang dinastiyang Awan ay umiral noong mga ika-26 siglo BK. Ang Awan ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish. Ang Ikalawang Dinastiya ng Kish ay pinamunuan ng 8 pinuno. Pagkatapos na matalo ang Kish, ang paghahari ay dinala sa Hamazi. Ang Hamazi ay pinamunuan ng isang 1 pinuno. Ang Hamazi ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Uruk. Ang Ikalawang Dinastiya ng Uruk ay pinamunuan ng 3 pinuno. Ang Uruk ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Ur. Ang Ur ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Adab. Ang Adab ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Mari. Ang Mari ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish. Ang Ikatlong Dinastiya ng Kish ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Akshak. Ang Akshak ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish. Ang Ikaapat na Dinastiya ng Kish ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Uruk. Ang Unang Dinastiya ng Lagash ay umiral noong ika-25 siglo BK at si En-hegal ang unang pinuno nito bilang isang tributaryo ng Uruk. Si Urukagina (ca. 2359–2335 BK maikling kronolohiya) ay pinabagsak at ang kanyang siyudad na Lagash ay nabihag ng dakilang saserdote ng Umma na si Lugal-zage-si. Sinakop ni Lugal-zage-si ang Uruk at Ur at ginawa niyang kabisera ang Uruk. Gumawa siya ng mga mahabang inskripsiyon sa mga batong base na inalay sa Diyos na Enlil ng Nippur. Siya ay pinabagsak ni Sargon ng Akkad at ang paghahari ay dinala sa Akkad na tumagal ng ca. 2334 hanggang 2218 BK (maikling kronolohiya). Ang Akkad ay natalo ng mga Gutian na namuno ng mga isang siglo. Ang ikalawang Dinastiya ng Lagash ay tumagal ng ca. 2260 hanggang 2110 BK. Ang mga Gutian ay pinalayas ng mga Sumeryo sa ilalim ni Utu-hengal ng Uruk. Si Utu-hegal ay natalo ni Ur-Nammu na nagtatag ng Ikatlong Dinastiya ng Ur na tumagal ng ca. 2047 hanggang 1940 BK sa maikling kronolohiya.
Pagbagsak
baguhinAng Sumeria ay hindi nagkaisa noong sinasalakay sila ng mga Akkadiano kaya ang lungsod-estado na ito ay naging bahagi ng Imperyong Akkadiano. Nilusob din ito ng mga Elamita. Sinasabing humina ang agrikultura kaya lumisan ang ibang tao.[10]. Sa huli, naging bahagi ito ng Imperyong Babilonya.
Kultura
baguhinPagsulat
baguhinAng pagsulat sa Sumeria ang pinakamatandang halimbawa ng pagsulat sa mundo. Ang malaking bilang ng mga libo libong kasulatan sa wikang Sumeryo ay nakaligtas gaya ng mga liham na personal o pangnegosyo, mga resibo, mga talaang leksikal, mga batas, mga imno, mga panalangin, mga kuwento, mga talaang pang-araw araw at mga aklatang puno ng mga tabletang putik. Ang sistema ng kanilang pagsulat ay tinatawag na Cuneiform.
Relihiyon
baguhinWalang malawakang pangimperyong hanay ng mga Diyos. Ang bawat siyudad-estado ay may sarili nitong patrong-Diyos, mga templo, mga saserdote-hari. Ang mga Sumeryo ang pinaniniwalaang ang unang sumulat ng kanilang mga paniniwala na kalaunang naging inspirasyon ng mitolohiyang Mesopotamiano na naging impluwensiya naman sa mga mas kalaunang relihiyon gaya ng Hudaismo at Kristiyanismo.
Matematika
baguhinAng mga Sumeryo ay bumuo ng isang masalimuot na sistema ng metrolohiya noong mga 4000 BK. Ito ay nagresulta sa paglikha ng aritmetika, heometriya at alhebra. Mula c. 2600 BK, ang mga Sumeryo ay sumulat ng mga tabla ng multiplikasyon sa mga tabletang putik at mga pagsasanay na heometrikal at mga problema sa dibisyon. Ang pinakamaagang mga bakas ng mga numeral na Babilonyo ay mula sa panahong ito. Ang panahong 2700–2300 BK ay nakakita ng unang paglitaw ng abacus at isang tabla ng mga sunod sunod na column na nagdelimita ng mga sunod sunod na orden ng magnitudo ng sistemang seksahesimal ng bilang. Ang mga Sumeryo ang unang gumamit ng isang halagang lugar na sistemang numeral. Maaari ring ang mga Sumeryo ay gumamit ng isang uri ng slide rule sa pagkukuwentang astronomikal. Sila ang unang nakahanap ng area ng isang tatsulok at bolyum ng isang cube.
Agrikultura
baguhinAng mga Sumeryo ay nagsanay ng mga pamamaraang agrikultural kabilang ang organisadong irigasyon, malawakang kultibasyon ng lupain, pang isahang pagtatanim, paggamit ng araro at paggamit ng espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng burokratikong kontrol. Ang pangangailangan na mangasiwa ng mga salaysay ng templo sa organisasyong ito ay nagresulta sa pagbuo ng pagsulat sa Sumeria noong ca. 3500 BK.
Mga teknolohiya
baguhinKabilang sa mga teknolohiyang inimbento o ginamit ng mga Sumeryo ang gulong, kuneiporma, aritmetika, heometriya, mga sistemang irigasyon, mga bangka, kalendaryong lunisolar, bronse, kuwero, mga lagari, mga pait, mga martilyo, mga pako, mga pin, mga bit, balat ng tubig, mga singsing, mga pala, mga palakol, mga kutsilyo, mga espada, pandikit, balaraw, mga bag, mga harness, mga baluti, mga karwaheng pandigma, mga bota, mga sandalyas, mga arpon, at serbesa.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Sumerian Questions and Answers". Sumerian.org. Nakuha noong 2012-03-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bertman, Stephen (2003). Handbook to life in ancient Mesopotamia. Facts on File. p. 143. ISBN 978-0-8160-4346-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Sumer (ancient region, Iraq)". Britannica Online Encyclopedia. Britannica.com. Nakuha noong 2012-03-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kleniewski, Nancy; Thomas, Alexander R (2010-03-26). "Cities, Change, and Conflict: A Political Economy of Urban Life". ISBN 978-0-495-81222-7.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maisels, Charles Keith (1993). "The Near East: Archaeology in the "Cradle of Civilization"". ISBN 978-0-415-04742-5.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maisels, Charles Keith (2001). "Early Civilizations of the Old World: The Formative Histories of Egypt, the Levant, Mesopotamia, India and China". ISBN 978-0-415-10976-5.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shaw, Ian; Jameson, Robert (2002). "A dictionary of archaeology". ISBN 978-0-631-23583-5.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 Deutscher, Guy (2007). Syntactic Change in Akkadian: The Evolution of Sentential Complementation. Oxford University Press US. pp. 20–21. ISBN 978-0-19-953222-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Leick, Gwendolyn (2003), "Mesopotamia, the Invention of the City" (Penguin)
- ↑ Thompson, William R. (2004). "Complexity, Diminishing Marginal Returns and Serial Mesopotamian Fragmentation" (PDF). Journal of World Systems Research. Inarkibo mula sa ang orihinal (pdf) noong 2012-02-19. Nakuha noong 2008-11-21.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)